Nag-iisang elepante sa Manila Zoo na si Maali, kukumustahin sa 'AHA!'
APRIL 30, 2017
Kamakailan, naging laman uli ng mga balita si Maali, ang nag-iisang elepante na 42 taon nang naninirahan sa Manila Zoo. Si Maali nga ba ang ”loneliest elephant in the world”? Dapat nga ba siyang ilipat sa isang animal sanctuary sa Thailand o manatili sa Pilipinas hanggang sa mga huling taon ng kaniyang buhay? Kilalanin at samahan natin si Maali sa kanyang buhay sa loob ng zoo. Alamin din natin ang mga katangian at kakayahan ng pambihirang hayop na ito na sinasabing isa sa pinakamatalinong hayop sa buong mundo.
Nauuso na naman ang Segway, isang uri ng self-balancing, battery-powered electric personal transportation na ngayon ay nag-evolve na sa iba’t ibang versions. Paano nga ba ito umaandar at ano ang balancing techniques na kailangang matutuhan?
Naisip n’yo ba kung paano tayo nakagagawa ng mga obra na gaya ng handmade toys? Paano nga ba puwedeng madevelop pa ang ating creative skills? Para malaman ’yan, ‘papasukin’ natin ang bahagi ng ating utak na responsible d’yan ngayong Linggo ng umaga.
Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano , ngayong Linggo, 8:00 am sa GMA.