Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Paggawa ng krayola mula sa pigments ng prutas at gulay, ngayong Linggo sa 'AHA!'


JANUARY 22, 2017

 


Una nating nakikilala ang iba’t ibang mga kulay sa crayons na lagi nating gamit sa eskuwela at sa bahay. Pero, alam n’yo bang puwede rin tayong gumawa ng sarili nating crayons? Paano nga ba gumawa ng sariling crayons o pangkulay mula sa pigments ng prutas at gulay?  Iyan ang aalamin natin kasama ang super cute na si  Pao-Pao!

 

‘Monster Trucks’ ang bansag sa mga dambuhalang truck. Sumama tayo sa isang grupo ng 4 x 4 off-road drivers at alamin kung paano nagagawang humarabas ng mga sasakyang ito sa putikan at bako-bakong kalsada at maging sa mga bulubundukin. Ano-ano ba ang pagkakaiba nito sa mga ordinaryong sasakyan?

Ilista natin ang ilan sa mga hayop na kadalasan ay iniiwasan at kinatatakutan. Bakit nga ba? Ano-ano ang peligrong maaari nilang idulot sa mga tao? At ayon sa tala ng mga taong nagiging biktima nito taon-taon, tiyak na magugulat kayo kung aling hayop ang mangunguna sa ating ‘deadliest animals’ list.

 


Tuklasin din natin kung paano gumagana ang ilang mga nauuso at paandar na apps o applications na puwede nating subukan sa pagkuha ng mga larawan at video gamit ang ating smartphones.

Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:00 am  sa GMA.

Tags: pr, plug, aha!