Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Iba't ibang Pacquiao-inspired toys and games, ngayong Linggo sa 'AHA!'


 

NOV. 6, 2016

Samu’t saring saya at kaalaman  kasama si Drew Arellano ngayong Linggo sa mas pinaagang AHA! 8:00 AM sa GMA. 

 

Ngayong Linggo, bago natin saksihan ang matinding laban nina Manny ‘Pacman’ Pacquiao at Mexican-American boxer Jessie Vargas, matinding bakbakan muna ang magaganap dito sa AHA! ng mga cool Manny Pacquiao stuff gaya ng toys, mini-jeepneys, boxing apps at iba pang high-tech games!  Huwag palampasin, mga ka-AHA! 

 

Attention, mga ka-AHA naming toy lovers, ngayong Linggo sisimulan natin mag-‘unbox’ ng mga laruang bago at tiyak na patok!  Exciting ito dahil masasaksihan natin kung paano ang pag-buo o pag-operate ng mga cool toy fresh from the box!  Abangan!

 

Usapang box pa rin tayo, Mga ka-AHA!  Alamin kung kailan at paano naimbento ang kahon. Ano-ano nga ba ang gamit nito noon at ngayon?  Ituturo rin sa atin ng mga makukulit pero very artistic nating ka-AHA na sina Bedick at Ever kung ano-ano ang mga puwedeng gawin sa mga kahon sa bahay na tila patapon na.

Ano-ano ang mga tanong na gumugulo  sa isipan ng ating mga ka-AHA? Pinili namin ang ilan sa mga ito at hahanapan natin ngayon ng kasagutan sa ‘AHAng Tanong!’