Iba't ibang uri ng puppets, tampok sa 'AHA!'
Alam n’yo ba kung ano ang marionette? Ito ay isang uri ng puppet na pinagagalaw sa pamamagitan ng mga tali o string na nakakabit sa iba’t ibang bahagi nito. Alamin ang iba’t ibang uri ng puppets na sumikat mula noon hanggang ngayon at patuloy na ginagamit para maghatid ng tuwa, saya, impormasyon at mahahalagang aral.
Natutulog ba ang isda? Bakit nga ba umiikot ang aso bago mahiga? Paborito nga ba ng daga ang keso? Ilan lang ito sa mga pambihirang tanong na nagpapakita ng walang katapusang pagkamausisa o curiosity ng mga bata. Lahat ’yan ay bibigyang kasagutan sa ”AHAng Tanong!”
Nasubukan n’yo na bang sumakay sa ilang extreme rides gaya ng roller coaster? Napasigaw rin ba kayo? Alamin kung bakit nga ba tayo sumisigaw tuwing nalalagay sa ganoong sitwasyon at ano ang mahalagang idinudulot nito sa ating katawan.
Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano , ngayong Linggo, 8:15 am sa GMA.