Pinakabatang go-kart driver sa bansa, kikilalanin sa 'AHA!'
Kilalanin natin ang ka-AHA nating si Iñigo Anton, ang 11 year old Go Kart champion na itinuturing ngayon na ‘youngest race driver sa Pilipinas. Pero bukod sa pagiging kampeon, meron pa raw tayong mahalagang aral na puwedeng matutuhan sa kaniya. AHA-bangan!
Naaalala n’yo pa ba ang malaking playpen sa playground na punong-puno ng mga bola na kung tawagin ay ‘ball swim?’ Hindi na lang mga bata ang puwedeng mag-dive dito ngayon! Bisitahin natin ang ‘Ball Pit Manila’ na isang giant playpen for grownups na mabisa raw pangrelax at pangtanggal ng stress. Alamin din kung paano ginagawa ang mga bolang ito.
Pasyalan natin ang isa na namang cosplay event at alamin kung paano nga ginagawa ng mga cosplayer ang kanilang detalyadong costumes and props para maging isang astig na anime character.
Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:15 am sa GMA.