Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

'Sweet science' sa paggawa ng Holiday goodies, tuklasin sa 'AHA!'


AHA!
Linggo, December 13
8:15 AM sa GMA-7

Tuwing Pasko, usong-uso rin ang matatamis na Holiday goodies gaya ng fruitcake, chocolate, cookies, gingerbread house, cupcakes at marami pang iba. Paano kaya ginagawa ang mga ito?

 


 


Naging modernong Pinoy Christmas tradition na ang Ayala Triangle Gardens Lights and Sounds show na nagsimula noong 2009. Mahulaan n’yo kaya kung ilang mga ilaw ang ginamit para dito? Alamin din natin disenyo at mga bagong paandar nila para sa taong ito.

 


At bisitahin din natin ang ilang mga bahay na nag-level up na sa kanilang shining, shimmering, splendid na Christmas lights kasama ang boys ng Top One Project o T.O.P.

 


Kilala ang Bacolod bilang ‘City of Smiles’ at isa sa popular na simbolo ng probinsya ang makukulay na maskara na laging nakangiti. Paano kaya ang mabusising paggawa nito?

 


 

Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano, ngayong Linggo, 8:15 am  sa GMA.

Tags: prstory, plug, plugs