Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs
Siyensiya sa likod ng iba't ibang basketball skills, aalamin sa 'AHA!'
AHA!
Linggo, Sept. 20
8:15 AM sa GMA-7
Kamakailan, bumisita ang sikat na NBA player ng Golden State Warriors na si Stephen Curry. Alamin natin ang siyensiya sa likod ng kaniyang amazing shooting skills.


Alam n’yo bang 1971 pa nang ipakilala ang ‘Galaxy Game’, ang itinuturing na ‘lolo’ ng lahat ng coin-operated arcade games. Mula noon, sari-saring arcade games na ang naimbento. Samahan natin ang dalawang ‘To The Top’ finalists na sina AJ Ajrouche at Brian Olano na magtagisan ng galing sa ‘AHA-rcade Wars.’


Nasubukan n’yo na bang ma-solve ang 3D combination puzzle na Rubik’s cube? Kilalanin natin ang mga ka-AHAng kaya raw itong buoin sa loob lang ng ilang segundo, at ‘yung iba nga ay naka-blindfold pa! May sikreto ba o pormula kung paano ito maso-solve? Iyan ang aalamin ni Ka-AHAng Miguel Tanfelix.


Kakaunti na lang daw ang mg aka-AHA nating marunong gumawa ng origami o Japanese art of paper folding. Tuturuan tayo ng mga Mad Sayangtists na sina Bedick at Ever ng mga simple at classic origami art.

Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano , ngayong Linggo, 8:15 am sa GMA.
More Videos
Most Popular