Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Siyensiya sa likod ng kinatatakutang lindol, tutuklasin sa 'AHA!'


AHA
Linggo, Hunyo 7
9 AM sa GMA-7




Isa sa paboritong fun rides na makikita sa kahit anong playground ang swing. Karaniwan, paroo’t parito o parang isang pendulum ang galaw nito. Pero, posible nga bang umikot ito nang paikot o full 360 degrees? Puwede raw ito sa isang park na makikita sa Calauan, Laguna. Ano kaya ang siyensiya sa likod nito?

 
Usap-usapan ngayon ang West Valley fault line na kapag lumindol daw nang malakas ay maaaring gumalaw at magdulot ng malaking pinsala sa mga gusali sa Metro Manila. Paano nga ba nagkakalindol? Puwede nga ba itong ma-detect o mahulaan kung kalian magaganap? Ano ang mga dapat gawin bilang paghahanda sa nakaambang panganib na maaaaring idulot nito? Iyan ang ating aalamin kasama si Ka-AHAng Arianne Bautista.

 
Samahan din si ka-AHAng Boobay na tuklasin ang teknolohiyang kayang mag-control ng isang robot gamit ang Bluetooth at mga Android apps sa ating smartphones. Masayang matuto rin sa iba’t ibang science activities na ginawa sa nakaraang Exploreum science camp.

 
Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! kasama si ka-AHAng Drew Arellano, ngayong Linggo, 9 AM sa GMA.
Tags: aha, prstory, plug, plugs