Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs
Misteryo ng '3-D Art' at iba pang 'eggs-citing' discoveries, tutuklasin sa 'AHA!'

Sa unang tingin, parang totoong-totoo. Pero, kung lalapitan, litrato lang pala ang mga ito! Paano nga ba ginagawa ang mga larawang 3D o three-dimensional? Samahan si ka-AHAng Boobay a.k.a Doorah Lakwatsira na alamin ang sining at siyensiya sa likod ng 3D art sa bagong bukas na ‘Art in Island’ sa Cubao.



Mamangha sa isang ka-AHA nating toy soldier at tank collector at alamin ang mabusising pagbubuo, pagdidikit at pagkukulay niya sa mga ito.
Samahan din ang ka-AHA nating sina Bedick at Ever sa kanilang ‘eggsciting’ eggs ‘eggs-periments.’

Sa ‘AHA-lam Ba News?’ kilalanin ang mga bagong tuklas na animal species sa Pilipinas gaya ng ‘Pirate’ Ant at Leaf Insect na ipinangalan pa sa Supremo ng Katipunan na si Andres Bonifacio. Samahan sa pagtuklas si Kapusong Jan Manual bilang AHAnt Man.
Samut-saring kaalaman sa AHA! kasama si ka-AHAng Drew Arellano, ngayong Linggo, 9am sa GMA-7.
More Videos
Most Popular