ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

AHA! goes to Japan!


Magtatagisan ng galing at diskarte ang cosplayers na sina ‘Sasuke’ at ‘Kao Pai Tek’ sa makapigil-hiningang Japanese gameshow-inspired challenges ng ‘AHA!: Japan! Japan!’ Sino kaya ang magwawagi?
 

 
Sikat ngayon ang action movie na ‘Rorouni Kenshin’ na base sa isang Japanese manga comics na sumikat sa Japan noong dekada nobenta. Aalamin ni ka-AHAng Pekto bilang anime cosplayer na si ‘Jejeta’ ang basics ng iba’t ibang sword fighting techniques ng mga samurai.

Bukod sa pakikipaglaban, mawawala rin sa kaniyang ‘diyeta’ itong si Jejeta dahil mapapasabak din siya sa umaatikabong kainan ng iba’t ibang klaseng Japanese food kasama ang mala- action star sa galling na chef. Kayanin naman kaya niya ang hamon ng wasabi?

 
Silipin din natin ang ilang amazing collections ng anime, robots,  at iba pang nakaaaliw na Japanese-made toys and action figures.
 

 
Mas Kilalanin din si Hello Kitty na nagdiriwang ng kanyang 40th birthday ngayong taon!
 
 

Turning Japanese tayo kasama si ka-AHAng Drew Arellano, ngayong Linggo, sa AHA, 9 AM sa GMA.