Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
AHA! Throwback Games
AHA! THROWBACK GAMES
Date of Airing: June 22, 2014
Time of airing: 9:00 AM, GMA-7
Mga klasikong laro at laruan noon, bumibida pa rin ngayon!
Aalamin ni ka-AHAng Rainier Castillo kung ano ang siyensiya sa likod ng pagpapaikot ng trumpo. Ipakikita rin niya sa atin ang isang dambuhalang trumpo na hahamon sa record na world’s largest top mula sa Guinness Book of World Records.
Naglaro rin ba kayo noon ng yoyo? Alamin at mamangha sa iba’t ibang tricks ng paghagis at paglalaro nito.
Si ka-AHAng Carlos Agassi naman, makiki-throwback sa iba’t ibang video games at consoles na kinahumalingan natin ngayon. Sa paglipas ng mga taon at pag-unlad ng teknolohiya, paano nga ba nag-level up ang mga paborito nating video games?
Date of Airing: June 22, 2014
Time of airing: 9:00 AM, GMA-7
Mga klasikong laro at laruan noon, bumibida pa rin ngayon!
Aalamin ni ka-AHAng Rainier Castillo kung ano ang siyensiya sa likod ng pagpapaikot ng trumpo. Ipakikita rin niya sa atin ang isang dambuhalang trumpo na hahamon sa record na world’s largest top mula sa Guinness Book of World Records.
Naglaro rin ba kayo noon ng yoyo? Alamin at mamangha sa iba’t ibang tricks ng paghagis at paglalaro nito.
Si ka-AHAng Boobay, bibisitahin ang isang pabrika at aalamin ang proseso kung paano nga ba ginagawa ang paboritong laruan na manyika. Bubusisiin din niya ang iba’t ibang kagamitan at accessories para rito.
Kung nauso ang friendship bracelets noon, rainbow loom bands naman ngayon! Aalamin ni ka-AHAng Drew Arellano kung bakit nga ba usong-uso ito ngayon at mapa-babae o lalaki, matanda at bata ay naeenggganyong bumuo ng sarili nilang disenyo gamit ang makulay na loom bands.
Maki-throwback sa mga laro at laruan ngayong Linggo, sa AHA, 9:00 AM sa GMA.
Maki-throwback sa mga laro at laruan ngayong Linggo, sa AHA, 9:00 AM sa GMA.
More Videos
Most Popular