Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

AHA! Batanes: Simple, pero rock


AHA BATANES: SIMPLE PERO ROCK
Date of Airing: April 6, 2014
Time of Airing: 9:00 AM
GMA 7


Batanes ang itinuturing na ‘last frontier of the north’ ng Pilipinas. Bihira man itong marating ng karaniwang Pinoy traveler, marami tayong mga bagay na dapat malaman at matuklasan tungkol sa napakagandang bayan na ito.



Alam n’yo na ba ang kuwento kung paano raw nabuo ang mga isla ng Batanes? Samahan si ka-AHAng Drew Arellano na maglibot sa main island ng Batan para alamin ang kasaysayan ng bayan, makita ang mga ‘rock na rock’ na dambuhalang bato at alon sa Valugan boulder beach, at maramdaman ang malakas na bugso ng hangin sa Marlboro Country.



Si ka-AHAng Ryza Cenon naman, dadayuhin ang isla ng Sabtang paramakita ang ilan sa pinakamatatandang stone houses na siyang naging trademark na ng Batanes. Paano kaya binuo ang mga bahay na ito? Ano ano ang materyales na ginamit at paano ito napanatiling matibay sa loob ng mahabang panahon?

Kung ‘rock’ ang puwersa ng kalikasan at laging ‘present’ ang hangin, alon, at bagyo sa Batanes, napanatili namang ‘simple’ ang pamumuhay ng mga katutubong Ivatan.



Susubukan ni Drew kung paano manghuli ng sikat na ‘dibang’ o flying fish ng Batanes. Si Ryza naman, sasabak sa paggawa ng ‘vakul’ o native headgear na isinusuot ng mga Ivatan laban sa hangin, araw at ulan.

Pero sino raw itong mga ‘rock’ star na makikita sa mga kabundukan ng Batanes? Walang iba kundi ang mga kambing, kalabaw at baka na walang takot na nanginginain ng damo nang nakatagilid sa mga bundok at bangin. Paano kaya nila nagagawa ang mala-gravity-defying skill na ito? Ano ang kanilang sikreto?

Sama na sa AHA-mazing adventure sa Batanes ngayong Linggo, sa AHA! 9 AM sa GMA.