Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

AHA-mazing Saging!


AHA-MAZING SAGING!
Date of Airing: March 30, 2014
Time of Airing: 9:00 AM
GMA-7

 

Sa lahat ng mga prutas, saging lang daw ang may puso.   Saging din ang isa sa pinakamalapit sa puso ng bawat Pinoy.  Ikwekwento ni Drew Arellano ang sinaunang kuwento tungkol sa pinagmulan ng saging. Papasyal din siya sa isang farm para alamin ang iba’t ibang uri ng saging at kung paano ito itinatanim at inaalagaan.
 
 
Bagamat all-year round at hindi seasonal ang pamumunga ng saging, isa rin ito sa paboritong prutas tuwing tag-init. Samahan si ka-AHAng Boobay na alamin ang iba’t ibang banana treats at pati na rin ang health benefits na dulot nito sa ating katawan.

Pero bukod sa pagkain, may iba pa raw amazing uses ang saging, gaya ng pampaganda ng balat, paggawa ng mga damit gamit ang banana fiber, banana tattoo, at maging canvas para sa iba’t ibang obra.

Bibida ang aha-mazing saging ngayong Linggo, sa AHA! 9:00 ng umaga sa GMA.