Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

AHA! Gising, gising na!


AHA! GISING GISING NA!
Date of Airing: January 26, 2014
Time of Airing: 9:00 AM





Gising na para sa isang ‘AHA-mazing umaga!’ ngayong araw ng Linggo!
 
Alam n’yo ba kung paano hinahanda ang mga paborito nating almusal habang tayo ay natutulog sa gabi?  Samahan si ka-AHAng Drew Arellano na silipin kung paano niluluto sa tradisyonal na pugon ang sikat na pan de sal, gayundin ang mainit-init at manamis-namis na taho!






 
Samahan din si Rodjun Cruz sa isang early morning fishing trip kasama ang mga mangingisda ng Cavite. Ano-ano ang mga kailangang dalhin at paghandaan?   Bakit nga ba tuwing madaling araw sila kung manghuli ng mga isda?
 
Kung may mga hayop na panggabi o ‘noctural,’ may mga hayop din na maagang gumising bukod sa tandang dahil sila ay mga ‘diurnal’ o mas aktibo naman tuwing araw.  ‘Yan naman ang mga  kikilanin ni Mara Lopez.


 
Ano kaya ang bagong hamon na dapat n’yong abangan sa ‘AHA-stig!’?   Gising na, AHA! na ngayong Linggo, 9am sa GMA.