Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Tuklasin ang mga imbensyon ni Leonardo da Vinci ngayong Linggo, Sept. 1, sa 'AHA!'






Ang ‘Mona Lisa’ marahil ang pinakasikat na obra ni Leonardo Da Vinci. Pero alam n’yo bang bukod sa pagiging painter, isa rin siyang sculptor, architect, engineer, anatomist, geologist, cartographer, writer at inventor


 
Isasama tayo ni Drew Arellano na mauunang nang silipin ang exhibit na ‘Da Vinci--The Genius’ na magbubukas pa lang dito sa atin. Ito raw ang pinakamalaking pagtatanghal ng mga ideya at obra ni Da Vinci na dumaan at ipinakita na sa iba pang mga bansa.  Anu-ano nga ba ang mga sinaunang ideya, disenyo at imbensyon ni Da Vinci na naging inspirasyon ng maraming imbensyon sa ngayon? 

Mag-jo-joy ride naman si ka-AHAng Tado sakay ng isang helicopter na base raw sa aerial screw concept noon ni Da Vinci! May iba namang sobra na ang hilig sa pangongolekta ng mgaremote-controlled helicopter at iba pang flying toys. Sina Bedick at Ever ay susubuking makagawa ng ‘boat shoes’ na mula rin sa disenyo ni Da Vinci!



Maraming Pinoy inventors ang na-inspire kay Da Vinci. Bubusisiin ni Tado ang ilan sa mga aha-mazing Pinoy inventions, na ginawa maging ng mga bata!   Paano naman kaya didiskartihan ng ating mga ka-AHA ang hamon ng ‘AHA-stig’?
 
Inventions galore ngayong Linggo, sa AHA!, 9am sa GMA.
 
Tags: plug