Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Water, water, everywhere sa "AHA!"




“Water, water, everywhere!”

July 28, Sunday, 9:00 AM
 
Tuwing tag-ulan samu’t saring mga problema at panganib ang dala ng tubig.  Pero ’wag matakot dahil ang isip ng tao ay sadyang malikot. Bilang ultimate pangontra daw sa perwisyo ng pagpasok ng tubig-baha sa loob ng bahay mo...eh ’di palutangin mo na lang ang buong bahay!  Ang technology sa likod ng ‘floating building project’ aalamin natin. 
 
Kung wala namang mainom na malinis na tubig sa panahon ng bagyo, puwede na rin daw inumin ang tubig-baha!  Ito ay kung gagamit ka ng ‘life straw’ na may kakayahan daw na linisin ang maduming tubig.



Susubukan ni Maey B. ang mga water gadgets tulad ng inflatable jetski at sea scooter na siguradong pampadagdag-saya sa mga ayaw paawat na mag-swimming. Pati ang ‘robofish’ay bubutingtingin natin. Si Boobay naman natupad ang pangarap na maging sirena sa Mermaid Academy, at mag-eehersisyo sa tubig sa pamamagitan ng ‘aqua zumba’. Bibida rin ang mga baby na ‘di pa man nakapagsasalita ay marunong nang lumangoy!  

 
Si Drew Arellano siyempre ay magbibigay na naman ng pag-iisipan sa ‘AHA-stig!’ hamon.  May mabigyan kaya ngayon ng medalya?
 
Tubig at saya sa AHA! ngayong Linggo, 9:00 ng umaga sa GMA.