Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

EGG-citing Easter Sunday celebration ngayong linggo sa 'AHA!'


EGG-citing ang magiging Easter Sunday celebration natin mga ka-AHA! Ngayong usong-uso ang egg hunting, sari-saring egg adventure at kaalamang tungkol sa itlog ang ating hahanapin. Siyempre meron ding eggs-periments si ka-AHAng Drew na magpapakita ng iba’t ibang katangian ng ating bida ngayong itlog!



 
Bakit nga ba may mga hayop na nangingitlog at mayroong hindi? Ano ang mahalagang papel na ginagampanan nito sa reproduction process ng isang hayop? Iba’t ibang mga hayop din ang nangingitlog. Hindi lang mga ibon kundi pati isda, pawikan, butiki, ahas, at maging ipis.
 
Mahalagang food source ang itlog dahil marami itong taglay na nutrisyon para sa ating katawan. Pero, anu-ano nga ba ang tama at saktong mga paraan ng pagluluto ng itlog, isama mo na rin ang balut! Kailanman ay ’di pa nasubukang kumain ng balut ni Drew Arellano, magkaroon na kaya siya ng lakas ng loob sa pagkakataong ito? 


 
Ang egg shell naman, ginamit sa paglikha ng iba’t ibang uri ng egg art! Mula sa simpleng obra hanggang sa mabusisi at kamangha-manghang ostrich egg art ni Danny Rayos del Sol, first-time nating makikita sa telebisyon ipakikita kasama si Maey B.  Usapang-itlog sa AHA!, ngayong Easter Sunday, 9:00 ng umaga sa GMA.