Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang siyensiya sa likod ng hot air balloon, pag-aralan sa 'AHA!'


AHA!
Airing date: March 3, 2013

Feel na feel na ang ‘hot’ summer months at ‘eto ang AHA! sa pagtuklas at pagbusisi ng iba’t ibang bagay at kaalaman na ‘hot na hot!’  



May hangover pa yata si Boobay sa kaniyang flying adventure noong nakaraang Linggo kaya sa 18th Philippine International Hot Air Balloon Festival sa Clarkfield, Pampanga naman siya umeksena.  Inimbestigahan niya kung ano ang siyensiya na nagpapalipad sa mga hot air balloon.


 
Aha-lam niyo ba na inaakala ng utak natin na tayo ay napapaso o naiinitan kapag kumakain tayo ng sili? Ang anghang ay hindi isang lasa, kundi isang pakiramdam o sensation of heat. Susubukan ang tatag ng ilang mga ka-AHA natin sa  ‘hotness’ ng sili na may iba-ibang antas ng kaanghangan. 

Abangan kung meron ba sa kanila ang uusok ang mga tainga! Para sa mga ’di tatagal sa hotness ng sili, subukang pangontra itong ice cream na may ‘nakapapasong lamig.' Sa sobrang lamig daw ay ‘hot na hot’ din.


 
Sa ‘hot jobs’ naman mapapasabak si Drew Arellano.  Matagalan kaya niya ang pagpapanday ng mga espada at paggawa ng mga glass-products sa gitna ng nagbabagang init ng metal at salamin?   ‘Hot na hot’ ang AHA! ngayong Linggo sa mas maaga nitong oras na 9:00 ng umaga sa GMA.