Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Usapang may puso sa 'AHA!'
AHA! Usapang May Puso Airing date: February 10, 2013 ‘Love’ na yata ang pinakamisteryosong damdamin ng tao. Kayang magbigay ng ligayang abot hanggang langit, at hinagpis na walang kasing-pait. Laging nakakabit sa usapang ‘love’ ang puso siyempre. Ang puso na pakiramdam natin ay halos sasabog na kapag labis ang ating saya, at wari bang nadudurog kapag tayo’y nasasaktan. Anim na linggo pa lang sa sinapupunan ng kanyang ina ay tumitibok na ang puso ng isang bagong tao. Kusa itong titibok nang walang humpay, hanggang sa kamatayan. Pero kung ito’y nahihirapan sa pagtibok, paano kaya ito matutulungan ng siyensya? Sakit sa puso raw ang numero unong ’killer disease’ ng mga Pinoy! Maghanda nang pagpawisan kasama ang iyong special someone sa mga ehersisyong ‘di lang magpapalakas ng inyong mga puso, magpapatibay pa sa inyong pagmamahalan. Bumibilis ba ang tibok ng puso mo sabay blush tuwing napapatingin sa ‘yo ang crush mo? Pasikreto ka bang nagsusulat ng ‘I heart u’ tuwing naiisip mo siya? Anu-anong ‘da moves’ ang pinapraktis mo para masungkit mo ang puso niya? Abangan ang advice at tips ni love guru Sam YG. Kikiligin naman kayo sa love story nina lolo Albert at lola Monina na kahit na mahigit limang dekada nang mag-asawa ay sweet na sweet pa rin sa isa’t isa. Ano kaya ang mga sikreto sa never-ending romance nila? Usapang may puso tayo sa AHA! kasama si Drew Arellano ngayong Linggo, 9:00 ng umaga dito lang sa GMA.
More Videos
Most Popular