Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Choco Loco: 'AHA' visits a chocolate factory
AHA! “CHOCO LOCO” December 9, 2012 9:10 ng umaga Pasko na naman at perfect na panahon para ma-enjoy nang guilt-free ang tamis-pait na sarap ng tsokolate, na paborito ring pang-regalo ngayong Pasko! Kaya naman isang kahon ng mga sorpresa tungkol sa tsokolate ang bubuksan ng AHA! kasama si Drew Arellano. Saan nga ba nagmula ‘yang tsokolateng nilalantakan mo? Samahan si Boobay a.k.a Doorah D’ Lakwatsira sa kaniyang pagdiskubre sa sikreto ng cacao, na pinagmumulan ng tsokolate. Papasukin naman ni Drew ang isang pabrika ng tsokolate para sundan at busisiin ang proseso kung paano ito ginagawa. Aalamin din ang iba pang gamit sa tsokolate, gaya ng make-up, sapatos, chocolate spa, at kung anu-ano pa! Itinuturing na "happy and love food" ang tsokolate at marami ang may paborito nito, pero may ilan din na super allergic dito. Ano nga ba ang hatid na saya at dusa ng tsokolate sa ating katawan? Pihadong maglalaway ka sa AHA! ngayong Linggo, 9:10 ng umaga bago ang Pacman-Marquez Fight sa GMA.
Tags: plug
More Videos
Most Popular