'Diskarteng Bata,' dokumentaryo ni Kara David, ngayong Sabado sa 'I-Witness'
“DISKARTENG BATA”
Dokumentaryo ni Kara David
March 2, 2019
Taong 2011 nang gawin ni Kara David ang dokumentaryong “Anak ng Kalye” para silipin ang buhay ng mga menor de edad na maagang nasasangkot sa masasamang mga gawain. Nakilala noon ni Kara ang katorse anyos na si “JM” - isang batang hamog. Mula Davao, iniwan siya ng kanyang mga magulang sa Maynila --- naging laman ng lansangan at napilitang dumiskarte sa maling paraan. Pero ilang linggo lang mula nang umere ang dokumentaryo, namatay si “JM” nang masagasaan siya habang dumidiskarte sa kalsada.
Noong taong 2011 din, pinagdedebatehan na ng mga mambabatas ang pagbaba ng “Age of Social Responsibility” sa siyam na taon mula kinse. Fast forward ngayong 2019, muli na namang mainit ang parehong isyu.
Hinanap ni Kara ang kaibigan ni “JM” na si “Roy”. Nahanap niya ito sa Makati City Jail. Walong taon na ang nagdaan pero hindi nakuhang iwan ni “Roy” ang iligal na gawain.
At tila nauulit lang ang isyung kinaharap ng ilang kabataan ngayon.
Estudyante sa elementarya ang katorse anyos na si “Dodong” at dose anyos naman si “Jocelyn.” Pero pagkalabas ng eskuwela, imbis na umuwi, diretso ang dalawa sa pagdiskarte sa lansangan. Sa murang edad, bihasa na sila sa pagnanakaw at pandurukot. Pero hindi raw bisyo ang nagtutulak kay “Nognog” na gumawa ng masama, kundi para may maiabot na pambaon sa nakababata niyang mga kapatid. Samantalang ang mga magulang ni “Jocelyn”, walang kaalam-alam sa ginagawang pagdidiskarte ng bata.
Solusyon na nga ba ang pagbaba ng edad ng “Age of Social Responsibility” para mabawasan ang mga kabataang gumagawa ng krimen? Panuorin ang dokumentaryo ni Kara David na “Diskarteng Bata” ngayong Sabado, March 2, sa I-Witness sa GMA-7.
English version
In 2011, Kara David produced “Anak ng Kalye”, a documentary about “batang hamog” --- a term that describes street children, some of whom are in conflict with the law. She met “JM”, who was then a 14-year-old batang hamog. At a young age, his parents abandoned him. He lived in the streets of Metro Manila where he learned to survive by stealing and where he met his tragic death. “JM” got hit by a car.
The same year “Anak ng Kalye” was produced, lawmakers were already debating on lowering the “Age of Social Responsibility” from fifteen years old to nine. Fast forward to 2019, the same issue is again the center of a hot debate.
Kara traced “JM’s” friend, “Roy,” and found him in a city jail in Makati. Eight years have passed, but his old ways did not change.
And the cycle continues.
14-year-old “Dodong” and 12-year-old “Jocelyn” are both in elementary school. As soon as class ends, they get into their next activity: pickpocketing. “Dodong” does it so he can give his siblings school allowance. Jocelyn is still learning the job from “Dodong” without her family’s knowledge.
Will lowering the age of social responsibility help keep children away from crimes? “Diskarteng Bata” airs this Saturday, March 2, on GMA-7.