Isang dating television anchor ang nasawi dahil sa sepsis o impeksyong kumalat sa dugo bunga umano ng komplikasyon ng "kagat" ng putakte.
Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, sinabing nais ng pamilya ng namayapang si Nikka Alejar na maibestigahan ang nangyari.
Nagdulot umano ng iba't ibang komplikasyon ang simpleng "kagat" ng putakte na natamo ni Alejar habang nagdidilig sa kaniyang bahay sa San Mateo, Rizal noong Abril.
Naospital si Alejar nang maapektuhan maging ang kaniyang immune system hanggang sa pumanaw dahil sa sepsis.
Paalala naman ni Health Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial, huwag balewalain ang kagat ng insekto.
"Sa ibang mga tao parang localized reaction lang siya sa lugar ng kagat but for others it can be a systemic, 'yung buong katawan at puwedeng ikamatay. Depende doon sa sensitivity ng taong nakagat," paliwanag niya. -- FRJ, GMA News