• Araw-araw, may ibibigay na trivia question of the day si Kuya Kim
• Magbibigay si Kuya Kim ng clue para masagot ang trivia question of the day na ang sagot ay mahahanap lamang loob ng inyong bahay
• Mag-selfie kasama ang inyong sagot habang pinapanood ang Dapat Alam Mo!
• Sa hudyat ng DAM host, kailangang ipadala ang tamang sagot online
• Para makasali, kailangang i-FOLLOW ang Facebook page ng DAPAT ALAM MO! Hanapin ang pinned post at i-click ang link ng microsite: http://www.gmanetwork.com/damalammoyern
• I-register sa microsite ang inyong pangalan, address, contact number at birthday kasama inyong sagot
• Ang UNANG makakapagpasa ng tamang sagot base sa timestamp sa aming database ang mananalo ng P10,000.00 in cash!
PROMO PERIOD: T -Th February 14 – May 13, 2022
FAQs:
PWEDE BANG MAGPASA NG ENTRIES ONLINE KUNG WALANG FACEBOOK ACCOUNT?
Isa sa mga requirement para makapagpasa ng entry online ay ang pag-FOLLOW sa Facebook page ng DAPAT ALAM MO! Dapat mayroong Facebook account para makapag-register.
ISA SA MGA FAMILY MEMBERS KO AY NAGTATRABAHO SA GMA. MAAARI BA AKONG SUMALI?
Lahat ng empleyado ng GMA Network at subsidiaries nito hanggang second degree of consanguinity ay disqualified sa pagsali sa promong ito.
PAANO KAPAG SABAY NA NAKAPAGPASA ANG UNA AT IKALAWANG CONTESTANT NA MAY TAMANG SAGOT?
Kapag sabay na nakapagpasa ang una at ikalawang contestant na may tamang sagot, pareho silang bibigyan ng premyo.
PAANO MAKUKUHA ANG PREMYO?
Ipadadala ang Cash Prize sa pamamagitan ng bank transfer o mobile wallet/mobile payment/branchless banking service. Maghanda ng cellphone at valid ID o pagkakakilanlan sa pagclaim ng premyo.
KAPAG NANALO NA AKO NG ISANG BESES, PWEDE PA BANG SUMALI ULI?
Isang beses lang maaaring manalo ang bawat sasali sa “Alam Mo Yern?!” game promo ng DAPAT ALAM MO!.