Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Kwentong Kapuso: Pagtulong sa mga biktima ng bagyo


A GMA News Online reader, Maria Paz Samelo, sent a poem about helping victims of calamities. Pagtulong sa mga Biktima ng Bagyo ni Maria Paz Samelo   Isang taos-pusong panawagan Sa lahat ng ating mga kababayan Atin naman silang tulungan Mga taong naapektuhan   Baha, bagyo, lindol, at iba pa Sari-saring pangyayari at sakuna Di kayang pigilan ninuman Dahil ito ay banta ni Inang kalikasan   Maraming tao ang nagluluksa Dahil sa nagyari sa kanilang pamilya Ramdan natin ang kanilang labis na kalungkutan Kaya sana ating silang damayan at tulungan   Kung ikaw man ay may sapat na biyaya Ipagbigay alam at ika’y sumadya Sa mga institusyon o grupong nagbabalita  Upang maibsan ang kalungkutan ng mga nasalanta   Isang napakalaking pagpapahalaga Ang iyong/ating magagawa Sa donasyong iyong maibibigay Sa Diyos at sa tao mo iaalay Isa pang paraan ng pagtulong Ipagdasal natin sila sa Panginoon Sama-samang hilingin ang kanilang kapakanan Nawa’y pagdadalamhati nila ay malampasan   Maraming salamat sa inyong pagkakaisa Pagtulong sa kapawa ay ipagpatuloy pa Diyos na ang bahalang humusga Pagmamahal mo sa kapwa ay dakila.