ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Matatamis na alaala ng aming kabataan


Anim kaming magkakapatid, masasabi kong mapalad ako dahil pangalawa ako sa kanila. Mas una kong nabanaagan ang liwanag ng sikat ng araw at mas marami akong alaalang sasariwain pagdating ng panahon. Tulad ngayong magkakalayo na kami.

"Isang umaga sa may silong, kumakain kami ng puding ni Tibo na noo’y wala pang muwang sa edad na tatlo. Sarap na sarap kami sa tinapay na iyon. Sambit ko sa kanya, "Unahan tayong makaubos ng puding, kung sinong unang makaubos, siya ang panalo." - Gilson... Guhit ni Annalyn Perez
Ang Kuya: Malimit kaming mag-away ng Kuya ko. Ganun naman daw talaga, halos ang magkasunod ang magkaaway. Sa tindi nga ng pag-aaway namin, nagawa ko pang sambitin sa kanya na, “Hindi na kita tatawaging Kuya! Tandaan mo ang ang araw na ito!" Siguro sa tindi ng galit, iyon ang nabigkas ko sa kanya. Nag-away lang kami dahil sa kulambong nakakalat sa kwarto namin. Nasuntok niya ako dahil ayaw kong ligpitin ang kulambo. Kaya marahil iyon ang mga katagang nabanggit ko patungkol sa kanya... masakit kaya ang masuntok. Subalit makalipas lang ang ilang araw, Kuya pa rin ang tawag ko sa kanya. Kuya ko pa rin siya. Nag-iisa lang siyang Kuya ko. Mahal niya ako at alam kong alam niyang mahal ko rin siya. Malimit lang kaming magkaroon ng away-bati dati. Si Mokong: Halos magkasundo kami noong kaliliitan namin ni Mokong. Mahilig kaming mag-alaga noon ng pusa. Natatandaan ko pa na may pusa kaming inaalagaan noong bata pa kami. Pinapakain, ginagawan ng bahay at laging binabantayan. Subalit habang lumalaki siya, napapalayo ang loob niya sa mga pusa. Minsan may pusa kami sa bahay. Nagawa ba namang itapon sa palayan...hindi pa pala ganap na pusa ang nilalang, isa pa lamang siyang kuting. Kuting na itinapon sa malayong palayan. Bagyong bagyo noon at laking gulat namin nang makauwi sa aming bahay ang kawawang kuting. Basing-basa at putikan ang buong katawan. Ngiyaw ng ngiyaw na tila nagsusumamo na siya’y muli naming arugain. Kinuha ko siya at nilinisan. Hindi na katulad ng dati si Mokong, ayaw na niya sa mga pusa. Matapos lang ang ulan, itinapon ni Mokong sa tulay na may malalim na bangin ang kawawang kuting. Si Tibo: Si Tibo ang mabait kong kapatid, madali ko kasing mauto. Tanda ko pa noong kaliitan namin, malimit ko siyang isahan. Siguro, talagang likas lang siyang mabait kaya madali ko siyang magulangan. Isang umaga sa may silong, kumakain kami ng puding ni Tibo na noo’y wala pang muwang sa edad na tatlo. Sarap na sarap kami sa tinapay na iyon. Sambit ko sa kanya, "Unahan tayong makaubos ng puding, kung sinong unang makaubos, siya ang panalo." Pumayag naman siya. Dahil sarap na sarap ako, sinamuol ko lahat ng aking puding. Pinilit kong inubos agad. Nang maubos ko ang aking puding, sabi ko sa kanya: “Akin na lang yang puding mo para ikaw ang manalo".

Kay daming alaala ng aming kabataan. Mga alaalang sana’y hindi mabura ng aming pagkakalayo-layo sa isa’t isa. Sabi nga ng aming inang nanggagalaiti sa galit habang kami’y nag-aaway noon...“ Gusto niyong mag-away? Sandali, ikukuha ko kayo ng gulok. Magpatayan kayo!
– Gilson
Ibinigay naman niya sa akin ang puding niya na halos kakapiranggot pa lang ang nababawas sabay sabi niyang, “Yehey! Ako ang panalo!" Tuwang-tuwa naman ako kasi nakadalawa akong puding. Unti-unti kong inubos at ninamnam ang kanyang puding habang siya’y nagtatalon sa galak. Siya nga naman ang nanalo. Si Didoy: Medyo malayo na ang agwat ng edad namin ni Didoy. Kaya kaming matatanda ang nag-aalaga sa kanya. Mabait din siyang bata. Hindi maligalig, hindi rin makulit. Minsan nga sa kabaitan niya, nagagawa niyang matulog sa maliiti na uyayi na ginawa para sa kanya ng dade. Isinasabit lang namin siya sa may harap ng bahay namin habang abala kami sa pagbabantay ng pool-poolan namin. Nakasabit lang siya sa isang tabi habang nangongolekta kami ng “tong" sa poolan. Konting uyayi lang sa kanya, tulog na. Kung si Tibo ang inuuto ko dati, si Didoy naman ang inuuto ni Tibo noong kabataan namin. Masunurin naman si Didoy, hindi ko lang alam kung nagulangan din siya ni Tibo. Si Bakekang: Si Bakekang ang kaisa-isa naming babae. Sa kagustuhan ng mga magulang namin na magkaroon ng anak na babae, naging anim kaming magkakapatid. Buti na lang din at sa huli siya lumabas. Kung sa pangalawa o sa pangatlo siya ibinigay ng ating Diyos sa aming pamilya, marahil wala ang ilan sa amin sa mundo. Mahal na mahal namin si Bakekang. Halos maghalinhinan kami sa pag-aalaga sa kanya. Pero noong ma-addict kami sa family computer, muntik nang mamatay si Bakekang. Hindi alam ng mga mame at dade ang nangyari noon. Hindi namin sinabi baka mapalo kaming magkakapatid at itago na ang family computer. Isang umaga, abala kami sa paglalaro ng “Mario." Alam namin na natutulog lang si Bakekang (siguro mga anim na buwan pa lang siya noon), hindi namin namalayan na magtatanghali na pala. Noong matalo ako sa computer, naisipan kong silipin si Bakekang. “Si Bakekang! nahulog na pala sa kama!" Nakasubasob siya sa kumot at nagpipiligwas sa sahig. Hindi siya makahinga. Dali dali ko siyang binuhat at pinaypayan. Pulang pula na ang kanyang mukha, nakatulala siya nang siya’y aking binuhat. Buti na lang, nahimasmasan si Bakekang. Dalaga na siya ngayon. Ilan lang ang mga ito sa alaala ng aming kabataan. Kay sarap sariwain, parang kahapon lang ay magkakasama pa kami… Ako ang naglilinis ng sala at kuwarto bago pumasok sa eskwelahan. Si Tibo sa maliit na parte ng lababo at si Mokong sa mas malaking parte ng kusina. Ang Kuya naman ang taga-pamalengke. Si Didoy at Bakekang ay walang nililinis, parehas pa lang silang mga musmos at tagakalat. Ako ang taga-laba, si Mokong ang taga-tungga ng poso, si Tibo naman ay katulong ko sa pagbabanlaw. Ang Kuya ang tagasampay. Si Didoy at si Bakekang mga musmos pa lang noon, pawang mga taga-pamparami ng labada.

Tama ang aming mga magulang, wala nang sasarap pa sa panahon ng aming kabataan. Nakakalungkot nga lamang isipin na hindi na kami mga bata, may sari-sarili na kaming mga buhay. Magkakalayo na at bihira na lang magkausap at magkasama-sama.

Magkakasama din kaming nagmusiko. Ang Kuya ang sa saxophone, minsan sa bajo at drums. Ako sa baritone, si Mokong sa clarinet at si Tibo sa trumpet. Si Didoy at Bakekang ay taga-palakpak at taga-panood lamang. Kay daming alaala ng aming kabataan. Mga alaalang sana’y hindi mabura ng aming pagkakalayo-layo sa isa’t isa. Sabi nga ng aming inang nanggagalaiti sa galit habang kami’y nag-aaway noon...“ Gusto niyong mag-away? Sandali, ikukuha ko kayo ng gulok. Magpatayan kayo!" Sabay titigil kami at tatahimik. Takot din naman na mapatay namin ang isa’t isa. Subalit hindi ko rin makakalimutan ang tinuran ng aking ina nang mahimasmasan siya ng galit: “Huwag naman kayong mag-away! Magmahalan kayong magkakapatid. Habang magkakasama pa kayo, ipadama niyo na mahal ninyo ang isa’t isa. Wala nang sasarap pa sa panahong magkakasama kayong magkakapatid. Pagtanda ninyo, babalik-balikan ninyo ang araw na kayo’y magkakasama kaya magmahalan kayo!" Ganun din marahil ang nais iparating sa amin ng aming mahinahong ama sa tuwing ibabahagi niya ang kaniyang karanasan kasama ang kanyang mga kapatid, habang lumalaki sila sa kanilang kaparangan. Nakikita ko sa kanyang mga ngiti ang kagalakan sa kanyang puso sa tuwing maaalala niya ang kanyang kabataan. Mga ngiting sana’y mabanaagan din sa amin ng aming magiging mga supling pagdating ng araw. Tama ang aming mga magulang, wala nang sasarap pa sa panahon ng aming kabataan. Nakakalungkot nga lamang isipin na hindi na kami mga bata, may sari-sarili na kaming mga buhay. Magkakalayo na at bihira na lang magkausap at magkasama-sama. Ang Kuya nasa Kazakhstan, ako nasa Dubai, si Mokong at Bakekang nasa Pilipinas, si Tibo at si Didoy nasa California kasama ang aming mga magulang. Subalit magkagayun man, paglayuin man kami ng milya-milyang distansya, mananatili sa puso’t isipan namin ang pagmamahalan namin sa isa’t isa. Malayo man sila sa akin ngayon, mananatili pa rin sila sa aking puso’t alaala… Mga matatamis na alaala ng aming kabataan na nawa’y hindi nakawin ng aming pagtanda. - GMA News Gilson B. Aceveda Ano ang kwento mo? Mga Kapuso, tuloy ang kwentuhan. Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin, mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa inyo mga kababayan namin saan mang dako sa mundo, kami po'y saludo sa inyo. Kaya ilabas ang iyong saloobin, ikuwento mo Kapuso!