Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Kung Ako Ay Presidente


Kung Ako Ay Presidente Walang magiging mahirap Walang magiging mayaman Lahat ay pantay-pantay Lilipulin ko ang kurapsyon Bakit ba ang mga tao Karamihan kulang pa ang sapat at sobra Saan ba natin dadalhin ‘yon?

Kaya kung ako ay Presidente, Hindi ko kailangan ang yaman, Kapangyarihan na lang ang hihilingin ko, Dahil mabait akong tao, Ayaw ko ng may naghihirap at maghihirap
– Cyrus
Kaya kung ako ay Presidente Hindi ko kailangan ang yaman, Kapangyarihan na lang ang hihilingin ko Dahil mabait akong tao Ayaw ko ng may naghihirap at maghihirap Lahat ng para sa bayan ay sa bayan lamang Lahat ng kriminal ay lilipulin ko! Paano? Simple lang Dahil ako ang PRESIDENTE Unang-una sa lahat, Marami ang kokontra sa akin Ano ba ‘tong mga Pilipino na’to? Mga kontrabida, kaya hindi umuunlad MapaGanda o hindi maganda, may nasasabi Ngayon, kung ako ang Presidente Ako lang ang may Karapatan Susunod kayo sa lahat ng gusto ko! Lahat ng kokontra ay may parusa Lahat ng gagawa ng krimen, kamatayan! Pagdating naman sa kalye Siyempre kung ako at walang korupsiyon May kakayahan na akong paunlarin ang mga kalsada At ang mga gusali, mga impraestruktura . Aalisin ko lahat ng lumang sasakyan Babayaran ang halaga ng mga ito Upang maging pagma-may-ari ng ng gobyerno Lahat ng pampublikong sasakyan ay magiging Pag-aari ng aking administrasyon Magiging maluwag na sa wakas ang EDSA At saan mang lugar sa Pilipinas. Aalisin ko ang harang ng pagiging edukado sa walang pinag-aralan Lahat magiging pantay-pantay, Ako lang ang dapat masunod! Isasang-tabi ko muna ang mga lumang batas At gagawa ng sarili kong batas Mga kababayan, hindi pa diyan nagtatapos ang lahat Dahil hindi natin kayang tumayong mag-isa Kailangan natin ang ibang bansa Aalisin ko ang ban sa lahat ng bansa Para mapalabas man o loob ay maging malaya Ngunit hihigpitan ko at ipagbabawal ang pag-import Upang lumakas ang ating industriya At lahat ng lalabag ay may nakalatag na kaparusahan Walang mahabang usapan na aabutin ng 20-30 years Para lahat ay masolusyunan Ang sino mang kokontra sa aking administrasyon Ay ituturing kong kalaban

Alam ko, alam ko kontra kayo sa naiisip ko, Kanya-kanya naman ‘yan eh, para matigil lang ba, Okey na yung mahigpit kaysa ubod ng pagkaluwag-luwag, Maluwag nga, wala namang nangyayari, ‘di ba, ‘di ba?

Palalakasin natin ang turismo Dahil ligtas at maganda ang Pilipinas Marami tayong magiging investors at uunlad ang bansa Bakit hinsi sila dapat matakot? Kung ikaw ay isang taong nasa matuwid Wala kang dapat na ikatakot, ikaw ay ginto sa lupain ng Pilipinas Ngunit kung ang isip mo ay kalawang at masama ang intensyon Dapat ka ngang kabahan dahil walang sasantuhin ang batas ko! O ‘di ba? matatahimik ang Pilipinas ‘pag ganyan Takot silang gumawa ng mga kasalanan Lalong lalakas ang turismo natin dahil safe Matapos kong bumaba sa puwesto Makikita niyo ang pagbabago Hindi ko pinangarap maging presidente Sana may ganitong tao na dumating At least tatahimik talaga ang Pilipinas Kasi sa ngayon, sa dami ng batas ay 20 years na Nakasabit pa rin ang kaso at walang nangyayari Lahat ng dapat parusahan hindi naparurusahan Naglipana ang mga magnanakaw At ang batas natin para naman wala nangyayari Alam ko, alam ko kontra kayo sa naiisip ko Kanya-kanya naman ‘yan eh, para matigil lang ba. Okey na yung mahigpit kaysa ubod ng pagkaluwag-luwag Maluwag nga, wala namang nangyayari, ‘di ba, ‘di ba? Criminal mind ba ako? Di ha, dapat lang yun Para maubos ang mag-iisip ng krimen Siya nga pala sa trabaho ‘di ko nabanggit Siyempre lahat ng magtatrabaho May benefits para sa pamilya Sa lahat ng ahensiya ng gobyerno Imposible iniisip ko, wala lang Kasi kung tayong Pilipino ay walang masamang intensiyon Hindi tayo matatakot sa ganitong batas di ba? Ayoko na ngang salita baka marami na ang magalit sa akin. Mabuhay ang Pilipinas! – GMANews.TV Cyrus Tuloy ang kwentuhan! Mga Kapuso, sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa inyo mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, kami po'y saludo sa inyo. Kaya ilabas ang iyong saloobin, ikuwento mo Kapuso!