Dear Moderator, Magandang araw sa lahat ng mga Kapuso!!! Nawa’y pagpalain tayong lahat ng Maykapal sa lahat ng ating mga takbuhin at mga sakripisyo sa buhay. Ganun din ang aking pagbati sa lahat ng Pinoy sa ibayong dagat at sa ating mga kababayan na nasa Pilipinas. At maging sa lahat ng ating mga mahal sa buhay. Akin pong hinihiling na sa paglathala ng liham kong ito ay mapapanatili po ninyo ang aking pribadong pagkakakilanlan. Itago niyo na lang po ako sa alyas na “Mheng." Dati nagbabasa lang ako ng mga Kuwentong Kapuso sa Pinoy Abroad section ng GMANews.Tv. Marami akong nababasang mga kuwento ng tagumpay at maging ng mga kabiguan sa larangan ng pangingibang bansa. Dati ay pinili ko lang na magbasa ng mga kuwento, until I decided to share my own views and ideas tungkol sa mga kaganapan sa buhay ng isang OFW sa labas ng bansa. Para sa akin, ang pangingibang bansa ay hindi lamang basta ginusto. Kailangan ng determinasyon at dedikasyon - combined with fervent prayers - dahil maraming isakripisyo at balakid ang isang nagbabalak magtrabaho sa labas ng bansa… at mapasama sa tinatawag na mga “Bagong Bayani."
Masuwerte ang mga kababayan nating maganda ang kumpanyang napuntahan o napasukan at nabiyayaan sila ng magandang tinatanaw para sa kanilang mga mahal sa buhay. Pero paano ang hindi?
– Mhel
Ika nga, it comes in three’s: Una, kailangan mong maghanap ng ahensiya na legal at ‘di ka maloloko. Mahirap magbitaw ng pera na sa bandang huli ay malalaman mo na lang na wala na ang taong pinagbayaran mo ng pera na maaaring nagmula sa pinagbentahan ng ari-arian o hiniram sa mga ahensiyang patubuan ang hiraman. At para makasiguro kayo sa agency na balak ninyong aplayan, pwede kayong mag-inquire sa ating POEA para sa job order ng isang agency. At kung mayroon ba itong valid na lisensiya para mangalap ng mga mang-gagawang Pinoy. Pangalawa, kailangan ninyong maipasa ang interview ng agency at maging ang interview ng employer. Maipasa ang medical at kung anu-ano pang mga exams both written and physical exams. At ang pangatlo, kung makaalis man kayo, ‘di pa rin kayo sure kung maganda ba o hindi ang kumpanyang mapapasukan ninyo. Pero naroon na kayo, sa laki ng utang na iniwan sa Pinas, magdadalawang isip na kayo kung uuwi ba kayo o itutuloy na lang ang pagtitiis sa kumpanyang tila gusto lang magpa-trabaho ngunit tila ayaw naman magpa-suweldo. Masuwerte ang mga kababayan nating maganda ang mga kumpanyang napuntahan o napasukan at nabiyayaan sila ng magandang tinatanaw para sa kanilang mga mahal sa buhay. Pero paano ang hindi? Paano na ang kinabukasan ng kanilang mga mahal sa buhay na umaasa sa kanila? Sa akin, dapat nating ipagpasalamat ang anu mang dumarating sa ating buhay bilang OFW. Hindi ito isang bagay na dapat nating ipagmayabang o ipagmalabis. Dahil hindi naman tayo habang-buhay nasa abroad at habang-buhay na kumikita ng maganda. Bagkus ay dapat nating pagyamanin ang bawat sentimong ating kinikita sa pagiging OFW. At sa mga nabigo sa unang hakbang, ‘wag mawalan ng pag-asa, ‘di naman lahat ng araw ay ganoon ng ganoon ang magiging mga kaganapan.
Bilang isang OFW din, mayroon talaga sa ating mga kababayan ang may mga ugaling likas na kakaiba sa karamihan. May mga lubhang mala- “electric fan" sa lakas ng hangin.
– Mheng
Huwag sumuko at huwag magpadaig sa anumang pagsubok na dumating o dumarating. Dahil hinuhubog ka lang ng “Nasa Itaas" upang mas maging handa ka sa buhay na gusto mong tahakin, ang pagiging isang OFW. Bilang isang OFW din, mayroon talaga sa ating mga kababayan ang may mga ugaling likas na kakaiba sa karamihan. May mga lubhang mala- “electric fan" sa lakas ng hangin. Mayroon namang tila “pusong mamon" at nagiging madamdamin sa mga bagay-bagay na nakikita sa kapwa Pinoy. Sa ganang akin, tayong mga Pinoy are known to have diverse culture and traits. Kaya dapat tayo na mismo sa sarili natin ang maka-uunawa sa kung anuman ang ugali or asal ng kapwa natin mga Pilipino, na sa simula pa lang ay alam na nating magkakaiba, hindi ba? Alam natin na sa mga kababayan natin na may mga taong ganoon pero ano’t nagmamarakulyo tayo sa ugaling ipinapakita sa atin ng ilan. Lalo na nga at nasa labas tayo ng ating bansa? Kung iyon ang ugali nila, so be it, dahil hindi naman ipinipilit sa atin na sikmurain kung anuman ang asal nila. Nasa atin na iyon, hayaan natin sila sa mga asal nila hanggat ‘di tayo inaagrabyado o hanggat ‘di tayo apektado. Kung ayaw tayong kausapin or kamustahin, just let them be as they let you be yourself. At hindi iyong tayo-tayo ay pintasan ng pintasan in print or sa actual na sitwasyon sa mga nararanasan nating pakikitungo sa atin ng ilan nating mga kababayan. May naitulong ba sa sarili mo ang pagpuna o pagmamarakulyo mo sa kapwa mo Pinoy at sa ugali nito? ‘Di nga ba’t lalo ka lang nainis? Let’s not forget our main and sole purpose of working abroad, to give our families and love ones a better, secure and bright future. And hindi para magpaapekto sa kaugalian ng ilan na kung saan higit na marami ang mababait kaysa sa mga pihikan. ‘Wag naman natin ipahalata ang kasabihang, “galit ang magnanakaw sa kapwa magnanakaw." Or “galit ang mayabang sa kapwa mayabang," I suppose?
Tagumpay mo ay tagumpay para sa lahat ng iyong mga mahal sa buhay at tagumpay ng lahing pinagmulan mo, lahing Pilipino.
– Mhel
Sa loob ng 19 years of being an OFW, marami-rami na ring ang bansa na aking narating. Napakaraming mga personal na karanasan ang aking pinagdaanan. Nakasalamuha ko na rin ang iba’t ibang ugali ng Pinoy, iba’t ibang kultura ng mga banyaga. Nakapagtatakang isipin na marami pa ring mga Pinoy ang nagdaramdam kapag ‘di mo nabati sa isang lugar kung saan maraming mga kapwa mo Pinoy? Mas pinapahalagahan pa nila ang pagiging emosyonal na aspeto kaysa sa tunay na layunin ng kanilang pangingibang bansa. Maraming mga kadahilanan, mga kaganapan sa buhay ang isang OFW na maaaring nag-contribute sa pagbabago ng kanyang ugali. Hindi ba natin naisip na lahat tayo ay may mga personal na buhay at mga suliraning personal kaya maaaring naging ganun ang pakikitungo nito sa iyo? Unawa lang mga kabayan sa bawat Pinoy na makakasama o makakasalamuha mo sa iyong paninilbihan o pananatili sa labas ng bansa. Hindi dapat pagharian ng pagkainis o pagkayamot sa ating mga kababayan. Ano man ang ipinakita nito sa iyo hanggat ‘di ka inaagrabyado. Sa ganang akin, kung iyon ang ligaya ng ilan, hayaan natin, basta inuulit ko, hanggat ‘di tayo inaagrabyado. Umunawa ka at siguradong uunawain ka rin. Lawakan mo ang iyong isipan. Tigilan na natin ang mga pamimintas sa ating mga kababayan dahil kapwa natin Pinoy ang pinipintasan natin. Magtrabaho tayo ng maayos at marangal para sa ikatatagumpay ng lahing Pilipino sa buong mundo. Tagumpay mo ay tagumpay para sa lahat ng iyong mga mahal sa buhay at tagumpay ng lahing pinagmulan mo, lahing Pilipino. Love your countrymen and they will love you in return... “Bato-bato sa langit, ang tamaan, 'wag magagalit." Muli, magandang araw sa lahat at hangad ko ang tagumpay ng bawat Pilipino, mayabang man o pusong mamon ito. Bastay Pinoy, proud ako!!! Salamat sa pag-basa at paglalathala ng aking liham. More power and may the blessings of our dear Lord be upon on all of us, always. –
GMANews.TV Lubos na gumagalang,
Mheng ng Dubai, UAE