Lumbay ng magiging ama
Siguro magtataka kayo kung bakit ganyan ang titulo ng artikulo. Ito âyong kasagutan kung bakit? Nagtrabaho ako diyan before sa Pinas for almost 14 years. Nagka-girlfriend ako na ngayon ay beloved wife ko na. Seven years muna kaming naging magkasintahan bago kami nagpakasal noong November 07, 2008. Kung âdi pa siguro ako nag-abroad baka âdi pa kami naikasal. Hindi rin kasi biro ang gastos sa pagpapakasal lalo na âpag sa Simbahan gaganapin. Laking pasasalamat ko sa mga kapatid niya at tinulungan din nila ako sa ibang gastusin. Bago ako bumalik dito sa Dubai may isang very special gift si God na ibinigay sa aming mag-asawa. Alam ninyo ba kung ano? Ito ay ang pagbubuntis ng wife ko. Weâre so happy nang time na nalaman namin na buntis siya, lalo na ako. Kasi sabi ko bago sana ako bumalik sa Dubai sana makabuo na kami. Ako kasi ay 36-years old na at 30-years old naman ang wife ko. Siyempre swerte na sa edad namin ang makabuo agad kaya gift talaga ito ni Lord sa amin. Talaga namang suwerte dahil nangyari iyong nang malapit na kasi akong umalis pabalik sa Dubai kaso nadelay ang alis ko. Nagkamali kasi ako sa schedule ng flight ko kaya nagparebook na lang ako. Kaya parang blessing in disguise ang nangyaring pagkakadelay ng alis ko dahil nasamahan ko pa ang wife ko na magpa-check-up. At sinabi nga ng duktor na sa July ang due date na manganganak ang misis ko. Ganon pa man, natuloy pa rin ang alis ko 2 days after ng pagpapa-check-up ni misis. Mahirap para sa akin ang umalis dahil alam ko na ang kalagayan ng asawa ko. Pero kailangan ko muling magtrabaho para sa pambayad sa mga nautang ko nang ikinasal kami at higit sa lahat para na rin sa first baby namin. Ang saya pala ng pakiramdam âpag magiging tatay ka na. Bukod sa na-prove mo sa sarili mo na normal kayong mag-asawa at wala sa amin ang baog eh âyong bang makikita ninyo ang bunga ng inyong pagmamahalan. Two weeks pa lang ang ipinagbubuntis ng misis ko nang ako ay umalis. Sa ngayon ay magsi-six months na ang tiyan niya. Tuwing tatawag siya at magte-text sa akin, lagi niyang nababanggit na madalas sumakit ang tiyan niya, nahihirapan daw siya sa paglilihi. Sabi ng iba natural lang daw âyon sa mga nagbubuntis. Alam nâyo ba kung bakit ako malungkot? Dahil wala ako sa tabi ng misis ko habang buntis siya. Gusto ko pa naman âyong paglalambing ng misis ko habang naglilihi siya at ma-feel ko âyong pagiging ama. Nag-iisip din ako rito madalas kung na ang nangyayari sa kanya at sa magiging anak namin. Siguro kung âdi nga lang kailangan magtrabaho ako rito sa ibang bansa mag-iistay na lang ako sa atin. Pero dito ako dinala ng kapalaran kaya dapat ko itong harapin - maging kalungkutan man ang kapalit. Lagi ko silang isinasama sa dasal ko. Sana lagi silang iligtas sa ano mang oras. Miss ko na talaga ang mag-ina ko, pati na rin pamilya ko. Kapag nanganak nga misis ko sa July wala ako sa tabi niya. Wala pa nga kaming isang buwan nang ikinakasal umalis na kaagad ako. Ngayon naman manganganak siya wala pa rin ako sa Pinas, haayyyy! Ang hirap ng ganito mga kabayan. Ang ibang ama âdi ba âpag manganganak misis nila nasa tabi sila at âdi sila mapakali sa sobrang excitement. Ganoon sana ang gusto kong maramdaman pero âpag-aalala lang ang naibibigay ko sa kanila at prayers. Bihira ko na ngang makausap misis ko o kaya mai-text dahil kailangan ko na ring magtipid para makaipon sa panganganak niya. Hindi naman kamo nag-abroad ang isang tao mayaman na agad o malaki na agad ang kita. Lalo na ngayon sa company namin na kahit abutin kami ng 12 hours sa work ay wala pa ring utos ng overtime kasi fixed ang sweldo namin. Baka nga pagbalik ko ng Pinas, nakalabas na ang baby ko at 5 months na siya. Yan ay kung sa December ako papauwiin almost 6 months dito at ang due date ng misis ko ay July. Ngayon naglalaro na lang ako ng dart game madalas para mabawasan ang pangungulila ko sa kanila. Kapag nasa abroad ka kasi at nag-iisa ka at wala kang mapaglibangan doon nabuburyong ang isang OFW. âYong iba naman nating kababayan, ibang klaseng libangan naman ang sa kanila. Minsan sa alak pero madalas ang iba may girlfriend o boyfriend kahit may asawa na sila. Hindi ko sinasabing hindi ako magiging katulad nila dahil mahirap magsalita ng tapos. Pero as long na alam ko ang tama at mali, mananaitli akong tapat sa wife ko. Kung malaki lang siguro ang kita ko gusto ko sanang umuwi âpag manganganak na ang misis ko. Kaso nga lang malabo akong payagan at malaking gastos ng pamasahe pauwi ng Pinas. Kaya sa ngayon sa mga tawag at text na lang muna ako nakakukuha ng update kay misis tungkol sa aming baby. Sana manganak ang misis ko sa pamamagitan ng normal delivery kasi doon mararamdaman ang pagiging isang tunay na ina âdi ba? Pero kung ipapayo ng doctor na caesarian Ok na rin as long na magiging ligtas ang mag-ina ko. Sa ngayon hindi pa rin ganoon kaganda sitwasyon ng economy dito sa Dubai at sa ibang bansa, Subalit I believe na sa sinserong pagdarasal nating lahat, malalampasan din natin ang crisis na ito. Siguro may ibang kababayan tayo na kapareho ko rin ang sitwasyon ngayon. Siguro ang maipapayo ko lang sa kanila ay maging matatag sila sa lahat ng oras at subukan ninyong magbasa ng Bibliya. Nakakaginhawa kasi sa isip at pakiramdam ang pagbabasa ng Bibliya. Kami kasi ng mga kasama ko sa kwarto ay may mga Bible tapos nagbabasa kami sa loob ng kuwarto at nagse-sharing kami ng mga opinyon ng bawat isa para nalilibang kami sa maayos na paraan. Sa aking misis at sa magiging baby ko, hindi nâyo lang alam kung gaano ko kayo ka-miss..sobra-sobrang miss ko na kayo. Sana patnubayan kayo ni Lord everyday and forever. Mahal na mahal ko kayo. Sa mga kababayan natin, sana lahat tayo ay maglaan ng oras para kay Lord kahit ano pa ang religion mo. Ang mahalaga inaalala natin siya sa araw-araw nating buhay. Sa Pinoy Abroad, maraming salamat sa espasyo ng ibinibigay ninyo sa aming mga OFW. Sa ganitong paraan ay naipararating namin ang aming hinaing, nararamdaman at payo sa lahat ng tao sa mundo. More power PinoyAbroad God Bless! Sa lahat nang nagbabasa ng mga blog namin maraming salamat sa inyong oras at sana kahit papano ay nai-inspire kayo sa mga blogs namin! God Bless to all!!! - GMANews.TV CERI11072008 ng DUBAI Mga Kapusong Pinoy! Maraming salamat sa inyong pagtitiwala at binuksan ninyo ang inyong buhay dito sa Kwentong Kapuso para ibahagi sa iba. Ang mga karanasan, saloobin, payo, at kung ano-ano pa na ibinahagi nyo sa amin ay nagbibigay ng lakas ng loob, dagdag na kaalaman at pumapawi sa kalungkutan na nararamdaman ng marami nating kababayan na malayo sa kanilang mahal sa buhay. Sana'y hindi kayo magsawa sa pagbisita sa ating pambansang website na GMANews.TV at silipin ang iba't-ibang bahagi nito lalo na ang Pinoy Abroad at OFW Station na sadyang nilikha para sa inyo. Muli ang papuri at pasasalamat ay ibinabalik namin sa inyo mga kababayan naming nagtitiis sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga mahal sa buhay. At tulad ng nagdaang taon, hinding-hindi kami magsasawa na basahin ang inyong kwento, maigsi man o milya-milya ang haba. Kahit ang laman ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, nagsusumbong, nais lang magpatawa o kahit wala lang, dahil walang magawa. Hihintayin pa rin namin ang inyong mga email sa Pinoyabroad@gmanews.tv para magkaroon ng pagkakataon na makipag-ugnayan sa ating mga kababayan saan man dako sa mundo. Saludo kami sa inyo mga mahal naming kababayang Pinoy sa abroad! Mabuhay kayo mga Kapuso!