NO BULLYING! Paano ba matutulungan ang mga nabu-bully?
“Bullying can happen even if my own child is safe with me in my house.”
Isa ang Pilipinas sa may pinakamataas na rate ng bullying sa mga eskwelahan. Pero maski ang bully, pwede palang maging biktima rin?!
Sa pinakabagong episode ng Share Ko Lang, pag-uusapan ni Doc Anna kasama si Michelle Abigail Bonafe ng No Bully Program, kung paano dapat tugunan ang problemang ito.
DOC ANNA: Hello, mga Kapuso! Ako si Dr. Anna Tuazon, ang inyong kakuwentuhan na psychologist sa Share Ko Lang.
Bullying Capital of the World daw ang Pilipinas. Base sa isang international study, one out of three Filipino students daw ang nakararanas ng bullying.
Paano natin matutulungan ang mga estudyante na naging biktima nito? 'Yan ang pag-uusapan natin kasama ang registered psychometrician na si Michelle Abigail Bonafe.
Hi, Michelle! Welcome to Share Ko Lang.
MICHELLE: Hello, Doc Tuazon, Doc Anna. I'm Michelle. Nice to see you and good afternoon po sa lahat ng mga viewer natin.
DOC ANNA: So I want to ask you, kasi 'di ba, kasama ka ng Philippine Mental Health Association at kasama ka roon sa No Bully Program, tama? So ano ang No Bully Program?
MICHELLE: Actually, ang No Bully Program po ay isang partnership sa isang international NGO na kagaya rin ng PMHA. UK-based ito. Pero nakita namin 'yung ganda na ino-offer ng programa nila na kahit na nasa Philippine context ay applicable ang mga konsepto na ini-introduce nila.
Kasi instead na maka-focus sa punitive na approach in terms of addressing bullying, more of solution focused 'yung ginagawa nila.
Actually, mayroon silang dalawang highlights na ginagamit kapag ka nag-a-address ng bullying. 'Yun 'yung left hand of empathy and then right hand of action.
'Pag sinabing left hand of empathy, nakakonekta kasi 'yan sa puso. So inilalagay mo 'yung sarili mo sa sitwasyon ng biktima o nu'ng bullied na estudyante at kinukuha mo, kumbaga iniintindi mo, kung ano 'yung nararanasan niya.
At du'n naman, du'n din sa bully, akala kasi natin parang ang biktima lang dito ay ang bully, ang bullied or target, pero kung titingnan natin, mayroon ding mga mental health concern ang isang bully na student.
So gagamitan din natin siya ng left hand of empathy but at the same time, since mayroon siyang act na kailangan i-address, we also use the right hand of action, which sets the boundary, sets the limit. And as someone addressing bullying, 'yun 'yung magiging point mo na kung saan ka kikilos at gagawa ng action. You understand the person but at the same time, you set limits and do something about the situation.
DOC ANNA: So left hand of empathy, right hand of action. So sabi mo nga, solution focused.
So hindi lang 'yung na-bully na student ang tutulungan natin pero 'yung kabuoan, 'di ba, para mabuwag 'yung sistema ng bullying.
So, Michelle, kasi 'di ba sabi nga sa isang study, tayo isa sa pinakamataas na rate ng bullying sa mundo.
'Yung sinasabi nila, 65% daw halos naka-experience ng bullying. Nakikita n'yo ba 'to? 'Pag nasa schools kayo, nasa ground kayo, talagang talamak nga ba ang bullying ngayon?
MICHELLE: Actually, yes. Sa nakaraan naming solution coach training noong nakaraang 2023, twelve schools 'yung napuntahan namin at buong bansa ito, mga selected school mula Luzon, Visayas, and Mindanao, kung saan may iba't ibang senaryo silang pine-present sa amin.
Kapag magtatanong kami, "Kumusta po ba ang school? Ano ba ang situation ng bullying dito sa inyong school?" So iba-iba, may mga... Ang dynamics ay grupo ng mga kabataan sa isang classroom, may isang bata lang na na-isolate. Mayroon naman kaming nakita rin na 'yung bullying nadadala sa labas ng school.
May situation din na 'yung mga teacher ang nabu-bully ng mga estudyante. So pero ang mahalaga siguro dito, kahit sinasabi natin 'yung mga sitwasyon na nakita namin sa PMHA sa bullying situation sa iba't ibang schools na napuntahan namin nationwide, siguro alamin muna natin ano ba 'yung bullying. Mahalaga kasi na maintindihan natin ano ba 'yung bullying.
As defined by WHO, it's a repetitive intentional hurting of a person or a group of people. And kung saan 'yung relationship nila, there's an imbalance of power. So sa definition na 'yun, makikita natin 'yung tatlong Ps: power, purpose, and then persistence. Tatlong P 'yung gagamitin natin.
Letter P na una ay 'yung Power. So ito ay isang advantage or strength over someone.
So ang example nu'n siguro 'yung pananakit, paninipa. Puwede rin 'yung pagtawag ng mga pangalan kasi ginagamit 'yung impluwensya, 'yung lakas para i-downplay at sabihin na "Ito ka lang" because of name-calling.
Number two P is 'yung Purpose. Ano 'yung intention sa pagtrato ru'n sa tao? Ito ba ay because of you want the person to be harmed, to be intimidated or controlled? So kapag may ganu'n, 'yung purpose niya, that's bullying.
And letter P, number 3 is Persistence. Ang ibig sabihin nito ay paulit-ulit, repeated at specific person 'yung tina-target every time.
So kapag mayroon itong tatlong ito, doon natin masasabi na bullying 'yung ginagawa sa atin.
Actually po, Doc Anna, 'yung mga teacher din namin, naco-confuse sila, kailan ba, paano siya madi-differentiate sa disrespect, sa teasing, sa power play.
So kapag sinabi natin na teasing, it can be playful between, as you said, magkaklase lang, nagkabiruan or one-time thing lang. Pero kapag paulit-ulit na siya na ginagawa, and again, with the intention to hurt that person, that becomes bullying.
Kapag naman disrespect, it is about a lack of courtesy and lack of regard for a person. So it can happen between same level. So parehong estudyante, parehong magkatrabaho o magkaparehas na teachers, ganyan.
Sometimes, ang disrespect nangyayari siya out of frustration, minsan unaware na nagagawa 'yun. Pero again, 'pag pumasok 'yung tatlong P, like repetitive siya, ang intention mo is to hurt, it starts to become bullying.
Kapag naman power play siya, ang dynamics nito ay ginagamitan ng posisyon, ng influence or ng advantage to control or manipulate someone. Pero because power lang siya, it's about power play. Ginagamit 'yung posisyon. Kunwari teacher sa students or administrator to teachers. Pero kapag nagkakaroon na again nu'ng purpose and then persistence, that becomes bullying.
DOC ANNA: Kanina, Michelle, sabi mo, minsan pati ang teacher nabu-bully ng estudyante. So curious 'yun kasi usually iniisip natin mas may power ang teacher sa student. Pero student to teacher, saan 'yung power doon?
MICHELLE: Kaya ko siya nabanggit kasi isa rin 'yun sa mga nabanggit ng teacher, mga teacher na na-train namin sa No Bully Philippines. Ang sabi nila, "Possible ba 'yun? Parang kami kasi kino-consider namin na bullying kung 'yung mga estudyante namin ay binu-bully kami." So tiningnan namin 'yung sitwasyon.
Ang nangyayari, grupo sila or isang classroom tapos ang power pumapasok kapag ka 'yung grupo na 'yun, kumbaga social group sila, it becomes a power kapag sama-sama sila ay nagkakaisa sila ru'n sa intention na ipahiya, na i-hurt 'yung kanilang teacher.
And paulit-ulit, hindi lang siya disrespect na one time because the class is frustrated or unintentional nilang nagawa.
So kaya mayroong, kaya siya nale-label as bullying kasi may power na rin siya.
DOC ANNA: Punta naman tayo, Michelle, doon sa mga iba't ibang uri ng bullying.
Kasi 'pag nanakit na, physical, physical bullying, 'di ba? Sinampal, binugbog, 'yung physical na, medyo madaling ma-recognize, "Uy, bullying 'yan."
Pero mayroong mga insidious, 'di ba, 'yung mga bullying na hindi ka tuloy sure, "Nabu-bully na ba ako? Hindi ako sure, e." So ano 'yung mga iba't ibang uri ng bullying?
MICHELLE: So base ru'n sa studies or reports na nabasa natin, 'yung mga common type ng bullying sa isang Philippine school setting ay ang mga sumusunod:
Ang una riyan ay 'yung verbal bullying. Gumagamit sila ng salita para saktan o takutin 'yung kanilang mga kaklase. Ang example nito ay 'yung name-calling, 'yung tinatawag sila ng masasakit na salita. Payat, pangit, mataba, baboy, et cetera.
'Yung pangalawang uri ay 'yung social bullying. Ito naman ay 'yung pag-exclude o hindi pagsali ng isang estudyante sa grupo nila. Kasi bilang social beings, tayong mga tao, we need someone, we need a group for our mental health, for ourselves. So 'yung pag-isolate sa isang tao, sa isang grupo, it affects their mental health, most especially their self-esteem.
'Yung pangatlo is 'yung cyber bullying. 'Yung pagpapadala ng masasakit na mensahe. Tapos mayroong i-exclude or hindi kasali sa group chat, tapos 'yun 'yung gagamitin nilang means para pag-usapan 'yung kanilang kaklase na hindi miyembro ng GC na 'yun.
And then, sometimes may gumagawa rin ng mga fake profile para 'yun 'yung panggamit nila, again, to hurt and to undermine 'yung pagkatao ng person na binu-bully nila.
So itong, 'yung physical bullying also a type, as you said po, Doc Anna, 'no? Pero, as you said, ano siya, nakikita siya talaga. So kapag nanununtok, tinatadyakan, binubugbog, 'yan, physical bullying 'yan.
Pero I think itong mga nabanggit ko are the most common in terms of the statistics that we have read, 'no? And many other forms actually ang mayroon pa riyan.
DOC ANNA: You know, mayroon lumabas di ba recently, nag-viral na video, 'yung binully na bata sa Pasig City, 'yung estudyante. Tapos bini-video pa. 'Yun ang hindi ko maintindihan.
I don't know if, Michelle, you can explain to us. Bakit ganu'n? Bakit ang daming nanonood? Tapos bini-video pa kaya nga nag-viral, e.
Ngayon, may social media. 'Yung pahiya at a global scale. Paano kaya 'yun?
MICHELLE: Okay. So actually po sa dynamics ng bullying, bukod sa victim at bully, mayroon din tayong karakter na tinatawag na bystander.
So sila 'yung mga nakatayo lang at nanonood. Out of fear na mapabilang sila sa bullying, they sometimes just look and do nothing about it.
Kaya importante rin na sa isang school ay mayroong empowerment of all the students na hindi lang sila bystander, kundi upstander sila.
Kapag sinabi nating upstander, they are empowered as advocates against bullying. And kapag mayroon silang nakita na binu-bully-ng kaklase or schoolmate, they will step in and they will report that incident to their teacher.
So importante na ma-recognize 'yung takot na nararamdaman nila in a bullying situation. At gamitin 'yun to make them aware and make them empowered as advocates para maging silang katulong ng administration ng schools, ng mga teaching and non-teaching personnel sa pagpuksa ng bullying, lalo kung rampant siya sa loob ng isang school environment.
DOC ANNA: Parang in a way, the fact na sabi mo nga baka takot din sila shows na may power talaga 'yung bully in that situation. Kaya hindi sila makagalaw.
So parang kanina pa sinasabi mo nga, 'di ba, parang 'yung No Bully Program, solution focused, hindi lang sa biktima. And in fact, hindi lang doon sa biktima saka roon sa bully, nagbu-bully na student. It's all the students. It's the whole community. Sabi mo nga, upstander. Gusto ko 'yung word na 'yan.
You know, 'yung social media bullying or cyber bullying na minention mo, I think du'n talaga nao-overwhelm ang parents ngayon. Kasi hindi natin alam paano, 'di ba, paano agapan, e. Kasi noon, nu'ng wala pang internet, 'di ba, once nakauwi ka na, safe ka na, e. Alam mong, 'di ba, at least matatapos 'yun kasi pag naka-uwi ka na, okay na.
Pero ngayon, because of cyber bullying, bullying can happen even if my own child is safe, I mean, physically safe with me in my house.
So you know, I'm sure ito na 'yung tanong ng mga magulang. Itatanong ko on their behalf. Anong puwede kong gawin 'pag nakita kong may mga masasakit na messages, may mga rumor na ini-spread tungkol sa anak ko?
MICHELLE: Alam n'yo po, importante talaga 'yung role ng magulang dito. Kasi ito ay developmental stages ng mga kabataan. At maganda na nakikialam ang magulang at may participation sa kanilang buhay.
Kailangan ma-determine natin kung bullying. Kasi that's the time, it's our call to action na mayroon tayong gawin towards the situation.
At kapag mayroon ka ng somehow hard fact evidence na magagamit, then you can approach the school. Most especially kapag nangyayari po sa school 'yung bullying at involved 'yung kaniyang mga kaklase. Kasi ang common denominator nila ay 'yung school environment.
And hopefully, mayroong mga existing policy 'yung mga school natin that can address this type of situations na involved 'yung ating mga student.
Kasi kung lalapit lang 'yung parent tapos ia-address lang 'yung concern, pero the same type of situation or environment 'yung ginagalawan ng mga estudyante sa loob ng paaran nila, more likely mag-o-occur ulit 'yung bullying.
So ang importante... Aside sa maging alerto at lumapit sa school for action 'yung parents natin, we also encourage na maging involved sila sa mga gawain sa school kung saan po ay may boses sila para mailatag 'yung anti-bullying program sa loob ng paaralan.
Kasi ito po 'yung makakapagparamdam sa mga anak... makakapagpakalma ng kalooban nila na "Mayroong akong puwedeng gawin kapag 'yung anak ko na 'yung involved sa situation na ito."
So as I've mentioned, kailangan mayroong clear na programa 'yung school. Actually, sa mandate po ng ating Anti-Bullying Act of the Philippines ng 2013, mayroon talagang mandate ang mga school na kailangan mayroon silang programa — preventive and intervention — na tutulong sa mga estudyante para maiwasang maranasan ang bullying.
DOC ANNA: Pero, Michelle, paano natin ibe-break 'yung dynamic na 'yun? Parang, 'di ba, parang madali mo sabihin sa magulang, pero kung nasasaktan na 'yung magulang para sa anak niya, so how do we break the cycle? Sige, I understand, malamang kailangan natin mag-collaborate with schools, et cetera. So how do we break this cycle ng need for dominating, 'yung emotional skills, social skills? Paano natin ibe-break 'yan?
MICHELLE: Ang first natin kailangan gawin is to create an inclusive school environment for all the students. Kasi kapag, I underscored the term inclusive. Kasi kahit anong itsura mo, kahit kakaiba ka for the rest of your classmates, you are accepted here in our school.
So kapag mayroon tayong inclusive, safe environment for a school, then we can most likely lessen the occurrence of bullying.
DOC ANNA: So it starts with, sabi mo nga, parang cultivating 'yung inclusiveness and because of that, 'yung kindness din.
Parang nakikita ko na 'yung sinasabi mo na parang the reason why, kunwari, medyo na-isolate 'yung mga iba or they're acting out, whether as bullies or nae-expose sila or naging vulnerable as potential victims, dahil they're in an environment na 'pag iba ka, weird ka. Parang meron, parang may judgment 'pag iba ka.
Pero actually, that's something to think about, 'di ba? Sa ating school environment, sa ating neighborhoods, to celebrate differences and to celebrate diversity. Kasi 'di ba, mayroon din mga study na nakikita na parang 'yung sa mga bully, minsan mayroon undetected or untreated learning disabilities, difficulties.
Tapos dahil feeling nila sila mismo iba, they will overcompensate. Parang "Ayoko, ayoko makita na weak. So uunahan ko. Ako na lang 'yun."
So yeah. Parang that's a fascinating way of treating it. And as much as siguro gusto ng short-term justice relief ng parents, and then maybe, you know, obviously the victim also wants justice, siguro parang it benefits everyone if we empower them and give them the skills.
Parang ano ba 'yung appropriate ways of influencing your peers? Kung mayroon ka talagang need, parang "Ayoko na masyadong kulelat, Michelle. Gusto ko naman may power ako, 'di ba?"
There are appropriate ways to do that. Like how to make friends, how to be kind. Being kind to each other gives us social capital ba? Parang the social currency.
So instead of gaining power via aggression, hostility, parang puwede naman sa, 'di ba, parang you can belong in a way that doesn't hurt other people. Ayan.
So wow! Teka, parang taking a step back lang kasi ang laki nu'ng kailangang solusyon. And yet, I can imagine, 'yun talaga dapat... Dapat lahat tayo, we work together. Parents, teachers.
At saka siguro important din to assure them, hindi ka naman nawawalan ng justice.
MICHELLE: Yes.
DOC ANNA: Porke hindi in-expel, ganyan.
MICHELLE: And siguro, Doc Anna, 'yung naririnig ko kasi roon sa kagustuhan nila na may accountability, kumbaga may sisisihin, ganu'n, parang gusto rin nila na dahil nasaktan 'yung anak nila, may maparusahan.
Actually, 'yung punishment alone doesn't really resolve bullying.
Sige sabihin natin na maparurusahan itong nam-bully sa anak mo pero possibly it can temporarily stop 'yung bullying. Pero it doesn't really address the root cause of the problem.
That's why we are really advocating na kailangan school-wide 'yung ating campaign in terms of awareness. Tapos we have to really tap our teachers, non-teaching personnel, all essential people sa buhay ng ating mga estudyante, and also the parents.
Hindi lang sila kailangan manisi or kailangan mayroon tayong makitang may accountable dito. Kasi when we focus on punishment, we somehow stigmatize 'yung bully na masama siya and this can worsen their mental health status na as a start, mayroon ng problem because as I said, mayroon mga unresolved issue na ang way lang nila is to do bullying para ma-release 'yung mga 'yun.
And also, kapag we focus on punishment alone, that can further resentment, 'yung cycle ng aggression. So it doesn't help us build up 'yung empathy, 'yung kindness na gusto natin sa school.
I understand, 'yun 'yung somehow approach natin before. Pero this is a new, as you said, mayroon ng cyber bullying. Iba na 'yung dynamics compared du'n sa bullying before. So we need new approach na tutugon du'n sa mga bago sa dynamics ng bullying na 'to.
That's why we are really advocating for an inclusive school culture, utilize empathy, focus on solutions, and then help us establish 'yung talagang mga service na kakailanganin for this. And gaya po ng nasabi n'yo, tama na hindi lang kailangan teacher 'yung accountable, hindi lang school administrator, lahat ng nasa loob na environment na 'to, kung saan nangyayari ang bullying.
DOC ANNA: Parang at the heart of parents and loved ones nu'ng nabiktima nito, parang we just want our kids safe. More than 'yung resbak and ma-punish, siguro they want that assurance na hindi na masasaktan ulit ang anak ko. And so that's why, lahat tayo on the same page about that. We don't want kids hurt.
And so, minsan, kailangan natin talaga mag-invest, 'di ba, sa mas long-term systemic na solution. Rather than 'yung parang, sabi mo nga, parusahan 'yung isa. E, sa social media bullying, mayroon akong kilala, e, na-expel na nga pero hina-harass pa rin siya online. Kasi kahit wala siya sa school, 'di ba?
MICHELLE: They have access to it.
DOC ANNA: They have access, so it didn't really stop. In fact, lalo pa nagkaroon ng grudge.
MICHELLE: Yes.
DOC ANNA: Ayan. Naku, thank you so much, Michelle. At ang dami mong na-share sa amin and I'm sure marami kaming natutunan. Ako definitely marami akong natutunan. So thank you so much, Michelle.
MICHELLE: Thank you so much, Doc Anna.
And if ever po na kailangan nila ng information more about our No Bully Philippines, they can contact us at 0917-5652037.
So ito po 'yung mga contact information namin. They can also visit our website, pmha.org.ph, or our official social media sites @pmhaofficial. So nandoon po 'yung mga essential information about sa aming programa at sa iba pa po naming programa at campaigns against bullying.
So thank you po. Thank you so much for having PMHA.
DOC ANNA: And thank you, Michelle. And my gosh, we wish you all the best. We wish your program all the best. Sana, let's change, 'di ba, let's change this culture. Let's reverse it.