Puyat ka na naman? Kwento ng kulang sa tulog
Sa buong Southeast Asia, mga Pilipino raw ang "most sleep-deprived" o pinakakulang sa tulog ayon sa isang pag-aaral.
Relate dito ang 23-anyos na si Liam Atienza dahil sa kanyang night shift na trabaho noon. Aniya, "Sleep felt like a luxury." Dahil laging panggabi, madalas siyang kulang sa tulog!
Ang lutang moments ni Liam dahil laging puyat, panoorin ngayon sa Share Ko Lang.
DR. ANNA: Hello mga Kapuso! Ako si Dra. Anna Tuazon ang inyong kakwentuhan na psychologist sa Share ko Lang.
Kamusta na ang mga tulog natin, Kapuso?
Sa ginawang pag-aaral ng isang consumer data analytics company, tayong mga Pinoy raw ang most sleep-deprived people sa buong Southeast Asia. In other words, parati daw tayong puyat.
Relate diyan ang ating guest for today. Siya kasi ay nagkaroon ng graveyard shift o panggabi na trabaho. Para mag-share ng kanyang puyat moments, makakausap natin ang 23-year-old na si Liam Atienza. Welcome to Share Ko Lang, Liam.
LIAM: Good afternoon, Doc.
DR. ANNA: Kamusta naman ang tulog mo kagabi? Sige nga.
LIAM: Thankfully, kumpleto ang tulog ko for today. And, ayun, I have the energy and the right headspace to do this interview.
DR. ANNA: Ano sabi, ang mga Pinoy, at least among Southeast Asia, tayo ang mga pinakapuyat. Do you see that? So, I know your experience. Because of your graveyard shift, na-experience mo ‘yun. But do you see people around you na, oo nga, kahit hindi necessarily graveyard shift, talagang pagod na pagod tayong mga Pinoy?
LIAM: I empathize with those people. And I know and I experienced first-hand how difficult it is. And to be honest, nakakainggit ‘yung mga taong hindi kailangan dumaan sa ganu'ng situation in life.
And in a way, doon 'yung malungkot na part na we have to embrace this reality na people are still undergoing through this. And it’s really contributing to a lot of mental health issues. And ayun, sobrang mahirap siya. Pero it is what it is.
Talagang at that time, I had to make ends meet with what I have. Sobrang ideal ‘yung gano’ng setup na lahat day jobs. Kasi siyempre kahit sabihin natin, parang may kailangan tumao sa atin kahit gabi. So, ayun, mahirap siya. And it’s something na siguro it will be a part of society in the long run. Pero, ayun, it’s still unhealthy.
DR. ANNA: Yeah, so iba 'yung pagpupuyat noong bata ka kasi gusto mo makausap ‘yung mga friends mo o kaya mag-online games. Pero iba ‘yung required ka nang magpuyat. So anong oras ‘yung working hours mo noon?
LIAM: Siguro what made it difficult, Doc, was at that time, iba-iba ‘yung shift ko. Parang it could go as early as 8 p.m. and as late as 11 p.m. ang start. So since 8-hour shift, wala pang overtime ‘to. So, ang average na, we called that time are around 5 a.m. to 8 a.m.
DR. ANNA: Kamusta ‘yung pinakaunang sabak mo doon? Kasi ‘yun siguro ‘yung pinakamahirap na adjustment, tama ba?
LIAM: I wouldn’t say mahirap na adjustment kasi parang puyat na talaga ako way before. Pero ayun, siguro nahirapan ako nu'ng dumating na ako sa second job ko.
Kasi after that, nagpahinga ako ng ilang months because I was doing my thesis kasi I’m already in my final year of college at the time. Tapos, naisipan ko mag-freelancing, maging independent contractor. So I became an assistant for realtors abroad. So talagang graveyard ako kasi ang umaga sa kanila ‘yun sa US. Tapos at the time, doon na rin bumabalik 'yung physical classes. So unti-unti na siyang buhabalik sa face-to-face.
Doon ako nahirapan, Doc, kasi parang I have to go to work. Tapos minsan, parang may conferences ako na umaga. After ng shift ko, didiretso na ako doon. Wala nang pahinga. Parang ang pahinga ko na ‘yung pagligo ko. Dumating sa ganoong level.
So, ayun, doon ako nahirapan in a sense na dati, parang dati nakaka-enjoy magpuyat. Parang chill lang, gano'n, until parang siguro embedded sa akin na mahihirapan ka talaga if you’re forced to do something kahit alam mong sanay ka sa gano'ng setup.
DR. ANNA: So ‘yung working at night o kaya graveyard shift, parang it sounds like nu'ng una mo siyang sinubukan, hindi ka naman sobrang puyat more than your usual kasi nakakapahinga ka sa umaga kasi online classes.
Pero ‘yung totoong puyat, ang puyat is kakulangan sa pagtulog. And I think people na nag-succeed sa graveyard shift lifestyle is because marunong silang matulog kahit ang aga-aga, kahit 'di ba ang bright pa ng kuwarto nila.
Pero ‘yung totoo talagang puyat, sabi mo nga, wow pagkatapos ng trabaho, ligo lang then diretso na sa klase. Ano ‘yung feeling nu'n? Ano ‘yung experience mong nasa school kang hindi ka pa natutulog?
LIAM: Siguro, doon pumasok ‘yung challenge na I have to be in two worlds, in a way, kasi being a working student is already difficult as it is. Iba pa ‘yung kailangan at least 16 hours kang gising. Parang ‘yung matitirang 8 hours mo sa 24 hours, kailangan ihahabol mo pa sa homeworks, deliverable sa work.
So parang doon ako nauga in a sense na, ay, ang hirap pala nito. Parang huwag na pala akong bayaran, sige matutulog na lang. Parang dumating sa point na I feel undercompensated just solely because sleep felt like a luxury.
DR. ANNA: Parang at that point, parang mas valuable na ‘yung tulog kaysa sa pera.
LIAM: Exactly.
DR. ANNA: Kamusta ang buhay na baligtad ang mundo, so to speak? Kasi ‘di ba papasok ka gabi tapos na ‘yung mga tao. Tapos paglabas mo, umaga na. Ano ‘yung lifestyle na ‘yun, ‘di ba? Meron bang drawbacks?
LIAM: Minsan may benefits kasi parang alam mo ‘yun, dumating sa point na na-romanticize ko na lang ‘yung mamumuhay ng gabi. Tapos sabi ko, okay, I’m just listening to music, going to work. Tapos, walking lang. I love walking kasi, walking outdoors. So, walking through the night is something that I love. Even before I get to do graveyard shifts.
So, dati, ine-enjoy ko pa siya. Siguro, in the long run, parang naging malungkot na rin a bit kasi, wala ng tao. Parang despite my love for outdoor walks, social butterfly din kasi ako. So parang hindi ko kayang maging functional kung walang tao sa paligid.
So ayun, parang that time, ay, papasok lang ako for work. Parang there’s nothing productive in terms of, you know, knowing na papasok ka pa lang, tulog na ‘yung iba. Parang, you’re getting prepped for work, tapos na sila, parang they’re getting, alam mo ‘yun, you’re getting prepared na to sleep and to rest. And, at the time, sana all na lang ang nasasabi ko po. Sobrang difficult nga. Pero ayun, sige, ni-romanticize ko na lang. Kaya, for some time, or at some point, I enjoyed it.
DR. ANNA: At what point mo na-miss na talaga ‘yung tulog? ‘Di ba sabi mo kanina parang, after a while, ay hindi na sulit. Mas gusto ko na matulog kaysa kumita. At ano na ‘yung nase-sense mo? Ano ‘yung nararamdaman mo na parang, uy, parang hindi na okay ito.
LIAM: Nu'ng bumabalik na po ‘yung face-to-face classes actually. Kaya that time, contractual lang kasi ako sa previous work na ‘yun kasi for the sake of try lang naman. Tapos dumating na ‘yung 4th year, thesis, medyo magastos kasi graduating. Tapos dumating sa point na our family is not doing well financially. So, I have to go back.
Tapos doon ako pumasok sa freelancing. Work from home naman po siya. Pero ayun, medyo malungkot kasi 'di ako nakakalabas. Parang same setup without going outside naman.
Pero ‘yung I was going outside para mag-aral na ulit. So daylight naman ‘yun. So doon na pumasok po ‘yung after ko, after ng shift po, didiretso ako to do my deliverables sa school naman. Parang naging baligtad po siya kasi ‘di ba parang nabanggit ko po kanina, nu'ng nasa BPO ako, I had to do my homeworks first. Tapos ngayon po, I had to finish my deliverables sa work muna bago ako mag-proceed sa school. Kasi kailangan ko na mag-focus sa thesis ko. So parang nagkabaligtad siya that time.
DR. ANNA: Liam, na-sense ko, dalawang beses mo nang nabanggit, nalungkot ka talaga. Lonely ba ang night shift, ang puyat, working at night?
LIAM: Opo, in a way, kasi ito naman, at least nu'ng nasa BPO ako, I was working on-site talaga. At least may katabi ako sa table na, alam mo ‘yun, kapag in-between calls, habang naghihintay, or during lunch break, at least may kakuwentuhan ako. Ito talaga, wala. Parang dumating sa point na during breaks, talagang umiidlip na lang po talaga ako.
DR. ANNA: Talagang at that point, talagang any minute, any five minutes ‘pag pwedeng matulog, matutulog ka na?
LIAM: Yes. I’m taking every chance I get kapag nagkaroon ng time kahit five minutes lang siya. Talagang doon ko na-appreciate ‘yung concept ng power napping, ‘yung five minutes tapos okay, snap, I have to go back. Talagang dumating sa point na gano'n na talaga siya.
DR. ANNA: At any point pa, nakatulog ka na sa klase or something?
LIAM: Way before naman po, minsan. To be honest.
DR. ANNA: So, ano ‘yung mga naging experiences mo habang puyat ka? ‘Di ba minsan may nangyayari sa katawan natin? ‘Di ba medyo minsan kung ano na nangyayari sa brains natin 'pag sobrang lutang na talaga, 'di ba, or sobrang puyat? You know, ano ‘yung experience sa katawan? May na-sense ka ba na mga changes?
LIAM: Dumating sa point na kahit saang Move it or Angkas nakakaidlip na ako.
DR. ANNA: Uy, hindi ba delikado ‘yun?
LIAM: Delikado nga po. Sabi ko pumipikit ako, sabi ko hindi puwede ito. Baka mamaya 'pag pumikit ako, baka wala ng gisingan. Baka huling tulog ko na po ‘yun, walang gisingan after. So pinupuwersa ko talagang dumilat. Dumating sa point na ganu'n.
Tapos minsan parang known nga ako as extrovert tapos alam kong lutang na ako kapag I’m getting lost in the mid-conversation. So ayun, medyo mahirap siya kasi minsan kasi ako talaga ‘yung nag-initiate ng conversation. Tapos alam kong I’m not doing well kapag dumating sa point na umu-oo na lang ako kahit 'di ko na alam ‘yung nangyayari.
DR. ANNA: Napapansin ba ng mga friends mo?
LIAM: Opo, sobrang obvious po. Parang ano kasi sobrang, I’m that kind of person na sobrang daling basahin. You can tell kapag wala ako sa wisyo.
DR. ANNA: Parang naalala ko tuloy, parang may shinare ang ating Kapuso na si Sugar na pumasok daw siya noong Sabado kahit Sunday pa ‘yung pasok niya. Gano'n siya kapuyat. Sa maling araw siya pumasok, and she caused a stir only to find out that she was the one that was wrong. Nangyari na ba sa 'yo? Parang 'di mo na malaman, Monday ba 'to? Tuesday? Wednesday?
LIAM: Dumating sa point na wala na akong state of time pero 'di naman po ako dumating sa ganyang level. Parang wala na akong sense of time na.
DR. ANNA: ‘Yung oras lang 'yung nandiyan na nanibago ka?
LIAM: Parang sabi ko, hala 30 days pala ‘to. Akala ko ano, 50 days. Gano'n. ‘Yung isang calendar month. ‘Yung isang buwan. Parang, minsan may long days. Parang, in a way kasi, siguro, interpretation ko lang to of how my day went by during working in a graveyard shift na. Parang mas mahaba ‘yung araw kaysa sa gabi.
DR. ANNA: Mas matagal siya. Pero in a way, naging masipag ka tuloy, ‘no? Kasi inuuna mo tuloy. 'Di ba ginagawa mo kaagad ‘yung homework mo. Tinatapos mo kaagad ‘yung tasks. Walang petiks-petiks.
LIAM: Opo. ‘Yan na lang po ‘yung naging silver lining. Kasi talagang dumating sa point na rest became a luxury. And parang I will seize the opportunity each time I get it. So talagang dumating ako sa point na gano'n. And thankfully, wala na ako sa ganong sitwasyon. But yeah, it’s pretty much how my life was during working in a graveyard shift.
DR. ANNA: Parang nagkaroon ka ba ng any physical health issues? Or, ‘yung iba kasi nagkakasakit, Liam, ‘di ba? Meron akong mga kakilala. Nagkakasakit talaga sila 'pag sobrang nagpupuyat.
LIAM: Ano po, pinapanalangin ko naman po na huwag po akong dumating diyan. Pero siguro naka-affect sa akin mentally kasi talagang, ang naging coping mechanism ko po talaga mag-stress eating and I gained a lot of weight throughout the pandemic. So, it’s some, parang in a way, sa graveyard shift ko po sinisisi ang pagtaba ko.
But, ayun, apart from that, siguro ‘yung dizziness, ‘yung, I mean, small things siya, it’s a small thing kapag iniisip ko ngayon. Pero in the long run, it’s gonna tarnish your health and well-being talaga. So, parang thankful ako na natapos siya agad on my part.
DR. ANNA: Yeah, and so ‘yung stress eating kasi you’re stressed. Parang hindi lang... So puyat siyempre ‘di ba, so kung puyat talagang pagod na. Ang bigat ng katawan ‘di ba parang ‘yung dapat madaling task minsan nagiging mahirap, nagiging matagal kasi hindi tayo nasa ideal na kondisyon.
And then sabi mo nga ‘yung life mo parang mas limited. Kahit na i-romanticize natin, ibig sabihin ay lonely, ‘di ba?
LIAM: Yes.
DR. ANNA: Wala masyadong life. Or ano bang life ang meron sa gabi? Parang iba rin e 'di ba. Medyo iba rin ‘yung social life sa gabi. Hindi rin siya conducive to a healthy lifestyle, tama ba?
LIAM: I absolutely agree with you, Doc. Talagang, hindi naman ako totally nawalan on my part, pero talagang dumating sa point na I limited myself na socially just to make ends meet for me the way I live and siguro to make ends in a way, I will be able to get the luxury of sleep. And it’s really difficult to claim it as a luxury when it’s something that you should be having as a person. So ayun. I had to compromise even. I had to compromise something na hindi ko dapat kino-compromise in the first place.
DR. ANNA: So ngayon may day job ka na. Congratulations, graduate ka na from graveyard shift! Ano ang pinakamalaking difference? Obviously the time difference, but in terms of quality of life, ‘yung experience mo, ano ‘yung pinakamalaking difference?
LIAM: Siguro ano, mas mabilis ‘yung araw talaga ‘pag sa umaga ka nagtatrabaho. I work for the government na, so talagang nararanasan ko na ‘yung 8 to 5 na job. Minsan mag-overtime naman in a way, siguro latest na 'yung 7 or 8 p.m. Pero alam mo ‘yun, uuwi ka na lang po talaga para magpahinga. Para makakampante ka na, alam mo ‘yun, pagsakay mo sa jeep, ah, may mga pa-uwi na rin ito. Talagang, alam mo ‘yun, makakampante ako na, ay, magpapahinga ako. Kasama na ako du'n sa, parang...
DR. ANNA: Uuwi.
LIAM: Opo, naging biruan na nga namin ito sa, I still have friends kasi working in the graveyard shift. Tapos parang, ay, totoong tao ka na. Talagang dumating na po kami sa point na ayun. It’s a normal... Parang ayun, siguro kasi I’ve been, nag-aaral ako as a kid, talagang sanay ka sa umaga. Siguro parang there’s a sense of normalcy na lang with how I handle my work now. Ayun, mas productive talaga ako.
Minsan napupuyat pa din, pero alam mo ‘yun, bumabalik na po ako sa, ay, puyat ako kasi gusto ko. Not because I have to. Unhealthy pa rin, pero nalilimit naman na siya. Since busy sa government, as a public servant, you have to stay alert. So, bihira na lang, thankfully.
In a way, Doc, parang ang hirap naman pakinggan na I claim it as a reward when it’s something that we should be having to begin with. Even our circumstances say otherwise. Pero ayun, parang ganu'n nga po ‘yung feeling ko. I feel rewarded na.
It’s rewarding to feel na uuwi akong may tao pa. Hindi parang... ‘yung mga dati kasi aalis ako, tulog na ‘yung mga kasama ko sa bahay. Tapos makakasalubong ko sila, sabay-sabay na matutulog and all. So it’s really a different experience. And even though it shouldn’t be rewarding, it feels rewarding on my part. So ayun.
DR. ANNA: Parang feeling mo, uy, may life na ulit, ‘no?
LIAM: Yes.
DR. ANNA: Nakakasama ko na ‘yung mga mahal ko sa buhay, mas marami ka nang pwedeng gawin, ‘di ba? Minsan sometimes after work is when we want to go out, ‘di ba, meet up with our friends.
LIAM: Nagagawa ko na ulit siya.
DR. ANNA: Ay naku. I’m so happy for you, Liam.
LIAM: Dati kasi talagang mag-out ako sa work tapos paglabas ko sa work, sarado pa rin ‘yung mga mall. Dumating ako sa point na ganu'n, ano ba ‘yan, hindi ako makakapasyal. Parang ‘yun na nga lang 'yung way ko to escape reality. Kahit saglit lang, kahit 30 minutes lang ako maglakad-lakad sa SM.
Tapos ngayon, nagagawa ko na siya, thankfully. And it feels rewarding na I’m able to do the things that I want. And siguro kasi hindi na ako nag-aaral. Kaya, lesser stress.
DR. ANNA: Yeah. So, dapat talaga, no matter what, parang sabi mo nga, hanapan mo ng life hack, find a way. And in a way, commit na valuable, worth it, ‘di ba, sulit ang tulog.
And a lot of that is controlling your own time, having a rich life. ‘Di ba sabi mo nga, may life ka pa outside of work. So, hindi naman natin mahihiwalay ‘yung puyat at pagod at trabaho.
LIAM: Yes absolutely, Doc. I have to agree with you naman on that.
DR. ANNA: So, my goodness, thank you so much, Liam, for sharing with us. And congratulations! Welcome back to the world of daytime, daytime work! So hopefully you know, I wish you more sleep, I wish us sleep and kasi nga sabi mo nga nakakatulong talaga sa physical and mental health.
LIAM: Thank you, Doc, for having me. Thank you po.
DR. ANNA: Hindi natin maiiwasan magpuyat paminsan-minsan. Pero in the long run, hindi na ata sulit dahil we risk having physical and mental health problems. Masama na nga ang pakiramdam, pangit pa ang trabaho, mapapagastos pa tayo sa gamot.
So invest in our sleep. I-sleep mode ang devices para walang notifications. I-schedule ang hangouts sa weekend imbes na sa gabi. At pag-isipan mabuti kung anong workload ang sleep sulit para sa atin.