DOH's dancing doctor on saving lives while having fun
Dr. Eric Tayag speaks with Howie Severino on the eve of his retirement after 35 years of government service.
He talks about how he started using his Zumba moves in health campaigns and the challenge of preventing children’s deaths amid a global vaccine shortage.
Is the pandemic over? When should we still wear masks? Why is there a pertussis outbreak? Why did many believe the anti-vaxxers? Dr. Tayag provides clear answers without having to dance.
HOWIE: Magandang araw, podmates! Howie Severino muli na nagpapaalala na nakakatalino ang mahabang attention span.
Ang guest natin ngayon ay ang nakilala bilang dancing doctor na may napakamahalagang pakay sa pagsasayaw, si Dr. Eric Tayag, ang matagal na naging mukha ng mga kampanya ng gobyerno laban sa mga nakamamatay na sakit. Dr. Tayag is retiring this month of April after 35 years of service to the government. He is still Department of Health undersecretary for a few more days. Magandang araw sa inyo, Dr. Tayag.
DR. TAYAG: Magandang umaga, Howie. It's a pleasure joining your podcast. I've been dreaming this .
HOWIE: Yeah, thank you. Thank you for giving us this honor of marking your milestone. I mean, this is also a chance for us to thank you for everything that you've done for the public, for us at GMA Network, because you gave us really valuable, maybe life-saving advice at the height of the pandemic.
But before we go to all of that, because that's really serious, you kind of have a reputation for keeping really serious matters light. Para hindi naman masyado nakakatakot 'yung mga pinag-uusapan natin. So icebreaker question muna, Doc.
So as a dancing doctor, what was your go-to song? Ano 'yung pinaka-effective in communicating public health through dance?
DR. TAYAG: Well, I think looking back in 2012, perhaps, Howie, that was during our Iwas Paputok campaign over there at East Avenue Medical Center. This all happened by chance. This was unplanned. So after that campaign wherein we launched the Iwas Paputok campaign and we had to distribute CDs that contained all the kinds of noise coming out of any firework, we were about to leave the hospital.
But then someone approached me and invited me and told me that this was actually a Christmas party for children with cancer at the hospital. And they were waiting for so long. They just waited for our campaign to end. And so, they requested me if I can join the children in some dance. And so, it was Gangnam Style. Okay. It was so popular then.
HOWIE: Yeah, nauso 'yun for a while.
DR. TAYAG: Yeah. Akala ko, wala na 'yung mga, ano, 'yung media roon. Then, kinabukasan, I was in the news already. "Ito ang bagong campaign ng Kagawaran ng Kalusugan, Gangnam Style." Pinangatawanan ko na, Howie, that it was our campaign.
And since then, 'pag may mga campaign kami, Heart Month, Cancer Month, I will choose a relevant tune for it. So any favorites? Lahat ng sinayaw ko are my favorites.
Just recently, ang mga... 'pag iniimbita ko, hindi na sila nahihiya, Howie, na in their invitation, they'll say that, "Usec, please be ready because we're gonna request you for a dance." And I said, "It's okay."
HOWIE: Well, your successor will have big dancing shoes to fill, Doc. Would you recommend doing that kind of campaign strategy for anyone in your position or talagang ikaw lang makakagawa nu'n?
DR. TAYAG: Howie, I don't know. Kasi, nu'ng ginagawa ko 'yan, that was genuine. And number two, you [have to] really be serious about it. And number three, sinasama ko kasi 'yung audience to participate. And so, therefore, even if I know the dance steps, sometimes I have to modify it so that the audience can feel comfortable and they can actually follow.
So parang... At nakatulong dito because I'm enrolled in a fitness gym. And I would join these classes and I would get some choreo. And sa social media, marami ring choreo. So I would modify some of them. That makes it easier. It's not an easy job because you have to make sure that the message is there. So there's a thin line kasi baka mamaya ano ka na entertainer instead of a DOH advocate for the health programs.
HOWIE: Yeah, yeah. I'm going to ask you about that. Kung gaano ka-effective. But first, sabi niyo nga, you joined a fitness program or club. So nagzu-Zumba kayo pala, 'no? And that was a good training or preparation for that kind of public health campaign style.
DR. TAYAG: I never thought it would give me that result. Because I joined the fitness club around 8 years, even before I had my advocacy with this Dancing Doc style, championing the health programs of the Department of Health. So it was not planned that way. It was by accident.
I think it started as an amusement even for myself and the public. And then suddenly, it was becoming serious and we were getting feedback that it was a different way of giving the messages out there. And the public understood why I was dancing. It was not for entertainment, it was not for Zumba itself. But there was a message.
HOWIE: Yeah. Well, understood kasi of course as a public health expert and you're trained as an epidemiologist, I know you're also an expert on infectious diseases, you're really mainly concerned with outcomes, 'di ba? I mean, you want an outcome from whatever you do. So how do you measure the outcome from a public health strategy like this?
I'm sure many doctors are also learning from you all over the country, in their own locations, kaya ko itinatanong kung irerekomenda niyo rin. So nasusukat ba 'yung outcome nito?
I mean do you do some kind of survey of people in your audience, 'yung mga nakikisayaw doon sa mga event mo, to see whether the actual public health messages sank in? Having fun and being entertained, of course, is a worthy goal but you're a doctor. I mean, you work to save lives. Are you sure na may effect itong ginagawa niyo?
DR. TAYAG: Okay. My barometer is when I'm in the public's eye and is setting for that, I would hear people point to me and they said, "Oh, si DOH." So it's not my name, it's the DOH. So that means quite a lot to me because that speaks a lot that when they see me, they see the DOH programs. And so I'm fine with that.
So it's not anymore, "Ah, si Dr. Tayag or Usec. Tayag. Oh, that's DOH." So my name has been a catch name for DOH. So that was a good sign. And so I thought that I was not making this to make sure I become popular as Dr. Tayag, but because I am championing the health programs of the Department of Health.
Importante, Howie, 'yan eh. Kasi madaling ma-misinterpret. "Ay, may binabalak 'to. Ay, may pinaplano 'to." 'Yung mga ganu'n. Alam mo naman sa atin 'pag medyo kinakagat ng publiko ay binibigyan na ng kahulugan. Pero hindi naman sapagkat ang mga bati sa akin, "Ay si DOH."
Para sabihin nilang DOH 'yun, nakuha nila 'yung mensahe 'pag nakikita nila ako. O kaya naman, ako ay mayroong meeting kung saan ako'y naanyayahan. Kaya lang, ikinatatakot ko rin kung minsan baka akalain ng mga kasamahan ko is I'm only good sa dancing. So I made sure that pagdating naman sa mga polisiya, sa mga dapat gawin, sa Department of Health, I made sure that it's top-notch.
Wala talagang, walang makukuhang pag-aalangan sa ginagawa ko. It's not na sasabihin, e, "Wala namang ginawa niya, kundi sumayaw." Hindi naman ganu'n, Howie.
HOWIE: Yeah. Okay. I wanna go back to itong sinasabi kong outcomes kasi someone like you, a trained epidemiologist, looks at mortality, morbidity, those kinds of statistics as desirable as outcomes. But nabanggit niyo 'yung Iwas Paputok campaign, which is one of the more recent ones.
I'm old enough to remember a time when weeks before the New Year, minsan November pa, marinig mo na 'yung mga paputok. And of course, pagdating ng week of Christmas and then leading up to the New Year, and even days after the New Year, talagang a lot of neighborhoods around the country, ang daming paputok. And palakas nang palakas 'yung mga paputok.
And when I became a newspaper reporter back in the 80s, I remember doing a story about children in the orthopedic hospital. 'Yung children's ward doon, punung-puno around the time of New Year's, New Year's Day, kasi maraming bata 'yung mga nawawalan ng daliri.
Fast forward, these days, you still hear firecrackers but certainly not in the weeks before Christmas or New Year's. And then, parang nali-limit na ngayon sa New Year's Eve and nothing like what we were experiencing before. That is a clear indicator to me of an improvement in public health messaging, public health indicators. Kasi 'yun, madidinig mo. And I guess if you hear less firecrackers, most likely, there are fewer injuries. But ganu'n din ba 'yung impression niyo? Dito muna sa Iwas Paputok.
DR. TAYAG: Alam mo, nu'ng nag-i-start ako na to become an epidemiologist training dito sa Department of Health at ang Field Epidemiology Training Program, 'yan kasi ang equivalent ng Epidemic Intelligence Service Program ng US Centers for Disease Prevention and Control. So ang tawag nila 'yan, paglabas sa Amerika or the United States, is Field Epidemiology Training Program.
HOWIE: FETP?
DR. TAYAG: Oo, FETP. Kasama ako sa Fourth Batch, 1990-1992, panahon ni Sec. Juan Flavier. Siya ang Secretary nu'n. Ngayon, ang aming napag-usapan nu'n ng aking mga mentor, si Dr. Mark White at si Dr. Manuel Dayrit, director pa lamang doon si Dr. Dayrit, ay ito po natutunan ko sa kanila.
How can you even solve a problem if you are not naming what the problem is? So ang ginawa namin, nag-umpisa kami ng surveillance sa tatlong hospital lamang ng mga kasamahan ko. Binibilang namin kung ilan 'yung injuries. Taun-taon ginawa namin 'yun.
At ang nangyari n'yan, 'yun pa ang ginamit na datos para magkaroon tayo ng batas sa laban sa mga firework. At 'yan ay isang milestone sa polisiya sapagkat tunay nga kung mayroon kang datos at gagamitin ito sa mga desisyon, katulad ng polisiya, biro mo, naging batas. Ang ano natin sa fireworks ay talagang 'yan ang naging resulta kung bakit marami sa mga nabibiktima ay nabawasan na 'yung bilang.
Howie, sinasabi ko 'yan sapagkat ang kaibahan ng epidemiologists at public health, ang tinatanong namin eh, "Bakit? Bakit nangyari 'yan?" So doon, nalaman namin halimbawa na nangyayari 'yan sapagkat 'yung mga bata ang nabibiktima so wala silang supervision.
Pangalawa, nangyayari 'yan kasi may mga ilegal na fireworks. Pangatlo, nangyayari 'yan kasi may mga maling paggamit ng paputok. So ito, samu't sari 'yan and then, we come up with policies. At doon, naging batas na.
Makikita n'yo may listahan ng mga firework na illegal. At may listahan ng fireworks na puwedeng gamitin. So doon nag-umpisa 'yun kaya sa lahat ng bagay, siguro masasabi natin na 'yan ang pinagsisimulan ng transparency. Name the problem so you can solve the problem. 'Pag tinatago, ay doon tayo magkakaroon ng problema.
So tinatago mo sa anumang dahilan, ayaw mo sigurong mapahiya. O kaya naman nangangamba ka na baka ka makantiyawan. So hindi po ganu'n. Sapagkat, katulad nitong recently na nagkaroon ng pertussis outbreak sa Quezon City, Howie, if I have to digress a little bit, nag-announce ng buong tapang si Mayor Joy Belmonte na may pertussis.
E, kung iba 'yun, e, baka hindi na lang ia-announce 'yun. Kasi bakuna 'yun. Ibig sabihin, hindi ba kayo nagbabakuna sa Quezon City? Anong nangyari? Pero katulad ng ginawa po ng mga naging kalihim po namin, e, talagang ina-announce po talaga. Parang sa ganu'n nalalaman ng marami at kung ano 'yung gagawin ng bawat isa. At siya naman napunta ngayon sa communication, Howie.
So ako ay nagkaroon ng training sumandali sa Emory University sa Estados Unidos. At doon naituro sa akin ang tinatawag nilang Single Overriding Communication Objective. Ibig sabihin, 'pag humarap ka sa media o sa publiko, ang pinaka-importanteng mensahe roon ay malaman nila kung ano ang dapat gawin. Okay.
Importante rin na maikuwento mo kung ano 'yung sakit na ito pero ang importante sa lahat, sa lahat-lahat na maaaring mong sabihin ay, "Ano ngayon ang dapat naming gawin? At naririnig at napapanood ka namin." Importante po 'yun sapagkat sa mga nanonood... marami naman tayo makukuhang impormasyon pero ang importante sa akin, anong gagawin ko ngayon? At mayroon tayong ganu'n. Ganoon, Howie.
HOWIE: Okay, Doc. Balikan lang natin itong pertussis dahil 'yan ay current na pinag-uusapan ngayon in public health. Nabanggit n'yo nga na si Mayor Joy Belmonte ng Quezon City ay malakas ang loob na nag-announce. Dahil nga 'pag may nag-a-announce ng mga ganyang klaseng sitwasyon, may effect 'yan economically, politically, et cetera. But sinasabi n'yo sa larangan ng public health ay importanteng pag-usapan, i-communicate so people know what to do, right?
So just in a nutshell, ano bang sitwasyon ng pertussis sa Quezon City? Can we call it an outbreak, epidemic? Is it a crisis? Ano ba ho?
DR. TAYAG: Outbreak po 'yon subalit ang Quezon City ay hindi nagdeklara ng state of calamity. Outbreak sapagkat nakakitaan ng epidemiologist nila riyan. May epidemiologist din sila po riyan na may ilang barangay ang tumataas na 'yung mga kaso at may mga bilang na namatay na talagang naghudyat sa kanila na kailangan maalerto po ang maraming lugar sa Quezon City.
Ngayon po, nang tiningnan po nila 'yung record ay mataas po 'yung vaccine coverage nila sa pentavalent 5-in-1 ng 2023. So ang tanong doon, anong nangyari? So riyan papasok ngayon ang tanong na bakit? Bakit nangyari? Ano mayroon?
Una, may mga magulang na maaaring hindi nila napabakunahan 'yung baby. Kasi alam mo, sa 5-in-1 na bakuna, as early as 6 weeks, Howie, dapat ibigay na 'yan. At tatlong ineksyon ang dapat makumpleto ng baby bago masabi natin na nakumpleto niya 'yung tinatawag na primary series. 'Yung 5-in-1 na 'yan kaya tinawag na 5-in-1, 'yan ay kontra diphtheria, pertussis, tetanus, Hepatitis B, at Haemophilus influenzae E.
Ngayon, maaaring sa maraming lugar... malaki ho kasi Quezon City, may pocket of areas tayo na kahit na mataas 'yung kabuuang Quezon City, may mga lugar na nahuhuli sa vaccine coverage. At 'yan nga ay nai-report na ng UNICEF.
Alam niyo ba na between 2019 hanggang 2022, itong panahon ng pandemic, 48 million ng bata sa buong mundo ang hindi man lang nakatanggap kahit isang bakuna sa kanilang mga bansa? At sa ating bansa, ang bilang na iniulat ng UNICEF ay isang milyon. Kasi pagkasilang pa lang, Howie, dalawang bakuna na kaagad ang dapat matanggap — BCG at Hepatitis B.
Tapos at six weeks, may oral polio vaccine ka, 'yung patak na kung saan tatlo rin ang dapat mo makumpleto nu'n, at 'yung pentavalent nga. At 'pag siyam na buwan, 'yung tigdas naman.
Subalit kami naman ay naging maingat sa pag-aanunsyo kasi biro mo, sasabihin namin magpabakuna pero wala nang halos bakuna. Kaya sinabi rin namin, Howie, na wala nang bakuna kasi baka mamaya, sasabihin namin magpabakuna, pupunta rin 'yung mga tao sa health center, e, wala naman dadatnang bakuna.
So ang Kagawaran ng Kalusugan ay sa pag-a-announce nila, bukod sa sinasabi naming magpabakuna kung mayroon pa natitirang bakuna, ay binigyan na rin namin ng abiso na bumibili pa lang ng karagdagang bakuna. So kung ako ang publiko na malaman kong ganitong impormasyon, ano ngayon ang gagawin namin, e, wala na palang bakuna. So lahat ba kami magkakasakit?
So doon naman pumapasok ang aming binanggit na mensahe na, "Sa bahay, proteksyonan ninyo si baby, maliliit na bata, sila ang mahahawa kaagad." 'Yun ang datos po natin. Ang pagsusuot ng mask ay malaking maitutulong niyan sapagkat ganito po ang paraan kung paano tayo mahahawa sa isang may pertussis at tusperina. So ganu'n ang ginawa naming hakbangin at dinagdagan pa namin 'yung mensaheng 'yun.
Dahil ang pertussis at tusperina, Howie, ay galing sa isang bakterya, 'yung Bordetella pertussis, mayroong antibiotics. So nagagamot. Hindi siya katulad ng ibang uri ng viruses na wala tayong antibiotic. So malinaw na malinaw na sa mga mommy, kailangan si baby bakunahan.
At ang tanong nila, "Paano ko malalamang may pertussis at hindi nabakunahan?" Sinabi rin namin 'yung mga sintomas, "O magduda na kayo kung may kaunting sipon 'yan, nangingitim 'yung bibig, biglang tumigil 'yung paghinga. Malamang sa hindi, hindi ito tusperina 'yan. So imbes na inuubo 'yung baby, 'yan ay sinusuka niya. At sa atin naman, nakatatanda, e, ubo nang ubo. Dalawang buwan, nandiyan pa rin ng ubo."
So bakuna, mag-mask, magpatingin, uminom ng gamot.
HOWIE: So, Doc, nawalan ng bakuna, kinulang ang vaccine. Sabi niyo nga, bibili pa. In the meantime, nagkaroon ng pertussis outbreak. So ano ito, Doc, kinulang sa planning din ang DOH? Hindi na-project 'yung pangangailangan?
DR. TAYAG: Napro-project namin 'yung pangangailangan kaya lang gusto naming ipaliwanag at ipinaliwanag na po 'yan ng aming kalihim na mayroong mga procurement issue. Halimbawa, nagkaroon ng bid failure so maaatras ngayon at magkakaroon ulit ng bagong petsa para sa procurement.
So nagkasanga-sanga na po 'yan at kaya nga 'yung pagbili namin ng bakuna na tanging sa UNICEF lamang kami bumibili ay bumili na kami sa lokal. Ito 'yung kuwento, Howie. May pangdaigdigang kakulangan sa pentavalent o 5-plus-1. So ibig sabihin niyan ay maraming bansa ang nahihirapan na rin makakuha ng 5-in-1. So ang siniguro namin, dahil alam namin nangyayari 'yan, ay nakipag-ugnayan kami sa Serum Institute of India para sa ganu'n 'yung inorder namin ay hindi na maibibigay sa iba at tanging para sa Pilipinas 'yung mga bakunang 'yan.
HOWIE: Okay, Doc, alam natin na historically in the last few decades, tumaas 'yung ating immunization rate. It's been fairly high. And then, parang ang nabalitaan ay bumaba and alam din natin na nabalot sa controversy itong vaccines natin. And then, lalong lumala nu'ng COVID dahil nagkaroon ng anti-vax movement. Even some doctors were saying the anti-COVID vaccines could actually do more harm than good.
And then, because of that, ang daming natakot sa vaccines in general. Kaya hindi lang nagkaroon ng pertussis outbreak. Alam ko, nagkaroon pa ng mga measles outbreaks. Because measles is also preventable through immunization. So tell us about this vaccine crisis.
Is it still ongoing? Has it posed new challenges? Not just in terms of procurement but there's a communications issue now, there's an awareness issue, there's even maybe a disinformation issue when it comes to vaccines.
DR. TAYAG: Tama po 'yan. Ang talagang mensahe po diyan is vaccination saves lives. Lalo na ngayong April 24 hanggang April 30 ay gugunitain natin ang World Immunization Week.
There was a time, 'yung golden era ng pagbabakuna na kung saan doon sa panahon ni Sec. Juan Flavier, e, talagang, Oplan Alis Disease at tayo nga nagtagumpay na maging polio free noong taong 2000, na nadeklara po tayo na hanggang ngayon polio free po tayo.
At tinangka rin natin na ma-eliminate ang tigdas. Katunayan, may isa o dalawang taon na kung saan halos wala nang nare-report na tigdas. Subalit sa pagdaan ng panahon, we lost our advantage. Maraming dahilan. Sapagkat isa rito na ay lumalaki na 'yung population natin, mas marami ngayong dapat tayong ma-reach out para malaman ang importansya ng bakuna.
Nagkaroon tayo ng maraming geographically isolated and disadvantaged area. Kaya over the years, tumatamlay po ito. Ngayon, para sa pang-unawa po ng lahat, kahit na po tayo may bakuna, ang bakuna itself will not save lives. Vaccines will not save lives. It's vaccination that will save lives.
'Yung nakikita niyo pong bakuna, hindi po sapat po 'yun. Kasi sino magbabakuna? Saan ilalagay 'yan? Kasi alam n'yo, itong mga bakuna, e, masisira 'yan. Hindi 'yan puwedeng ilagay lamang sa mesa. Pangalawa, ay kailangan ay titiyagain mo mga mommy na sila ay kusang-loob, pupunta sa health center, ito ang schedule, dadalhin nila sa tamang schedule 'yung mga bata.
So kalaunan, hindi napapansin, e, bumababa na 'yung vaccine coverage. Pero marami naman nagsasabi, Howie, ang nare-report kasi namin, 'yung nare-report sa public sector, e, sa private sector, hindi namin nakukuha 'yung datos.
Subalit, ang katunayan na talagang bumababa na 'yan, ay nagre-report kami ng mga outbreak. So ibig sabihin, kung mataas 'yung vaccine coverage, dapat halos walang nare-report na mga outbreak. Dahil mayroon, ay tunay nga bumababa po 'yan. At sinabi mo nga kanina, nang panahon ng pandemic, e, nalagay sa pagsubok ang pagbabakuna.
So ito, Howie, may kinalaman sa vaccine confidence. At 'yan nga ay atin pong ginagawan ng solusyon. At ang isa po riyan ay paano manunumbalik ang trust at confidence ng mga mommy sa bakuna lalo na marami ang anti-vaxxers. We're calling a spade a spade. So kami ay nakipag-koalisyon sa mga champion, 'yung Vaccine Solidarity, para nang sa ganu'n ay labanan namin 'yung mga nagbibigay ng misinformation.
Harapan na talaga. Hindi puwedeng maging tahimik po kami sapagkat nakasalalay rito ang kinabukasan ng maraming bata.
HOWIE: Okay, Doc. In the first year of the vaccine against COVID...DR. TAYAG: 2019, Disyembre, nang iniulat siya ng China. 2020, nang na-declare 'yan na public health emergency of international concern ng World Health Organization, at nu'ng taon ding 'yan, nai-report na 'yan ay isang pandemic na. At nu'ng 2021, diyan po nag-umpisa 'yung mga bakuna na nagamit po natin. Ang iba't ibang uri po ng bakuna ang ginamit po sa marami nating mga kababayan, Howie.
HOWIE: Okay, Doc. Nu'ng 2021, nag-umpisa 'yung pagbabakuna on a wide scale, worldwide. Pero if we recall, in the Philippines, parang nahuli tayo because of some various reasons na hindi tayo naka-procure kaagad. Naging controversy rin 'yun. But what I want to ask you about, kasi nu'ng unang taon ng vaccination, doon nga lumabas itong mga sinasabing niyong anti-vaxxers.
In fact, sinasabi nga nila, ng iba na 'yun ang nakamamatay. 'Yung anti-COVID vaccine. So ako, personally, I know people who did not get vaccinated. Even in my own family and people I meet. So it's actually a very sensitive topic. If you start bashing anti-vaxxers, you don't know who's listening to you. And anti-vaxxer pala.
So now, it's 2024, Doc, have these naysayers, itong mga anti-vaxxer been proven wrong?
DR. TAYAG: Howie, alam mo, ang pinaghuhugutan ng anti-vaxxers at marami, kahit sa hanay ng maraming manggagamot ay sapagkat alam po ng marami na para magkaroon tayo ng bagong bakuna, it takes 10 to 20 years. Ganu'n katagal sapagkat talagang dumaraan 'yan sa iba't ibang tawagin nating phases o mga clinical na vaccine trial, bago 'yan ay maaprubahan. Totoo naman 'yun.
'Yung bakunang ginagamit natin ngayon, e, malaki talaga ang ginugol na panahon diyan at resources. At ito, biglang lumabas, wala pang isang taon, e, mayroon ng bakuna. Tapos diyan, nagkaroon ng mga bagong terms. Emergency use authorization. So interpretation nila, e, lahat tayo guinea pig. Ibig sabihin, gamitin na 'yan at habang 'yan ay ginagamit, doon natin malalaman, i-monitor na lang natin kung ano 'yung mga side effect niyan. At unti-unti naglalabasan na may myocarditis, may Guillain-Barre syndrome.
Ngayon, dito sa ating bansa, sinigurado ho namin na 'yan ay nare-report. May panel na tumitingin kung ito ay galing sa bakuna o may ibang maipapaliwanag kung bakit nangyari po 'yan.
Ngayon sa tanong mo kung nakatulong 'yung bakuna o hindi, no question, nakatulong 'yun. Because that slowed the pandemic. Kahit papa'no, sabihin na po ng marami na 'yan ay may masamang epekto, 'yan ano... Subalit, 'yan ang makukuha nating impormasyon, mapunta ka man saan, nakatulong po 'yung pagbabakuna.
Maaaring ang labanan dito sa bakuna sa COVID ay hindi kung gaano karami ang nabakunahan, Howie, kundi gaano kabilis na nabakunahan natin. Katunayan, nang nag-anunsyo ang World Health Organization na dapat noong 2023 ay... 2022 ay dapat 70% na nabakunahan, hindi natin kaagad na-achieve 'yun. It will take several months after pa bago tayo nakareach ng 70% sa tina-target po natin.
Ang nangyari naman sa atin, magpasalamat tayo sa ating pamahalaan sapagkat hindi lamang isang klaseng bakuna ang nagamit. Hindi bababa sa walo ang bakunang naipasok sa ating bansa. Mayroon pang boosters. Hindi na tayo nagbabakuna sapagkat hindi na rin kami makakabili kahit may mga lumalabas na bagong bakuna.
At ngayon nga, nalalaman namin na may combination pa, COVID, isasama nila sa flu vaccine. Tandaan n'yo po ang bakuna ay mahalaga.
Ngayon 'yung usapin na ang mga ginamit ng bakuna, lalo na 'yung mRNA vaccine ay unti-unting may natutuklasan na ito ay may mga sakit o karamdaman na talagang napatunayan, patuloy pa rin po 'yan at wala akong naghuhugas ng kamay po riyan sapagkat bukas po ang debate tungkol diyan hanggang sa ngayon.
So ang makakapag-resolve diyan, Howie, ay ang mga pagsusuri na masasabi natin ay scientific. At 'yan ay ginawa ng independent doon sa mga gumawa ng bakuna. At 'yan ay talagang inilalabas at inanunsyo. At 'yan ay napagkaisahang ganu'n nga po 'yung nangyari.
Inaasahan namin halimbawa na ang World Health Organization ay, at ang iba, katulad ng Centers for Disease Control at iba pa, ay magiging totoo sa salaysay nila tungkol dito sa pagbabakuna. Ibig sabihin, ako bilang epidemiologist, is nasaan ang datos na magsasabi na talagang itong bakuna ay nakatulong ba, hindi nakatulong, at hindi dapat na ginamit.
Pero tandaan po natin, sa mga panahon pong iyon, wala tayong panlaban. Unang-una, sino ba naman ang gustong masugod sa ospital, maghihintay ka ng mahabang oras. At sa paghihintay mo, doon ka na malalagutan ng hininga. So nang dumating po 'yung bakuna, medyo lumakas ang loob po natin. Sapagkat tandaan n'yo, nu'ng pandemic, hindi lamang 'yung kalusugan natin ang nalagay sa alanganin, pati ang ating kabuhayan.
At marami ang nabago sa ating pamumuhay. At 'yan po ay tandaan natin, nakatulong po 'yung bakuna sapagkat lumuwag-luwag po ang ating pagkilos. Naging confident tayo na mabalik sa dati ang dating nakagawian na natin, Howie.
HOWIE: So 'yun nga, halos back to normal tayo. We're free to travel, have parties, et cetera. Pero, Doc, as a public health expert, is there still a danger? Kasi hindi naman nawala 'yung virus. Alam ko, kumonti na 'yung nagkakasakit and 'yung mga namamatay. Pero nandiyan pa 'yung virus. So what's the danger now to the public? Is there still a danger?
DR. TAYAG: Howie, gusto ko lang linawin 'yan na mayroon pa rin tayong pandemic ng COVID. Hindi pa tapos po 'yan. At para sa kaalaman ng lahat, halimbawa, mayroon pa rin tayong HIV pandemic, mayroon pa rin tayong cholera pandemic. Kung hindi na 'yan po nare-report, hindi ibig sabihin tapos na po 'yung pandemic. Katunayan, sa pandemic treaty o anumang usapin na 'yan ay mapag-uusapan sa darating na World Health Assembly, isa sa gustong tanungin, e, ano ba ibig sabihin ng pandemic? Kailan natin sasabing may pandemic? At kailan natin sasabihing tapos na 'yung pandemic?
Sa ngayon, sa ating bansa, sa nare-report namin, 25 cases a day. So ang ibig ba sabihin halos wala na tayong kaso ng COVID-19? So tinitingnan din namin kung 'yung mga ospital kung marami tayong severe COVID-19. Wala naman sa mga nakalipas na apat hanggang walong linggo na nakakaraan. So tahimik tayo sa COVID-19. 'Yan ba ay epekto ng bakuna? Puwede.
Pangalawa, o kaya naman, epekto na 'yan ng natural immunity natin kasi marami ang nagka-COVID pa rin kahit na nabakunahan 'yan. O kaya, 'yung pag-iwas po kahit na sinabi namin na voluntary lang na pagsusuot ng mask, e, may nagma-mask pa rin po at naghuhugas ng kamay, pinagpapatuloy 'yan. Kahit na may nare-report pa na ibang sakit na maaaring mapagkamalang mong COVID. 'Yung halimbawa, 'yung walking pneumonia.
E, tanong nga sa amin, e, mayroon pa bang COVID? O dapat mag-alala na kami sa itong ibang sakit na maaari din kaming mahawa? So isa lamang ang sagot diyan, sapagkat kung 'yan ay nakukuha sa pag-ubo, pagbahing ng katabi po natin, alam na natin dapat nating gawin. Magsuot ng mask. At kung kailangan manatili sa bahay, manatili sa bahay. Huwag labas nang labas, Howie. So ganyan po ang sitwasyon sa atin.
HOWIE: Good advice, Doc. Isa ako sa mga nagma-mask pa rin 'pag sumasakay ng elevator, 'pag nasa eroplano, et cetera. Pero bibihira na po 'yung katulad ko. In fact, 'yung isang worry ko, halimbawa nasa elevator ako, may inuubo na hindi naka-mask. At gusto ko sanang sabihan kaso I'm the only one wearing a mask. So parang nagmumukhang praning. Or baka ako tsismisin na, "Ito naman si Howie Severino parang sobrang naman napa-paranoid, et cetera."
Kasi listening to you now na kumonti na 'yung hospitalization, et cetera, parang wala nang masyadong danger. So am I being overly cautious by being the only one sometimes wearing a mask inside an elevator or doon sa eroplano? Just the other... Galing akong Davao the other day, kakaunti na lang 'yung nagma-mask. Dati lahat, I mean, dati required. Pati 'yung mga cabin attendant, lahat naka-mask. Hindi mo makita 'yung mukha ng mga tao. Ngayon, halos wala. So anong advice n'yo, Doc, sa mga nakikinig ngayon?
DR. TAYAG: Palitan natin 'yung mindset natin, Howie. Sapagkat ang tingin ng tao, 'pag may mask ka ay hindi ka mahahawa. Palitan natin 'yung mindset na 'yun. Magma-mask tayo sapagkat maaari tayong manghawa. So ibig sabihin niyan, manggagaling po sa atin 'yan. Halimbawa, may kaunti kang sipon, naramdaman mo may kaunti kang ubo, gusto mo pa rin lumabas, o hindi ba mas mainam na magsusuot ka ng mask?
Hindi 'yung lalabas ka at sasabihin mo para huwag kang mahawa, e, kailangan mong magsuot ng mask. Although, ganu'n din naman ang epekto po noon.
Kaya lang 'yung decision ng pagsusuot ng mask ay isipin n'yo po, makapanghahawa ba ako sa aking paglabas? Kung ang sagot po noon ay oo, e, magsuot na po kayo ng mask.
Hindi na po kailangan 'yan na kumbinsihin pa kayo. O kaya naman ay gawin 'yung ano na wala kang pambili ng mask, wala ka ng mask sa bahay kaya hindi mo na lang isusuot 'yung mask. Ngayon, kung sakaling wala ka talagang mask, pagbahing at ubo mo ay saluhin mo na para sa ganu'n ay hindi po mahahawa 'yung iba.
Hindi naman ibig sabihin COVID-19 'yung puwede mong maisalin sa iba. Puwedeng influenza 'yan, puwede 'yung ibang uri ng pathogen.
HOWIE: It's been many months since most of us have had the last anti-COVID booster vaccine, kailangan pa ba magpapakuna ulit laban sa COVID?
At kung kailangan or if it's better to be vaccinated again, mayroon pa ba? Mayroon pa bang supply ng vaccine? Kasi sabi niyo nga sa ibang sakit ay naubusan na ng vaccine. Para sa COVID ba, may natitira pa bang vaccine? And would you recommend another booster for those who are maybe have comorbidity or 'yung mga senior citizen?
DR. TAYAG: Unang-una, ang rekomendasyon ngayon ay kung may bagong mga bakunang gagamitin ay para du'n sa mga nagci-circulate na mga bagong strain na kung saan ay maaaring wala tayong protection muli.
Pangalawa, nai-report na po 'yan na 'yung mga bakuna natin ay sa tagal ng panahon ay mawawalan na rin ng bisa, bababa na rin 'yung ating antibody levels, halimbawa. At pangatlo, wala na tayong bakuna po rito sa ating bansa at wala na tayong batas na magbibigay sa atin ng pahintulot na bumili ng mga ganito pang uri ng bakuna.
Pang-apat, kung sakali mang papasok 'yung mga bagong bakuna rito ay kailangan i-apply po nila 'yan sa Food and Drug Administration at 'yan ay bibili po tayo with prescription. Hindi na po 'yan 'yung mabibili ng Kagawaran ng Kalusugan at mabibigay po nang libre. Kaya nga ang ginagawa po natin ay pag-iingat, mino-monitor po namin kung biglang tataas po uli 'yan.
'Yung mga bagong variant of interest, variants of concern ay hindi na po napi-pick up ng Philippine Genome Center. Ibig sabihin, ay 'yung pagsalin-salin po nito ay maaaring mabagal na at hindi na po nangyayari. Kaya lang ayaw namin hong magbigay, Howie, ng ganu'ng konklusyon sapagkat mababa rin 'yung bilang na nagpapa-test pa. Katunayan, marami kaming pang-test 'yun sa COVID-19 na halos wala na 'yung nagpapa-test. Ibig sabihin, kasi mayroon nang may self-testing, nabibili mo 'yan.
Kahit pumunta ka sa airport, may vendo machine doon. Kung gusto mo magpa-test, kunin mo 'yung ano roon at ikaw na mismo magsasagawa ng test. At ang sa amin naman, sana kung positive 'yan, ay ma-report niyo man lamang sa amin para sa ganu'n, alam natin 'yung nangyayari.
Ngayon, dahil sa bumababa po 'yung bilang na nagpapa-test, maaaring hindi na po nire-report sa amin. Ang nagiging surrogate indicator namin ay kung napupuno 'yung mga ospital. Sapagkat sa ospital, tiyak kinukumpirma muna namin, Howie. So 'yun ang sitwasyon natin ngayon.
Sa ngayon, mababa ang bilang ng COVID. Subalit patuloy tayo sa pagbabantay. Sapagkat ayaw nating mabulaga tayo isang araw at may bagong variant 'yan. Tapos wala tayong bakuna o kaya naman, kahit wala pa 'yung bakuna, ay mabilis manghawa at maraming maoospital. So iyon po ang binabantayan po natin.
HOWIE: You've also talked about walking pneumonia. Let's focus on that for a minute or two. Ano ba 'yung walking pneumonia at gaano ba ka-contagious 'yan?
DR. TAYAG: Alam mo, naging usapin din 'yan sapagat 'yung bansang China nai-report na maraming mga bata roon ay tumaas 'yung mga kaso nila. At isa sa mga pathogen o mikrobyo na kanila pong na-confirm ay 'yung mycoplasma pneumoniae. Ito ay walking pneumonia.
Binansagan 'yan na walking pneumonia kasi kahit na 'yung X-ray mo makikita mo may pneumonia is parang okay lang 'yung pakiramdam mo. Hindi kayo naoospital kaagad, you can still do your work, puwede kang pumasok sa paaralan. Pero dahil sa nakakahawa rin ito, so siguro magsusuot ka ng mask. Iinumin mo 'yung antibiotic na kailangan mo inumin at kumpletuhin. At 'yan po ay biglang naging usapin kasi nga may namamatay.
At dito nga sa atin for quite some time, nagkaroon talaga ng scare pa na 'pag may umubo riyan talagang napapailing 'yung ulo natin du'n sa inuubo. "Naku, baka walking pneumonia 'yan." Ang intindi nga nila, e, naglalakad na pneumonia. Ano 'yan? Lahat ba tayo mahahawa?
Ibig lang sabihin ng walking pneumonia, may pneumonia ka pero nakalalabas ka pa rin ng bahay, hindi ka naman 'yung tipong isusugod sa ospital. Ngayon, inilabas namin na mayroon tayong nare-report niyan kasi akala ng iba wala tayong walking pneumonia. Pero hindi naman kasing dami na nare-report ng ibang bansa.
At kung mapapansin n'yo, biglang nawala siya sa news kasi halos wala na rin kaso. Kasi ang gagawin mo lang talaga ru'n, e, 'pag may nararamdaman kang ubo, sipon, magsuot ka na ng mask. 'Yung iba nga gargle. Kahit tubig at asin lamang 'yan o kahit anong solusyon na gina-gargle mo sa umaga, malaking tulong na rin 'yon kasi nililinis mo 'yung lalamunan n'yo po, 'yung bibig n'yo para nang sa ganu'n ay hindi kayo makapanghawa at maginhawa rin po ang pakiramdam n'yo.
So ang sinasabi natin dito, Howie, huwag sana tayong makalimutan at nakapanghihinayang naman 'yung mga ginawa nating kaparaanan ay bigla na lang natin makakalimutan. Humahanga ako sa iyo, Howie, sapagkat isa ka sa talagang masasabi nating nagsusuot pa rin ang mask. Puwede naman paalalahanan sa kasama natin sa elevator kung may inubo.
At, Howie, kahit akong nakikipag-usap sa iyo ngayon, ito, patunay na may dala akong mask. Sapagkat hindi puwedeng hindi po tayo handa. Kasi baka mamaya kung kailan ka lumabas ng bahay at saka mo napansin may sipon ka. E, di magsuot ka na kaagad ng mask para sa ganu'n, 'yung makakasama mo ay hindi naman malalagay sa alanganin.
Lalo na sa stature ko, e, baka mahiya sila na, "Dr. Tayag, ano ba 'yan? Sinisipon ka. Puwede ka ba magsuot ng mask?" So dapat ako mismo, kusang-loob na na magsusuot ng mask. Kaya lang, sa Amerika, naging malaking usapin 'yan, Howie. Kasi siyempre, 'pag nagsuot ka ng mask, "May sakit ka. Eh ba't ka lumalabas ng bahay?"
Ngayon, ang ginawa ng Centers for Disease Control, just two months ago lang, "O, hindi na kailangang i-isolate 'yung may COVID. Basta may sipon ka, ubo, suot mo na 'yung mask." Ganoon na 'yung naging ano. Basta mayroon kang kaunting sipon, ubo, suot mo na 'yung mask. Automatic na 'yun. Ibig sabihin, parang parte na ng ano natin 'yun, pagbibihis po.
HOWIE: Yeah. Doc, ang problema lang du'n sa Amerika ang na-politicize masyado 'yung dapat na mask. Parang naging partisan act 'yun.
But I just wanna ask you about being a public health doctor dahil nabanggit n'yo 'yan. You've also mentioned being an epidemiologist. You went through training sa Department of Health. Baka nagtataka 'yung ibang listeners natin. Ano ba 'yung kaibahan ng public health doctor doon sa nabanggit niyo rin, private, private practitioner, private doctor or 'yung clinical doctor? Baka may kabataan din na nag-iisip maging doktor.
How does what you do differ from the kind of doctor most of us are familiar with? You know, you go to a clinic, pinakikinggan 'yung puso mo, and then, they prescribe drugs to you. You don't do those things. Or I'm sure you're trained to do that as well. Pero tell us what you do, Doc, in terms of being a public health doctor versus a private or a clinical doctor.
DR. TAYAG: Magbibigay ako ng isang kuwento. Isang araw, may dalawang magkaibigang doktor ay naglalakad sa baybayin po. So ibig sabihin niyan, tabing dagat po. At nagkukuwentuhan po sila. Bigla silang nagulat sapagkat may nagsisigawan doon sa bandang dagat na naririnig nila, humihingi ng saklolo at maraming nalulunod.
So ang ginawa nu'ng dalawa, dahil wala namang ibang tao roon sa lugar na kung saan naglalakad sila, ay tumalon na rin doon sa bahagi ng tubig at lahat ng maaaring nilang mailigtas ay dinala nila sa pampang.
Subalit nagulat 'yung isang doktor sapagkat iniwan siya bigla nu'ng isang doktor. "O ba't mo ako iiwan? Eh marami tayong dapat na sagipin dito. May bata, may matanda, naanod sila rito."
"Iiwan kita riyan kasi pupunta ako sa unahan doon para malaman ko bakit ganito ang nangyayari. Why? Ano ba nangyayari? At mayroon doon at dito, sagip lang tayo nang sagip. Hindi natin alam kung ano nangyayari doon sa kabila roon." 'Yun ang kaibahan, Howie.
So 'yung may sakit, ginagamot na. Pero ang tanong, bakit may maraming nagkakasakit? May nahawa ba? May mali na ba 'yung gamot na ginagamit natin? Mayroon bang outbreak? 'Yun po ang kaibahan ng isang public health o sa clinical care na tinatawag na kung saan kung may sakit na, gagamutin. Pero kami, tinatanong namin, bakit? 'Yan ba ay mapipigilan natin pagdami ng bilang? Anong puwede nating gawin para hindi na nagkakasakit?
So gaya nu'ng doktor na iyon, hindi puwedeng nililigtas sila sa pagkalunod. Alamin natin para sa ganu'n mapigilan natin at wala nang nalulunod. So ganu'n po ang kaibahan, Howie.
HOWIE: Okay, Doc. You are retiring after 35 years in public health and government service on April 15. What's next?
DR. TAYAG: Magpapahinga muna tayo just like anyone na magre-retire. But I'm not out of circulation. Katulad ngayon, Araw ng Kagitingan, kapiling ko po si Howie. Nagbibigay sa inyo ng malinaw na mensahe. Hindi lamang po sa pagsayaw-sayaw ko. Hindi lamang po sa pertussis, sa pagbabakuna at sa COVID. Maraming topic pa. Abangan n'yo, baka makumbida ko ulit ni Howie at may iba pa kaming pag-uusapan po.
Sapagkat alam n'yo naman, 'pag si Howie po ang nagbibigay sa inyo ng impormasyon, aasahan n'yo po 'yun na hindi n'yo makakalimutan ang inyong matutunghayan sa programang ito.
Katunayan, Howie, dahil ako'y isa namang Rotarian din, so mababaling din ang aking atensyon sa mga proyekto na ginagawa ng club namin. O tandaan n'yo ha, 'yung polio elimination, eradication, nagsimula 'yan sa Rotary International. At pagbabakuna pa rin' yan.
At pangalawa, maraming humihimok sa akin, Howie, na mag-umpisa na rin ako ng vlog. Naku...
Dahil sa binigay mong mga karanasan dito, why not? Pero sa ngayon po ay marami akong mga libro na kailangan matapos ko pong basahin. At marami pa po akong adbokasiya. Sa Unang Hirit ay nagsayaw na naman po tayo. At nagpapasalamat ako sa GMA7 sa binigay sa aking, sabihin na natin, munting parangal. At ngayon nga, doble parangal. At maraming salamat, Howie. At ako sana ay magpapatuloy na magbigay ng tamang impormasyon at ng tamang mensahe kung anong dapat gawin ng ating mga kababayan. Sapagkat araw-araw, sa mga susunod na taon, iisipin pa rin natin ang ating kalusugan higit sa lahat.
HOWIE: Kami naman ang magpapasalamat sa inyo, Dr. Tayag. So ngalan ng aking podcast team, we're very grateful for your service. The nation is grateful for your service. Mabuhay po kayo. At maraming-maraming salamat, Dr. Eric Tayag, the dancing doctor and the retiring undersecretary of Health and longtime spokesperson of the Department of Health. Maraming-maraming salamat po.
DR. TAYAG: Maraming salamat, Howie.