Typewriters and the writing life — a convo with Butch Dalisay
The eminent writer is also an avid antique typewriter collector. Butch Dalisay talks to Howie Severino about a bygone pre-internet era when these analog machines were the tools of trade of writers and journalists. Despite the advantages of his laptop, Dr. Dalisay says there’s still a romance and even practicality about typewriters. “Wala kang distraction, you can’t surf,” he says. “It’s much more intimate... You’re disconnected from the world.”
After collecting for years, he’s still searching for one antique model typewriter that was developed specifically for Tagalog writers. He knows it exists because of a trove of 1950s love letters from prison by a Tagalog poet. That typewriter has become, in Butch’s words, his “holy grail.”
HOWIE: Magandang araw, podmates. Howie Severino muli na nagpapaalala na nakakatalino ang mahabang attention span. Ang guest natin ngayon ay ang tanyag na manunulat na si Butch Dalisay na hindi alam ng marami na isa ring kolektor ng mga antigong typewriter. Nakapanayam ko siya kamakailan para sa aking dokumentaryo tungkol sa mga lumang typewriter. Tinalakay namin kung bakit ito pinapahalagahan at ginagamit pa rin sa panahon ng computers. Ito na ang halos buong conversation namin.
HOWIE: So bakit kayo nangongolekta ng typewriter?
BUTCH: E, kasi siyempre unang-una, manunulat ako. Lumaki ako na gumagamit ng makinilya. From the earliest age, naalala ko interesado na ako magsulat sa makinilya kasi 'yung father ko medyo nagsusulat din although hindi fiction. Kaya may makinilya kami sa bahay noon.
At habang lumalaki ako, ginagamit ko talaga sa pagsusulat 'yun. My first book — most if not all of it was done on a typewriter. So inabot ko pa talaga 'yung panahon na, of course, before computers, wala ka naman choice kundi gumamit ng makinilya sa opisina.
So opisina at bahay, makinilya ang ginagamit ko. Siyempre sa opisina, electric 'yun pero sa bahay, may sarili akong manual typewriter. At ipinagpatuloy ko ito hanggang graduate school na sa Amerika. Nagbitbit pa ako ng makinilya ko hanggang Amerika, e. Isang Olympia portable, kasi nga kasisimula pa lang ng mga personal computer noon at hindi pa ako... at medyo ilang pa ako sa mga PC at mga Mac.
Pero nu'ng natuto naman ako mag-computer, e, tulad ng maraming tao, nakalimutan ko na lahat ng mga makinilya ko. Hanggang recently na lang, nu'ng tumanda na ako, dahil may mga ilang kaibigan ako na medyo nangongolekta ng makinilya, naintriga ako at binalikan ko at nadiskubre ko na, "Ay, oo nga pala 'no, parang may romansa 'yung pagmakinilya, e."
Mayroon siyang kakaibang karanasan na binibigay sa 'yo na iba roon sa paggamit ng computer. Unang-una, sasabihin ng maraming nagmamakinilya, wala kang distraction. Hindi ka puwede mag-surf o mag-Google. Halimbawa, may sinusulat ka, may kailangan kang pag-isipan. Hindi ka puwedeng tumakbo sa Google para maghanap ng sagot. Talagang pag-iisipan mo 'yun sa harap ng makinilya.
And that does something, of course, to your thought process. In the sense [it's a] much more intimate thing. You're not connected to anything. You're not...you're disconnected from the world.
HOWIE: Gusto kitang tanungin tungkol sa nabanggit mo about 'yung writing process gamit ang makinilya. Kasi baka hindi masyadong ma-imagine 'yun ng kasalukuyang henerasyon na lumaki na sa computers, 'di ba?
Pagmulat nila, computers kaagad ang dinatnan or mobile, 'no. Kasi 'yung paraan ng pagsusulat ngayon ay madaling mag-delete, madaling baguhin. We take all that for granted — copy-paste, moving text around. It's second nature to all of us now. Pero 'yung makinilya sa writing process, especially creative writing, you are not copying from handwritten notes lang.
So from your mind, nagta-type ka. Paano nagre-revise? Ano ang equivalent ng copy-paste, halimbawa? Anong ginagawa ng manunulat kapag makinilya ang ginagamit sa creative process?
BUTCH: Ayan ang madugo sa pagsusulat na gamit mo makinilya lalo na kung creative writing, which really involves a lot of revisions. Talagang gagawa ka ng maraming drafts. Paulit-ulit mong ita-type, at babalikan at babaguhin 'yung ginagawa mo.
Hindi naman kasi mangyayari na isang pasada lang perfect na. Babalikan mo rin 'yun kinabukasan. Magko-cross out ka ng ganito, sabihin mo, "Ilipat nga natin itong paragraph na ito roon." Unfortunately, hindi mo puwedeng gawin 'yan automatically. Kailangan talaga physically, uulitin mo 'yung proseso.
Kaya nga madugo at kaya nga ang pinakamalaking pagkakaiba siguro kung nagta-type ka, medyo mas deliberate ka, e. Kasi bago mo pindutin 'yung makinilya, pag-iisipan mo muna 'yung sasabihin mo nang maigi, e. Hindi gaya sa computer na halos instantaneous 'yan na kung ano ang maisip mo, sige, baba na natin diyan, saka na natin ayusin.
So there is a lot more deliberation in typing on a typewriter. Of course, you can still revise but you know that that will be a very painful process.
HOWIE: Excuse me, speaking of which kasi nga may pros and cons 'yan, ano?
BUTCH: Yes.
HOWIE: Of course, you know the value naman of this free flow of ideas na puwede mong gawin sa computer dahil wala ngang masyadong consequence kung magbago isip mo, as opposed dito kailangan talaga mas tiyak ka roon sa gusto mong sabihin bago mo i-commit sa papel kasi ang hirap na ngang baguhin.
BUTCH: May disadvantage talaga.
HOWIE: So kung disadvantage nga, bakit pipiliin ng isang manunulat na gumamit ng makinilya? I mean even before computers, kung puwede mo naman isulat ng kamay?
BUTCH: E, kasi 'yung unang-una, 'yung makinilya, the typewriters standardized penmanship in a way. I mean mababasa ng lahat. 'Yung sulat kamay natin minsan, you know, parang kahig ng manok kaya hindi mabasa.
HOWIE: Kahit sarili mong sulat, minsan ---
BUTCH: Kahit sarili mong sulat, ano. Mga sulat ng mga doktor, paano mo babasahin 'yan? Dapat minamakinilya nga 'yan. Kasi nagtrabaho rin ako na peryodista before Martial Law kaya lahat kami pagka alas dos ng hapon, makikita mo sa newsroom, ang ingay niyan. Puro makinilya ang tumataktak doon.
And of course, it saves the desk a lot of time if they can read what they're editing. So na-standardize 'yung pagsusulat. And again, I feel that there's a certain discipline of mind to it na iniisip mo muna, "Ano ang magiging next sentence ko?" Tapos saka mo ngayon iaano. But I totally agree with you that writing with a computer has many more advantages, which is why just to be clear, for many, many decades now, lahat ng pagsusulat ko nasa Macbook Air ko.
And I can't dream of going back to a typewriter to do my fiction or my columns because it's just not efficient. And ang malaking advantage talaga ng computer ay revision, which is essential to good writing. At kasi nga madali 'yung mag-revise sa computer, magaan sa loob mo na mag-isip ng iba pang mga mas magandang paraan para sabihin ito. There's no question for me that computer is the better writing machine.
Ang pagsusulat ko ngayon sa [typewriter], kung nagsusulat man ako ay para sa mga notecards na lamang. You know, kung gusto kong masubukan lang 'yung iba't ibang tipo ng makinilya. But even for handwriting, I don't do much of that anymore even if I collect vintage fountain pens. I mean if you are a professional writer, there's the romantic side of you, the analog side of you, and there's the digital side of you that has to take over when it comes down to serious work.
But of course, tatanungin natin ang sarili natin, "Papaano 'yung mga nobelista noon, sina Hemingway, sina Faulkner, ganyan ano, nakapag-produce sila ng napakagandang trabaho na makinilya ang ginagamit?" E, kani-kaniyang panahon na 'yan.
Hindi naman natin masasabing dahil nagkaroon ng computer, e, mas gaganda 'yung mga nobela. Hindi rin. Not necesssarily. So kaya siguro ang kinauuwian niyan, wala sa gamit 'yan talaga kundi doon sa sariling talino ng tao.
HOWIE: At saka para-paraan kasi 'yung dati bago may computer, 'yung mga gumagamit ng makinilya, nakita ko 'yung minsan 'yung pagre-revise nila ginugupit nila 'yung text na gawa sa makinilya, tapos nire-rearrange 'yung mga sequence ng mga sentence?
BUTCH: Nire-rearrange. Oo, kani-kaniyang gimik 'yan. Ang hirap niyan kasi halimbawa, ikaw noon kung gumamit ka ng makinilya para gumawa ng thesis mo, tapos okay, tapos nagkamali ka sa bandang dulo, bandang dulo ng pahina, malaking pagkakamali na kailangan ulitin mo pa 'yung buong ano. Gagawin mo ba 'yun? Maraming tao, hindi na. Sasabihin nila, "Puwede na 'yan. E, nakakapagod at nakakatamad ulitin, e." Kaya 'yung mentalidad na, "Sige na nga," hindi maganda 'yun para sa pagsusulat.
It was just a sheer labor of typing. Hindi ka lang nagta-type, gumagawa ka pa ng limang carbon copy na kailangan bumaon. Ang hirap niyan. Minsan bumabaon 'yung letra, nabubutas ang papel. O kaya, kapag nagbubura ka ng letra, mabubutas din 'yung papel at hanggang doon sa carbon. Sa totoo lang, maraming sabit ang paggamit ng makinilya na kailangan pagtiyagaan mo.
HOWIE: Okay. 'Yung motive mo for collecting, sabi mo nga kasi manunulat ka. However marami namang manunulat na kasing-tanyag mo na hindi naman nangongolekta ng makinilya. So is there another pleasure aside from knowing that, you know, previous writers wrote on these typewriters? What pleasure do you get from having a century-old typewriter?
BUTCH: It's the sheer delight of working or using something that has been there for 100 years and making it work again. It's preserving things, it's saving things.
HOWIE: So ibig sabihin 'yung typewriters mo gumagana pa?
BUTCH: Oo, halos lahat 'yan gumagana pa.
HOWIE: Why is it important na gumagana pa? I mean most of your typewriters siguro nasa storage, naka-display lang? Wala namang ---
BUTCH: Iyan ang parang misyon ko sa buhay na pangalagaan itong mga ito para 'yung susunod na henerasyon ay makita rin nila ito at maalala nila kung ano 'yung naunang teknolohiya sa kanila.
It's basically that. I think most collectors will have that kind of impose behind them. To preserve, not just to own kasi lahat naman ito, hindi natin madadala sa hukay 'yan, e. Kaya maiiwan din 'yan sa mga anak at apo natin. Kaya importante para sa akin na maayos sila habang mayroon pang marunong mag-ayos ano.
HOWIE: Kakaunti na lang sila.
BUTCH: Kasi kakaunti na lang 'yan. Mabibilang mo sa daliri mo 'yung mga nakakapag-ayos pa ng makinilya rito. Kaya importante na habang nandiyan pa sila ay mapagawa ko na 'yung mga makinilya ko.
HOWIE: Speaking of which kasi 'yung nag-aayos ng mga typewriter mo, mga makinilya mo ay nakilala na rin namin.
BUTCH: Oo, si Gerald.
HOWIE: Si Gerald. Ano ang masasabi mo tungkol sa kaniya?
BUTCH: Ay hangang-hanga ako sa kaniya na siguro mayroon naman siyang puwedeng ibang gawin sa buhay niya, pero ito 'yung napili niyang maging parang lifetime profession niya.
Alam ko rin 'yung talambuhay niya kung papaano siya naging typewriter repairman. So I know that he kinda stumbled into it and pinanindigan na lang niya. Pero mabuti na lang na may mga taong katulad niya sapagkat kung wala, napakarami sa mga artifact na ito ang mabubulok na lamang.
Napakahusay ni Gerald. May mga nagpapadala nga sa kaniya ng makinilya mula sa Amerika para dito pa kumpunihin, e.
HOWIE: Ibig sabihin sa Amerika kaunting-kaunti rin ang marunong mag-ayos nito.
BUTCH: Of course, siguro mga nasa dose-dosena pa sila. Although iilan pa nga lang din talaga ang umaangat diyan. Ganu'n din 'yan sa isang hobby ko rin na mga fountain pen, iilan na lang ang talagang magagaling mag-ayos, e. Pero mas mahirap di hamak na mag-ayos ng makinilya kaysa ng fountain pen. Kasi napakarami niyang piyesa na nilalaman at isa lang niyan ang mawala, e hindi na uubra 'yung makina mo at kailangan pa i-fabricate 'yan kung hindi mo mahanap.
Kaya I appreciate that kind of mekaniko mind, e. 'Yung mga nag-aayos ng makinilya, nag-aayos ng relo, mga ganiyang tao na mabusisi. At para sa kanila, hindi tapos ang trabaho hangga't hindi gumagana 'yung makina nang maayos.
Hindi sila kumikita nang malaki rito pero nakakapag-pundar din sila ng pag-aaral ng mga anak nila because they are dedicated to their craft. And mabuti na lang there is also a sufficient number of enthusiasts like me who are around to support them. Kasi wala namang ibang susuporta sa kanila kundi mga katulad namin na medyo siraulo rin at ito 'yung napasukan.
HOWIE: Well, kuwento nga ni Gerald nu'ng nag-umpisa siya, isang hilera sila ng mga taga-ayos ng makinilya sa Evangelista.
BUTCH: E, siya na lang halos natira.
HOWIE: Siya na lang natitira doon sa hilera na 'yun. 'Yung iba nag-aayos na lang ng generator o ibang bagay. So talagang pinanindigan niya 'yung kaniyang livelihood.
BUTCH: Totoo.
HOWIE: Itong Avena pinuntahan din namin. Speaking of 'yung mga piyesa, ano. He has closets full of jars na may nilalaman na individual kinds of spare parts kasi like 'yung... I am just learning all these things for the first time. 'Yung mga type bar for example. Of course, there are so many different kinds of type bars, 'no?
BUTCH: Iba-iba 'yan.
HOWIE: They all look alike but don't do the same thing.
BUTCH: Right.
HOWIE: 'Di ba mayroon diyan 'yung semicolon, may numbers, letters. And for each brand it's different.
BUTCH: Yes.
HOWIE: And each brand has different sizes.
BUTCH: Ibang modelo pa.
HOWIE: Exactly. Itong mga repair people ay kahit hindi nila maayos 'yung mga lumang typewriter kasi 'yung iba talaga wala ng pag-asa, kinakatay na lang nila. Siyempre kahit mukhang marami pa 'yan hanggang diyan na lang 'yung supply niyo ng spare parts. So sabi ko, "Kapag nagamit na lahat 'yan, paano n'yo aayusin?" Sabi niya, "Wala na. Hindi na puwedeng ayusin kasi wala ng pabrikang gumagawa nitong mga ito."
BUTCH: Wala na nga. Wala na nga. Kaya importante rin 'yan na may ano ito, sabihin na natin na may mga katayan tulad niyan. Masakit man pakinggan, e, parang mga kotse rin 'yan na talagang magtatago ka ng mga hubcap ng mga 1930s na kotse. Kung ano pa man ang matiyempuhan mo, itatabi mo 'yan sapagkat hindi ka na makakaano niyan, e. At hindi maaaring i-fabricate na lang basta-basta 'yung mga... halimbawa mga type bar na 'yan kasi ibang klaseng bakal ang ginagamit diyan at mga ibang klaseng welding ang ginagamit diyan.
And you just can't 3d print them. See? That's the thing. Ngayon, mayroong Lego na typewriter. Nakita mo na siguro na gustung-gusto ng mga batang kolektor. Pero alam naman natin na hindi tatagal 'yan. Tulad ng mga makinilya na galing sa 1920s na talagang materiales fuertes. Puwedeng makapatay ng tao 'yan kung mahulugan ka ng makinilya na 'yan. Sigurado basag ang ulo mo sa bigat at sa pagka-solid niya kaya they really don't make these things the way they used to anymore.
HOWIE: Thinking about typewriters makes you think about a certain industrial paradigm kasi 'yung mga panahon na 'yun, like 'yung sinasabi n'yong mga lumang clock, mga lumang camera, lumang fountain pen, lumang makinilya, they're built to last.
BUTCH: Yes.
HOWIE: Industrial paradigm kasi ngayon is things are manufactured for us at a very specific short lifespan. Kasi 'yung business model nga ay papalitan nang papalitan like mobile phones ---
BUTCH: Planned obsolescence.
HOWIE: Exactly. Mobile phones. You cannot get a mobile phone from... the first mobile phones to work again with current systems unlike itong mga 1960 na Underwood. I mean, sabi mo nga, puwede pang gamitin like it can be good as new.
BUTCH: Right.
HOWIE: You cannot get 'yung mga unang Mac and make it work like good... I don't know. Maybe that's possible but it usually ends up in the junkyard. So 'yun nga, e, 'yung paradigm na 'yun na kahit 'yung mga lumang..., there are clocks that, you know, still working in the medieval churches, 'di ba?
BUTCH: That's right.
HOWIE: Pero maybe it says something about modern society. And maybe how wasteful we are and unsustainable. And maybe it's one reason why baka pati 'yung civilization natin may lifespan. We've actually planted the seeds of our own destruction because of itong planned obsolescence as opposed to kung hindi nagbago nga 'yung industrial paradigm na 'yun na hanggang ngayon 'yung mga ginagawa ngayon puwede pang gamitin in 100 years at hindi kailangang palitan nang palitan, we would have much less waste, we have much more a better environment et cetera.
BUTCH: But it would be very bad business because hindi kikita 'yung mga gumagawa nito. I mean I don't ascribe evil intentions naman sa kanila pero it makes sense dito sa mga gumagawa ng bagong teknolohiya na hindi naman sa gusto nilang mangyari ito pero talagang may mauuna riyan at may bagong darating na papalit doon sa ginawa mo ngayong taon. Ganu'n na 'yung phase of technology, e. And they're just trying to outsmart and outproduce each other.
Whereas itong teknolohiya ng typewriter, it's only so much innovation you can do. I mean the biggest innovation siguro was when electronics came in.
HOWIE: Naging electric 'yung typewriter.
BUTCH: Oo. And ang sabi, "O, parang mas madaling mag-type na ganito na de-kuryente, ano." But the mechanisms were still basically the same. So siguro nandoon tayo sa stage ngayon between gasoline-powered cars and TVs. Totoo 'yung sinasabi mo na I mean things were built to last before because a mindset I think was conditioned to think in terms of personal economy and 'yung just the endurance was a virtue.
HOWIE: Because these products are also produced by business people---
BUTCH: Yes.
HOWIE: Who also wanted to turn profits and yet they still cultivated that virtue of endurance.
BUTCH: Yes and one of their frequent taglines would be "built to last", 'di ba? Hindi sila nahihiya roon na kahit sampung taon mo gamitin itong refrigerator na ito, hindi masisira 'yan.
HOWIE: Hindi tulad ngayon isang taon lang 'yung mobile, kailangan na minsan palitan?
BUTCH: Oo, kahit nga hindi kailangan palitan, papalitan mo kasi mahuhuli---
HOWIE: 'Yung bagong feature...
BUTCH: Mahuhuli ka sa uso. Nagbago na talaga 'yung lipunan at 'yung pag-iisip ng tao in this consumerist society which values the new. Talagang kaming mga nangongolekta ng mga lumang bagay, not that we don't indulge in that too, pero at least gusto naming ma-preserve 'yung mga pruweba ng isang panahon na naglaho na, na ang gusto ng tao ay isang bagay na matibay at magtatagal.
HOWIE: Okay. I wanna ask you now about 'yung nagiging output naman nitong mga typewriter na ito kasi 'yung isang napansin naming nasa koleksyon niyo ay itong mga liham ng masasabi pa rin natin na panliligaw ng isang naka-preso roon sa asawa niya.
BUTCH: Ay oo.
HOWIE: Kaya medyo nakakaantig ng puso dahil mukhang matagal na silang kasal, mag-asawa pero nahiwalay pero kita mo 'yung lalim ng pagmamahal niya sa kaniyang asawa, itong si Magtanggol Asa. Ano 'yung kuwento po ng liham na 'yan?
BUTCH: Well, si Magtanggol Asa, 'yan ang parang pen name ni Aurelio S. Alvero. Isa siyang kilalang manunulat lalo na bago noong panahon ng Hapon subalit naging isa siyang supporter ng mga Hapon sa paniniwala na mas mabuti na 'yun kaysa imperyalismong Amerikano katulad ni Ricarte.
'Yun ang kaniyang pananaw at nakulong siya sa Bilibid pagkatapos ng giyera. So nahiwalay siya sa asawa niya. Apparently doon sa loob ng Bilibid ay may makinilya siya roon, either sarili niya o may access siya sa makinilya noong Bilibid mismo.
He was brilliant. If you Google him, he won a rack of writing awards and academic awards from UST. But the tragedy of his life was that he became a collaborator. And a rather rabid one. I think he headed the KALIBAPI and was even involved in the last days of Manila. He was with the Japanese forces. So the evidence against him was very strong. That's why they jailed him after.
HOWIE: One of the love letters na puwede nating i-memorialize on camera.
BUTCH: "Datapwa't 'wag mong akalaing ang ating pagkakaiba ng pananalig ay maaring makaantig nang kahit kaunti sa pagkakalapit ng ating puso at kaluluwa. Hindi. Ako ay gumagalang sa kalayaan ng pananampalataya. Lamang ay 'di ko maiaalis na paabutin ko sa iyo ang liwanag na minarapat paabutin sa akin ni Bathala. Sa aking palagay, na lalong bibigkis sa atin at maghahatid sa lubos na kaluwalhatian. Hinahagkan kita nang buong paggiliw. Ang nagmamahal mong asawa, Magtanggol Asa."
At nagpapadala siya ng mga regular na liham sa kaniyang asawa na nagkukuwento ng lungkot ng buhay sa loob at nangangamusta, nagpapadala ng payo. At natiyempuhan ko 'to sapagkat kolektor din ako ng mga lumang libro at mga dokumento. Nagkataon lang na dumaan sa akin ito pero doon mo talaga makikita 'yung gamit noon ng makinilya bilang tagagawa ng mga liham sa negosyo man o sa personal na buhay.
Kahit ako noon, inabot ko pa noon 'yung nililigawan ko 'yung misis ko, nagmamakinilya pa ako tapos nagsusulat sa kamay. At ang kagandahan niyan ay marami rito sa mga sulat na ganiyan katulad nu'ng kay Magtanggol Asa ay nag-survive pa, nakatago pa. Hindi tulad ng mga text na pinapadala natin ngayon sa mga mahal natin sa buhay na siguro after one year, made-delete na 'yan.
Kung hindi man dinelete agad. Wala tayong record, e. Pero astonishingly, many written artifacts have survived against all odds kasi nga they are on paper na madaling masira. When you think about it, at least 'yung papel nakikita mo at nahahawakan mo. 'Yung digital media, talagang bula. Parang bula sa hangin 'yan na maglalaho na lang basta.
Literally, may panghahawakan ka sa papel, e. Whether sulat kamay 'yan o makinilyado. At 'wag lang mabaha, 'wag lang masunog, 'wag lang itapon, ay mananatili 'yan na pruweba ng iyong pagmamahal.
HOWIE: I guess 'yung best practice ay 'yung mayroon kang physical na specimen na 'yun pero may digital copy ka rin kasi maraming nawawalan ng mga sulat, mga physical object dahil sa baha lalo na nu'ng Ondoy. Ang dami kong alam na kuwento na photo album na naglaho.
BUTCH: Hay naku, sinabi mo. O kaya inanay.
HOWIE: Ang dami ring danger doon sa analog.
BUTCH: Totoo 'yan. Iyan ang kagandahan ng digital ngayon. So maraming mga tao katulad ko baka katulad mo rin nagdi-digitize na ng mga lumang litrato natin noong panahon na instamatic pa lang ang mga ginagamit mo, mga ganyan. 'Yung mga litrato natin ng mga magulang natin at mga ninuno natin ay dini-digitize na natin.
Hindi lang pini-preserve, ine-enhance pa ng AI ano, kaya nawawala 'yun mga butlig-butlig sa litrato. At ganu'n din naman sa mga manuskrito. Importanteng ma-digitize din sila. But the important thing is nandiyan pa rin 'yung idi-digitize mo and to preserve in hopefully a medium that would last forever in the cloud somewhere.
HOWIE: So balikan ko lang itong si Magtanggol Asa kasi 'yung isang napansin ko roon sa kaniyang liham kasi nakita nga namin doon sa iyong post, may letra doon na hindi ko maalala roon sa sarili kong mga typewriter noon 'yung "ng" na letter na type.
BUTCH: Oo, na letter g. Oo. "Ng" 'yun pero letter G na may tilde sa taas. 'Yung parang wave na ganyan.
HOWIE: Oo, may typewriters pala na may ganoong tyoe.
BUTCH: Oo, doon din ako nagulat kasi wala pa akong nakikita. Hanggang ngayon, hinahanap ko 'yung makinilya na 'yun.
HOWIE: So bihira 'yung ginawa ni Magtanggol Asa na ganu'n na may ganu'ng type?
BUTCH: Well, bihira sa atin ngayon pero nu'ng panahon niya na subsequently, nakikita ko rin sa ibang mga manuskrito sa ibang manunulat, e, it was quite common noon. Kasi 'yung sinasabi nating "ng" ngayon, kumakatawan diyan ay itong G nga na may ganyan sa taas. Talagang ginagamit nila.
HOWIE: It had its own type?
BUTCH: Yes.
HOWIE: You didn't spell it N-G?
BUTCH: No. There was a time. 'Yung sabihin mong Bayang Malaya, ang basa riyan Bayag Malaya na may ganu'n sa taas 'yung G.
HOWIE: This type was developed for Filipino language?
BUTCH: Apparently. Somebody took the trouble to you know, to mold this particular type bar.
HOWIE: And mukhang mass produced pa.
BUTCH: Yes.
HOWIE: It wasn't customized for this guy.
BUTCH: E, baka may demand talaga para diyan. Kaya nga naniniwala ako na kung magtiyaga ako, may mahahanap pa rin akong makinilya na may ganyan. That's my holy grail now in terms of typewriters. Kasi nakuwento ko nga sa iba na sa ngayon ang sabi sa akin, ang isang wika na lang sa buong mundo na nagtataglay ng ganyang karakter ay 'yung wika na tinatawag nilang Guarani na sa isang lugar sa South America.
E, mabuti kung may mga makinilya 'yung mga Guarani at kukunin ko na lang doon. Kaya nga lang, wala na ako mahanap talaga.
HOWIE: What's curious is sa dami ng mga typewriter mo at sa mga typewriter na nakita namin, wala pang ganu'n.
BUTCH: E, kasi karamihan ng mga typewriter ko, e, nanggagaling sa labas ng Pilipinas, nanggagaling sa Ebay 'yan.
HOWIE: But I presume 'yung mga typewriter na 'yan, they're somewhere in the Philippines pa..., right?
BUTCH: Yes, mayroon pa akong mga typewriter na mga 1930s na rito sa Pilipinas ibinenta kasi nandoon pa 'yung decal noong ano, e, nu'ng office supply company na nagbebenta. So alam ko for the Philippine market 'yun pero wala na siya nu'ng ganyang letra.
So I'm guessing na around 1930s, hindi na siya ginagamit. Although 'yung mga sulat ni Magtanggol Asa, e, 1950s na 'yan kaya nag-survive pa 'yang makinilya na 'yan. It's a little mystery but an interesting one.
HOWIE: Finally, I wanna ask you about this young owner of an Underwood, antique Underwood 1960s, 'yung isang inaayos ni Gerald. So hindi ko pa nakikilala itong may-ari, 'yung batang may-ari, 24 years old. Pero tinanong ko si Gerald, bakit kaya isang 24-year-old ay magkakaroon ng ganito?
Bagong bili. So pinaayos sa kaniya, pinaggastusan. Ewan ko kung mayaman itong batang ito at kinukunsinti ng magulang pero of all the things that a 24-year-old kid spend on, you can go watch Coldplay for probably the same amount.
BUTCH: Right, right.
HOWIE: But pinagkagastuhan niya ito. Tinanong ko si Gerald kung ano kaya ang motibo niya, bakit siya nag-i-invest sa makinilyang ganito? Ang sagot sa akin ni Gerald, "Ang sinabi sa akin gusto niya maging manunulat at baka siya ma-inspire kung ito 'yung gamit niya."
BUTCH: Posible.
HOWIE: Tanong ko sa inyo, sir, dahil kayo ay beteranong manunulat, may pag-asa ba siyang maging mahusay na manunulat dahil lang sa makinilya na 'yan? How will it enhance his prospects as a writer? Or this is kind of a parang pie in the sky lang na he convinced himself na writing prowess can come from a machine?
BUTCH: Well, maybe not the prowess but the inspiration which is just as important. Obviously, may mga romantic ideas 'yung bata about writing na hindi ko naman pahihindian kasi importante 'yan na whatever drives you to write, I mean, it's basically a good thing.
We all have tricks to lead us to the keyboard. Some of us need quiet music, some of us need strong coffee. And for this guy, he needs an old machine which challenges him to produce something new. And it's probably the novelty of that experience that will make him think of many more possibilities for what he can come up with, other than writing on the usual computer keyboard.
In other words, masasabi nating gimik lang 'yan pero kung uubra ba para sa kaniya, e di mabuti. And at the very least nagkaroon siya ng koneksyon sa nakaraan which is important to any writer. It's because ang bawat sinusulat natin I think is really a conversation with the past. It's a conversation with 'yung mga writer na nauna sa 'yo, mga mambabasa na nauna sa 'yo. Sa kanila ka rin sumusulat, e. Sinasabi mo sa kanila, "Oo nga 'yun ang sinabi ninyo pero ito naman 'yung sa akin."
Kaya kung naiisip niya na 'yung makinilya mismo ang makapagtutulak sa kaniya para magbigkas ng mga ganyang pananalita, e di mabuti para sa kaniya.
In the very least, mayroon siyang magandang makinilya ngayon na kung pagsawaan niya at alam naman natin ang mga bata ngayon ay mabilis magsawa sa mga laruan, kung pagsawaan niya 'yan, mayroong bibili lagi niyan.
You'll be surprised especially kasi mayroon tayong collecting community. They are very desirable. And something like his machine, an early 1900s na Underwood, will find a market quite easily.
So it's a good investment. That's what it comes down to. But really less monetarily than psychically to feeling that special connection. At kuwento ko nga sa 'yo, hindi lang sa mga kolektor ng makinilya ito. Doon sa isang komunidad ko pa ng mga kolektor ng mga fountain pen, sinimulan ko 'yung komunidad nu'ng 2008, dalawampu lang kami sa aming, sa harap ng aming bahay na nagpulung-pulong, ngayon online mahigit 13,000 kami. At karamihan niyan mga bata, in their 20s and 30s.
So clearly, mayroong malakihang pagbabalik sa nakaraan. And let's call it nostalgia, let's call it romance. But people are seeking to move away from the homogenization of the digital world back into something much more personal, much more expressive. 'Yung nakikita nila 'yung sarili nila roon sa trabaho lalo na halimbawa sa pagsusulat gamit ka ng pluma, kasi unique talaga 'yung penmanship mo, e.
Sa makinilya, of course mas standardized 'yan pero naririnig mo pa rin 'yung tunog ng pagtipa mo ng ano, e, nu'ng keyboard. It's a very tactile personal thing. At nakikita mo agad 'yung resulta roon sa papel. Mayroon siyang proseso, e, na hindi mo nararamdaman sa pagta-type sa digital na keyboard, e. Kasi nga naglalaho agad 'yung sa keyboard, 'yung sa digital. Ito nandiyan 'yung pruweba ng pag-iisip mo at mananatili 'yan hanggang itapon mo o sunugin mo.
HOWIE: It's a great note to end on. Maraming-maraming salamat, Butch Dalisay, tanyag na manunulat at kolektor ng mga lumang makinilya.
BUTCH: Salamat. Maraming salamat, Howie.