62-year-old Bar passer: Pursue your dreams regardless of age
At age 62, Rosula "Rose" Calacala became one of the oldest examinees who took the Bar exams last 2023. She has shown us that senior citizens can do a lot for our country. Let's get to know the very wise and inspiring Atty. Rose in her conversation with Doc Anna Tuazon in Share Ko Lang.
DOC ANNA: Hello, mga Kapuso. Ako si Dr. Anna Tuazon, ang inyong kakuwentuhan na psychologist sa Share Ko Lang. Tinanong namin kayo kung may age limit nga ba sa pag-abot sa ating mga pangarap. Pag-uusapan natin ang inyong mga shinare kasama ang 62-year-old Bar passer last year na si Atty. Rosula Calacala or Attorney Rose.
ATTY. ROSE: Good morning, Doc Anna. Good morning sa lahat ng ating kababayan saan mang sulok ng mundo.
DOC ANNA: Paano nagsimula ang inyong pangarap na maging abogado?
ATTY. ROSE: Wala sa aking hinagap na ang pag-aaral ng law noong maliliit pa ang aking anak at saka noong nag-aaral sila. Noong nakapag-aaral na sila, naging bakante na ako, Doc Anna.
So, araw- araw, after na nakapag-aaral na at may trabaho na ang aking mga anak, naglalaro na ako sa computer, Ma'am Anna. Pagkatapos kong... 'pag nanggaling na ako sa office, naglalaro na ako. So sabi ko, napag-isip-isip ko, 'Ano ba, for the rest of my 20 years ba of the rest of my life, e maglalaro na lang ba ako?' Ganu'n ang iniisip ko.
At saka isa pa, Ma'am Ana, palabasa kasi ako. So sabi ko sa sarili ko, 'Wala naman akong kursong matatapos sa basa nang basa.' Kaya isa rin 'yun na rason kung bakit ako nag-aaral. And then nakikita ko, may mga senior citizen kasi na hindi na busy sa life nila.
And then, makakatulong pa ako sa mga ibang tao, especially po sa amin, wala pong mga abogado po sa amin na nag...Wala pong abogado sa amin na nag-i-stay kasi nga po mga bata po kasi sila. So they have more opportunities doon sa siyudad. 'Yun, kaya ako naisip na nag-aral ng law, Doc Anna.
DOC ANNA: Hindi naman po ito ang unang beses niyong nag-aral, hindi po ba, Attorney? 'Di ba kayo rin naman nakapag-graduate, naging CPA?
Actually 'yun po napansin ko sa inyong story, parang actually ang dami niyong pinasok na iba't ibang trabaho, iba't ibang hats, 'di ba? Hindi lang kayo nanay, hindi lang kayo nag-alaga ng bata. Nagsumikap
din kayo. So kumusta po 'yung mga... 'di ba? Hindi pa po pa kayo nagsawa sa pag-aaral?
ATTY. ROSE: Hindi po nakakasawa ang pag-aaral pagka ito ay naging lifestyle mo na, Doc Anna. So
every day you are seeking something to learn.
Doc Anna, ano, actually, humbly... Setting aside my ego, e, kasi ano, tama 'yung sinabi mo na achiever ako. Lahat na yata ng civil service examination, na-take ko na. O ganu'n. So inaaral ko 'yun bago ko tine-take para ako makapasa agad-agad.
DOC ANNA: So na-curious po ako kasi sabi niyo, 'di ba nagsimula 'yun du'n sa tinatawag natin, empty
nest. 'Di ba parang okay, okay na 'yung mga anak niyo, 'di ba, parang, 'Anong gagawin ko?'
Sa inyo po, ang unique sa inyo, 'di ba, hindi common, 'Ay sige maglo-law ako.'
Law is one of the hardest studies to do. And the Bar exam is one of the hardest exams one can take in their lives. So 'di ba, puwede naman po kayong nagtuto, sabi niyo nga, mag-aral ng leisurely, 'di ba, magbasa ng leisurely as well. So paano niyo po naisipan, 'Sige, kakaririn ko 'to kahit mahirap'?
ATTY. ROSE: Kuwan kasi nun'g ano, Doc Anna, nu'ng sabi ko kasi, nu'ng nalaman po 'yung kursong 'yan, sabi kasi ng kaibigan ko, 'Ma'am,mag-aral ka ng law. Nag-aaral na ako ng law,' sabi niya. Pero, siyempre, bata 'yun. Sabi ko, 'Oo nga, kaysa naglalaro ako araw-araw, parang mag-aaral na lang ako ng law,' sabi ko.
And I have to do it at the shortest possible time kasi late na nga ako. So kung lalaruin ko pa 'yung pag-aaral ko, it will take me six years to eight years at hindi ko pa mate-take one 'yung Bar, it will take another 10 years. What's the use na of being a lawyer at such age na 70 na ako? It would be too late na.
So ginawa ko ang lahat ng paraan from Day 1 hanggang ako ay nag-take ng Bar para ako ay mag... tatapusin ko lang 'yung law school ko ng four years and then take one sa Bar. Ginawa ko lahat-lahat. Pati 'yung pag-pre-pray nang sagad-sagad sa Diyos sa huling-huling minute ng aking exam, ginawa ko 'yun para ako ay magiging abogado ng paano. So I did not waste any time.
Pero siyempre, I have obligation, social obligation pa rin to do with my classmates. So hindi ko sila puwedeng tanggihan pagka nandito sila sa lugar namin. Pero outside, tinatanggihan ko talaga sila. That I have done for four years. Lahat, i-dinelegate ko sa aking asawa, pagluluto, pagpapakain sa akin. Siya lahat-lahat, pagda-drive sa akin. Siya lahat-lahat. Para magawa ko 'yung pag-aaral nang todo-todo. E, may trabaho din kasi ako, ma'am. So 'yung eight hours ko, nandu'n din sa opisina. So the rest of my time, habang nakapikit, ay nakabuka ang aking mata, ay, nag-aaral ako, Doc. Ano ba 'yan? Matanda na, sobrang nag-aaral pa rin.
DOC ANNA: So kumusta po kayo since nakapasa po kayo ng Bar?
ATTY. ROSE: Doc Anna, this time, kasi employed pa rin ako sa LGU. Pero hinihiling ko na ano, na mag-limited practice ako para makatulong ako dito sa Jones. Kasi ang Jones is a first first class municipality. E, wala po kasing... 'Yung mga batang lawyer, they don't want to stay there kasi nga 'yung opportunity nila is limited. Unlike kung nasa nasa city sila, e, marami silang opportunity.
And so I think this is an opportunity na makapag-serve sa aking mga kababayan as a notary public or as a litigation lawyer. Kasi wala naman silang malalapitang iba na na malapit kundi sila pupunta sa siyudad. So nandu'n lang ako. Dahil nga ako ay may edad na, hindi na ako... Hindi ko napangarap ang pupunta pa sa mga malalaking siyudad, city, para ako ay mag-practice, Doc Anna.
DOC ANNA: Yeah. 'Yan din po kaya ang isa sa mga advantage na, you know, you took your time, 'di ba, na mature na tayo bago nag-law? Kasi kung bata ka, inisip mo, 'Kailangan kumita ako sa pagiging abogado. Kailangan malaki ang kita ko.' Ngayon, wala ka ng pressure, 'di ba to do that?
ATTY. ROSE: Wala na kasi tapos na ang aking mga anak, Doc Anna, e. Ang iniisip ko lang, e, 'yung may makain ako araw-araw.
DOC ANNA: So tinanong namin ang ating mga Kapuso kung anong tingin nila kung may age limit nga ba sa pag-abot ng ating mga pangarap.
Ang sabi ng isa nating Kapuso, 'Age should never be a barrier when pursuing your dreams. With unwavering determination, passion, and willingness to learn and grow, individuals can achieve their goals at any stage in life.'
Now, mayroon pa tayong dalawang Kapuso na nag-a-agree. 'Yung isa sabi niya, 'Walang age limit mangarap because your only limit is yourself. So believe.'
Even though sabi niyo nga, bawat oras na nakabukas ang mata niyo, nag-aaral kayo, na-enjoy niyo rin po ba 'yung intensity?
ATTY. ROSE: Doc Anna, kasi hirap... mula pagkabata ko, hirap ako sa buhay. So 'yung paghihirap lang sa law school or anything that comes with it, parang normal na sa akin 'yun kasi nga sobrang hirap ko nga nu'ng ako ay nag-aaral pa. Mas masahol pa ang aking tinahahak na daan nu'ng kabataan ko kaysa nung nag-lo-law school ako.
So 'yung mga challenge na lang nu'ng matanda na ako, part of being alive na lang
DOC ANNA: So I think that's one of the advantages din na especially pagdating sa pag-aaral. Kung ang pangarap po natin, mga Kapuso, ay mag-aral, maging doktor, enhinyero, abogado, 'yung mga academic, in a way, 'pag medyo mas mature tayo, mas matanda, at saka in a way, tama po ba, sinigurado niyo na mas okay na rin ang estado niyo sa buhay? Kasi kung ginawa niyo 'to nu'ng bata kayo, baka actually mas mahirap siya.
ATTY. ROSE: Oo, Doc Anna.
At saka Doc Anna, sa totoo lang ano, napakahirap ng law school. At sinasabi ko sa mga anak ko lagi, 'Ang hirap naman itong subject ito, hindi ko na maintindihan.' 'Mama...' Sasabihin ng mga anak ko,
'Mama, hindi lang naman ikaw ang nahihirapan diyan. Lahat naman ng law students hirap diyan. Huwag kang mag-alala, okay ka. Tapos, at saka, Mama, pinasok mo 'yan, e. Ginusto mo 'yan. E, panindigan mo na.' 'Yun. I have to go on dahil sa mga kuwan nila. Mga push, push, push, push.
Kahit hindi... 'Yun ang maganda sa ano, sa galing sa mahirap. Kahit ayaw nila, kung gusto mo at 'yun ang kapakanan mo, 'yun ang ambisyon mo, e. gawin mo. Dahil 'yun nga ang gusto mo.
E, may isang classmate ako at saka mismo 'yung nanay ko, sabi, 'Matanda ka na, gusto mo pang sa mag-aaral.' Gusto ko e. Mag-aral, e. So kahit anong gagawin nila sa akin, hilahin man nila ako, dahil gusto kong mag-aral, kahit anong gawin nila, mag-aaral talaga ako, Doc Anna.
Pero ang nanay ko, Doc Anna, namatay before mag-take ako ng Bar. She died February 14, 2023, just before my graduation. Ang graduation ko is June 17, 2023.
DOC ANNA: So dumanas pa kayo ng grief, 'no? Pumanaw ang inyong ina.
ATTY. ROSE: Yes. Oo.
DOC ANNA: That must be hard.
ATTY. ROSE: Very, very hard. Kasi every... 'Pag naalala ko 'yung nanay ko, iiyak ako. Pero sabi ko, 'Hindi dapat ito. Kasi ang life natin, I have to accept na ang death is part of being alive.' 'Yun ang lagi kong sinasabi. Ang nanay ko is talagang, she has to go na, matanda na. So pagka naisip ko ang nanay ko, lagi kong sinasabi, nahihirapan lang din ang nanay ko 'pag alive siya. So I have to accept na she has to go.
Ako kasi, e, hindi... kung 'yun lagi ang iniisip ko 'yung nanay ko na nawala siya, e, wala na akong magagawa roon. Pero when in fact, itong future ko na maging lawyer, may magagawa ako. So 'yun. I have to accept grievance as part of the challenge to become a lawyer.
DOC ANNA: Has there been a time na medyo, 'di ba, pinag-isipan niyo, 'Tatapusin ko ba talaga 'to? Kaya ko pa ba 'to?"
ATTY. ROSE: Ay, naku. Daily 'yan. Habang nagbabasa ka, iniisip mo, nararanasan ito talaga ng lahat ng law student. Gustung-gusto mo every day. Natatawa ka pa nga dahil, 'Ano ba itong pinasok ko na ito?'
DOC ANNA: So parang tinanggap mo na lang 'yung pagdududa na 'yun araw-araw?
ATTY. ROSE: Eventually, na-accept ko na na ganu'n pala ang law school. Kasi nu'ng um-enroll ako ng law school, hindi ko alam na ganu'n pala. Akala ko parang master lang na papasok ka, makikinig ka, hindi pala ganu'n.
DOC ANNA: Sabi nu'ng isa, 'Kung matanda ka na, kaya mo pa bang kumayod nang husto, magpuyat,
mag-travel, etcetera. Kaya habang bata ka pa, gawin ng magagawa mo. Dahil oo, may age limit ang pag-abot ng pangarap. Dahil 'pag tumanda ka na at hindi mo na kaya, hanggang pangarap na lang 'yun. At age of 50, unti-unti nang mawawala ang pangarap ng tao.' Grabe naman 'to, 'no? Binigyan ng age limit.
Ano po 'yung masasabi niyo? Ito, doon sa mga sinasabi nila, may age limit, mas mahirap kumayod, at age 50 daw, unti-unti nang mawawala ang pangarap ng tao. Ano pong masasabi niyo rito at 62?
ATTY. ROSE: So the best way talaga is, the best time talaga is to do things kung may paraan, may resources, is to do it earlier the better talaga. Kasi you have more opportunities. Pero para sa mga matatanda na at hindi naman sila nagkaroon ng opportunity gaya ng mga bata, gaya sa akin, hindi naman ako nagkaroon ng opportunity to have money to go to school after my college life. I have to earn my own upkeep after my after my college life. So wala akong luxury or wala akong extra money to go
to higher education. So 'yun. Hindi pare-pareho ang tao.
DOC ANNA: So rather than po sa edad mag-focus, ang naririnig ko po sa inyo is, kung kailan dumating ang opportunity, whether 'yan ay nu'ng bata ka pa or biglang nagkaroon ka ng opportunity at 50, grab it.
ATTY. ROSE: Grab it.
DOC ANNA: The moment, the opportunity is there, the resources are there, may tumutulong, sumusuporta sa inyo. Huwag kayong tatanggi sa oportunidad just because feeling niyo matanda na kayo. Tama po ba?
ATTY. ROSE: That's right, Doc Anna.
DOC ANNA: Pero karamihan ng pangarap natin, minsan magugulat po tayo, mga Kapuso, kasi
narinig lang natin 'yung mga bagets, 'yung mga bata na, 'di ba, naging successful. Pero actually, napakarami po nagsisimulang maging successful. And 'yung successful, 'yung ina-achieve nila, 'yung dreams nila, or kagaya ni Atty. Rose, 'di ba, second career, third career, fourth career, 'di ba.
Karamihan, actually, sa 40s, 'no? Sa 40s, sa 50s, talaga nakakamit. Nakakamit. Masyado lang tayo kasi siguro na, 'di ba, kinukumpara natin dun sa mga story na, oh, 18 pa lang, sikat na. 18 pa lang,
ganito. Lahat tayo iba't iba ang pace. Iba-iba ang speed. At sa iba't ibang edad, magkakaroon tayo ng oportunidad, 'di ba? So 'yun po.
ATTY. ROSE: Yes, Doc Anna.
DOC ANNA: So mayroon naman po tayong mga ibang Kapuso, so medyo in between.
Sabi niya, 'Ikaw na mayaman, kahit uugod-ugod ka na, maaabot mo pa rin ang gusto mo. Ikaw naman na mahirap, hindi mo na maaabot ang pangarap mo kasi kahit magtrabaho ka para maaabot mo ang pangarap mo, hindi mo na magagawa kasi may age discrimination. Diyan pa lang, restriction na 'yan sa pag-abot ng pangarap.'
Now, Atty. Rose, nu'ng kayo ay nag-aaral and maybe now, mamaya tatanungin ko po, how are you post-Bar exam as an attorney, nakaranas po ba kayo ng age discrimination?
ATTY. ROSE: Sa law school kasi, Doc Anna, walang age discrimination. They accept you as who you are sa law school. Pero nakuwan lang ako, na-caught lang 'yung atensyon ko, Doc Anna, du'n sa sabi
nila, e, 'Dahil mahirap ka, ganyan, e, hindi mo na maaabot ang pangarap mo dahil pagkatapos mo ng mag-aaral, wala nang tatanggap sa 'yo'.
Ang pagiging successful naman, e, hindi employment, Doc Anna. Ang iniisip natin lagi, e, pagkatapos ko nag-aaral mag-employ. It's not. Hindi employment na ngayon ang dapat nating iniisip 'pag nag-aaral tayo. Dapat isipin na natin paano ba gumanda ang... hindi lang naman kasi money ang pagiging successful.
Ibahin na natin 'yung mindset natin na employment, lagi employment. Tumanda ka na, wala nang tatanggap sa 'yo. Hindi ganu'n, e. Puwede ka namang maging entrepreneur. Mag-aral ka kung paano mag-manage ng tao o kaya ayun 'yung... ano 'yun? Pagwe-welding. Ganyan. Hindi naman kailangan mag-employ ka para magiging successful ka.
DOC ANNA: So kung itutuloy natin kanina, 'di ba sabi natin, kung may opportunity i-grab na po natin. Kung walang opportunity, puwede tayo mag-isip kung paano gagawin.
ATTY. ROSE: Gagawa ka ng opportunity for yourself. 'Yun ang ginawa ko. Nag-aral ako. So I created the opportunity for myself. Hindi 'yung hihintayin mo na lang din na pupunta sa 'yo opportunity.
DOC ANNA: At saka si Atty. Rose ang proof na posible. Hindi madali. Hindi natin sinasabing naging madali ang pagkamit ng mga pangarap niyo, Attorney. And posible. Hindi naman porque mahirap, hindi na puwedeng mangarap. Kasi ang pangarap libre. Ang pagsumikap kung kakayanin niyo. 'Yun 'yun.
So siyempre, realistic din lang naman. Sabi nga natin kanina, 'yung iba medyo... maraming silang resources so mas madali. 'Yung sa iba, kailangan talaga hugutin ang resources, rumaket, humustle, dumiskarte, kailangan hanap-hanapin, pigain lahat ng puwedeng resources at opportunity.
So final message, Atty. Rose, mayroon po ba kayong maipapayo sa mga taong katulad, niyo na medyo may edad na, naiisip nila na medyo huli na para sa kanila na abutin ang kanila mga pangarap?
ATTY. ROSE: Sa mga pares kong may edad na, kung may maisip kayo na ikaliligaya ninyo sa mga huling sandali ng ating buhay, gawin po ninyo na 'yung hindi sa pilitan, kundi mangarap tayo na... be realistic lang na ito lang ang kaya kong pangarapin at ito ang kaya kong gawin.
Huwag naman tayong mangarap sa mga bagay na magiging imposible nating ma-attain. Kasi magiging stress lang 'yun sa atin, magiging pabigat sa atin. And then, in the end, mapu-frustrate tayo kasi hindi natin ma-attain kasi nga imposible nga na ma-attain natin. Kasi iko-consider natin ang resources natin, ang health natin, ano ang magiging outcome? Lahat dapat 'yun balansehin mo lahat-lahat.
At 'pag na-attain natin 'yung maliliit na bagay, magiging happy tayo, magiging stress-free tayo at ang buhay natin maging healthful and we will have a long, long life.
DOC ANNA: Kaya, mga Kapuso, pagdating sa pangarap, okay, hindi po sa pag-achieve ng ating dreams tayo sasaya. Du'n sa pagpu-pursue. Kahit hindi pa natin na-achieve, basta pinu-pursue na natin sila kahit maliit o kaya talagang all-in, 'di ba, either all-in tayong susubok o kaya, you know what, kahit hindi na siya career, 'di ba, gusto ko pa rin siya sa buhay ko at pinu-pursue na natin, that is happiness too.
So hindi natin kailangan, 'di ba, hindi naman kayo naging masaya dahil lang nakapasa sa Bar. Even just pursuing, learning new things, 'di ba, is already happiness. Kahit mahirap at kahit araw-araw ay naisip natin, susuko na ba tayo? That's part of happiness too, 'di ba, when you know you're doing what you want.
So marami pong salamat, Atty. Rose, para sa interview na ito, I'm sure marami pong na-inspire sa inyong story. At I'm sure marami pa kayong puwedeng gawin, 'di ba? Ito na, sabi ko nga, it's not the end, passing the Bar, it is just the beginning.
ATTY. ROSE: Yes, yes, Doc Anna. Thank you so much, Doc Anna. You are a great host.