Ask Atty. Gaby: Usapang hiwalayan at prenup
Naku, mainit ang pag-uusapan natin ngayon. Bukambibig 'to ng lahat — ang usapang hiwalayan.
At kakambal ng usaping 'yan ang prenup. Lagi n'yong nababasa at naririnig 'yan, pero ang tanong, alam n'yo ba kung ano 'yan?
#AskAttyGaby: Ano nga ba ang prenuptial agreement?
Ang prenup o prenuptial agreement na pareho din ng antenuptial agreement o marriage settlement ay isang kasunduan na pinapasukan ng dalawang taong nagbabalak na ikasal. Ilalagay nila dito kung ano ang kanilang magiging kasunduan tungkol sa kanilang mga ari-arian, income at lahat ng property nila 'pag kinasal na sila.
Paano kung walang prenup? Ayon sa Family Code of the Philippines, magkakaroon ng automatic na absolute community regime ang mag-asawa — ibig sabihin, lahat ng ari-arian nila bago sila ikasal, lahat ng kanilang income, business profits habang sila ay kasal ay magiging property ng mag-asawa. Kumbaga, what's mine is yours, and what's yours is mine. And all of that is ours.
Masama ba 'yon? Hindi naman. Pero kung meron akong P100 million bago ikasal, at 'yung pakakasalan ko ay walang pera, 'pag kinasal kami ng walang prenup at naghiwalay kami, possible na ang magiging hatian naming mag-asawa ay 50/50. So ang dating P100 million ko, magiging P50 million na lang, pero may P50 million naman ang mister ko. Is that fair? Kayo ang humusga.
Pero kung may prenup, maaari ninyong ibahin ang usapan. Puwedeng mag-uumpisa lamang ang share and share alike pagkatapos ng kasal — ibig sabihin, akin pa rin ang P100 million sa ating example kahit na ikasal tayo at maghiwalay. Pero mangyayari lamang 'yan kung may prenup.
Need a wellness break? Sign up for The Boost!
Stay up-to-date with the latest health and wellness reads.
Please enter a valid email address
Your email is safe with us
Pero tandaan, ang prenup dapat in writing, pirmado ng parehong ikakasal at ginagawa bago kayo mag-"I do" ng mister ninyo. Hindi puwede gumawa ng prenup after the wedding. Well kaya nga kung minsan may mga kasal na hindi natutuloy, dahil biglang nagpapapirma ng prenup ang isa sa kanila right before the wedding. So not a good idea.
#AskAttyGaby: Atty., kung naghiwalay bigla ang engaged couple, puwede pa bang mabawi ang mga nagastos sa paghahanda sa kasal kung hindi na ito matutuloy?
Depende sa kasunduan ninyo with your supplier. Usually, merong kontrata naman 'yan at ang terms and conditions ay nakasaad doon kung magkano ang total contract price, kung magkano ang downpayment, kung kailan at saan at ano ang gagawin sa takdang araw, at kasama dito kung ano ang gagawin in case of a cancellation.
Malamang, kung malayo pa ang date ng wedding, usually naibabalik ang downpayment.
Pero kung masyadong malapit na ang cancellation, malamang ay nakalagay na wala na kayong mababawi at forfeited na ang downpayment.
Ito naman ay dahil lost income naman ito para sa supplier ninyo kung hindi tuloy ang kasal.
Kaya't suriin ang kontrata bago pumirma. Makipag-negotiate sa supplier lalo na kung may pakiramdam kayo na baka nga may posibilidad na hindi matuloy ang kasal.
Ang pag-aasawa, sabi nga nila, hindi mainit na kanin na kapag isinubo at napaso kay ay puwede mong iluwa.
Ang mga usaping batas, bibigyan nating linaw. Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang-isip — Ask Atty. Gaby!
Need a wellness break? Sign up for The Boost!
Stay up-to-date with the latest health and wellness reads.
Please enter a valid email address
Your email is safe with us