Filtered By: Opinion
Opinion
THE HOWIE SEVERINO PODCAST

DOTr Secretary Jaime Bautista on modernizing the jeepney


If the Department of Transportation (DOTr) has its way, more than 30% of jeepneys will be off the road starting this year. Those are the vehicles that private operators did not include in new jeepney cooperatives and corporations required by the DOTr. That will be the first stage of the government’s controversial jeepney modernization program. The older, decrepit vehicles will then be replaced by newer models, some no longer resembling the iconic back-entry designs of the traditional jeepney.

Modernization is more than new vehicles, Transportation Secretary Jaime Bautista is quick to emphasize in his conversation with Howie Severino. Public transport routes will be studied and “rationalized,” so that the number of public utility vehicles will be adjusted according to the volume of commuters along those routes.

Despite the reduction of jeepneys plying existing routes, Bautista assures that there will be no commuter crisis, as he says the remaining jeepneys will be more than enough to handle the demand. Even with the modern jeepneys, Bautista asserts that the future of public transport lies not in road vehicles but in trains, as he gives us an overview of the rail projects in the pipeline.

Isn’t it a disadvantage for chauffeur-driven officials like him to be making decisions about public transport? Secretary Bautista has a ready answer.

HOWIE: Magandang araw, podmates. Howie Severino muli na nagpapaalala na nakakatalino ang mahabang attention span. Nasa balita na naman ang mga jeepney at ang Jeepney Modernization Program. Bukod sa pagiging importanteng bahagi ng ating transportation system, matagal ng simbolo ng kulturang Pilipino ang makamasang jeepney.

We're honored today to have as our guest the Secretary of Transportation, Jaime Bautista. Magandang araw sa inyo, Mr. Secretary. Thank you for taking the time to talk to us, sir.

SEC. BAUTISTA: Hi, Howie. Maraming salamat sa iyong imbitasyon. Ito ay magandang venue for us to be able to explain 'yung ating PUV Modernization Program. Maraming salamat, Howie.

HOWIE: Thank you, sir. Last year, sinasabi ninyong non-negotiable 'yung December 31 deadline for consolidation ng jeepney operators para maka-operate. Lumipas na po ang deadline. Marami bang hindi naka-comply na jeepney operators? At ano po ang consequence o penalty kapag hindi nila natupad ang sinasabi ninyong consolidation?

SEC. BAUTISTA: Alam mo, Howie, binigyan namin ng pagkakataon 'yung hindi pa nakapag-consolidate to conform with the requirements of the program hanggang December 31 of last year. In fact, maski holiday 'yan, pumasok 'yung mga tao natin from LTFRB and accepted application for consolidation.

We were able to accept, I think, around 25,000 more applicants para sa consolidation. And with that additional 25,000, lumalabas du'n sa aming mga figure na we have a consolidation rate of almost 70% nationwide.

So ibig sabihin, 'yung ating mga record na dating nalalaman natin 'yung number of routes and number of vehicles ay lumalabas na 70% na 'yung nag-comply. And du'n sa program na aming pinag-aaralan, we don't need to have 100% consolidation rate. 'Yung 65% will suffice. And we can implement the program.

'Yung question na what will happen to those who did not consolidate? Ang mangyayari sa kanila ay hindi na mare-renew 'yung kanilang franchise. Kasi ang pinanghahawakan nila ngayon ay 'yung tinatawag natin na provisional authority na kung nag-consolidate ka, automatic ay mare-renew 'yan for five years.

But since hindi sila nag-renew, e, wala nang bisa 'yung kanilang provisional authority. Although pinayagan pa namin silang mag-operate hanggang January 31 of this year.

HOWIE: Okay, sir. To refresh lang Ano, sir, 'yung ibig sabihin ng consolidation sa konteksto ng Jeepney Modernization Program?

SEC. BAUTISTA: Alam mo, Howie, itong PUV Modernization Program ay mayroong sampung components. And one of the important components is consolidation. Ibig sabihin, we want the participants to become a member of a cooperative or a corporation.

Dahil kung member sila ng cooperative, they will work together as a group. Alam mo, ang problema natin dito sa transport sector ay nagkakani-kaniya tayo in the past.

For example, nag-aagawan tayo sa pasahero, nag-aagawan tayo ru'n sa mga ruta and nakakalimutan natin 'yung napakaimportanteng responsibility, which is providing safe, comfortable, accessible, affordable travel experience.

Kung part ka ng consolidation, susunod ka ru'n sa standard na sinet ng cooperative or corporation. Ibig sabihin, 'yung maintenance ng iyong sasakyan ay tama. Ibig sabihin, susunod ka ru'n sa mga dispatching requirement ng cooperative.

Hindi 'yung basta-basta ka na lang pupunta ru'n sa isang ruta na mahaba ang pila, kundi susunod ka ru'n sa tamang oras na binibigay sa iyo ng cooperative para 'yung operations ay tama ru'n sa requirement ng mga mananakay.

Pangalawa, 'yung mga driver ay papasuwelduhin nang tama ng cooperative or corporation. So ang makikinabang dito ay 'yung maraming stakeholders ng transport industry. Unang-una, siyempre ang malaking pinakamakikinabang ay 'yung mga mananakay. Pangalawa, ang makikinabang ay 'yung mga operator or 'yung mga may-ari ng mga sasakyan. Although hindi naman sila necessarily ang drivers, investors sila.

Dahil maayos 'yung operations ay magiging profitable 'yung pagpapatakbo ng cooperative or corporation. Ibig sabihin nu'n, 'pag profitable 'yan ay makukuha nila 'yung investment nila. Magkakaroon ng tinatawag na reasonable rate of return du'n sa kanilang investment. And mapapasuweldo nila nang tama 'yung mga driver. Mabibigyan nila ng tamang compensation. Mabibigyan sila ng tamang benefit. At least siguro susuweldo sila ng minimum wage. Magkakaroon sila ng SSS contribution. And in the future, magkakaroon sila ng retirement. So 'yun ang napakalaking maidudulot ng consolidation kaya pinipilit namin na mag-consolidate 'yung industry.

HOWIE: Okay, sir. Sa kabila ng mga benepisyo na 'yan na nabanggit ninyo, may 30% pa rin na ayon sa inyo na hindi nakapag-consolidate. 'Yung isang requirement ng programa. And sabi n'yo nga, hindi mare-renew 'yung kanila mga prangkisa. Which means, hindi maka-operate itong mga hindi nag-organize into cooperatives.

So mawawalan ng mga sasakyan na pampubliko sa lansangan. Hindi kaya magkakaroon, sir, ng transportation crisis dahil sa kakulangan ng mga public utility vehicle on the road?

SEC. BAUTISTA: Alam mo, Howie, doon sa study na ginawa namin, 'yung 70% ay enough para magkaroon ng tamang number of seats na mag-o-operate. Kasi roon sa record na nakikita namin ay marami na roon sa records namin 'yung hindi na nag-o-operate dahil luma na 'yung mga sasakyan pero mayroon pa rin silang franchise.

Siguro 'yan 'yung mga nakikita namin na ayaw nang mag-consolidate dahil ang sabi nga namin, puwede n'yo pa rin gamitin 'yung mga luma n'yong sasakyan as long as these are roadworthy.

Ngayon, with the consolidation, malalaman natin talaga kung ilan pa ba 'yung mga roadworthy vehicle na 'yan. Dahil nga mayroon na tayong mga information, nire-reconcile namin 'yung record ng LTFRB at ng LTO.

Kasi sinasabi sa amin ng LTO na posibleng 'yung mga dating may hawak ng franchise ay ma-update natin 'yung records ng LTO at ng LTFRB. And malalaman natin na mayroon nga palang mga sasakyan na mayroon pa rin franchise pero hindi na makapag-o-operate.

Hindi lang naman importante 'yung number of vehicles. Importante rin 'yung percentage ng mga ruta na nag-consolidate. And 'yan mas mataas 'yan kaysa sa number of vehicles.

Kasi 'yung mga ruta na 'yan ay puwede natin gawing efficient. Puwede natin putulin 'yung ibang mga ruta na maiikli na dinaraanan ng existing routes. Bigyan kita ng example, Howie.

Maraming ruta riyan na ang distance lang ay mga five to eight kilometers. And mayroon siguro mga 200 jeepney 'yung nag-o-operate diyan. Pero mayroong isang mas mahabang ruta na dumaraan din diyan sa ruta na 'yan na puwedeng makapuno ru'n sa hindi magko-consolidate. 'Yan ang nakikita ng LTFRB. Lalung-lalo na rito sa Metro Manila.

Makatutulong 'yan sa traffic. Mababawasan ng traffic 'pag nabawasan din natin 'yung mga sobrang public utility vehicle sa certain routes. So 'yun ang susunod na programa natin ay 'yung tinatawag na natin na route rationalization.

Re-review-hin na natin 'yung mga ruta. Katulad nga nu'ng ano ba 'yung mga ruta na dating ino-operate nitong hindi nag-consolidate. Ito ay mapupunuan nu'ng mga nag-consolidate na mga operator.
And we're working with the local government. And although nasimulan na 'yan ng ating LTFRB, itutuloy 'yan at kukumpletuhin sa buong Pilipinas. And with the new LTPRP or Local Public Transport Route Plan ang tawag diyan. 'Yun ang susunod na ayusin natin.

And as we finalize this, malalaman natin ngayon anu-ano ba 'yung mga kailangan pa nating sasakyan. Anu-ano 'yung mga ruta na magiging profitable, sustainable na puwede na tayong bumili ng bagong mga equipment. Dahil magiging profitable 'yung ruta na 'yan, we can tell the investors or the operators na "Oh, itong ruta na ito, puwede na nating palitan 'yung mga luma n'yong sasakyan dahil magiging profitable naman 'yung operations nitong mga ruta na ito."

Kaya ito, alam mo, Howie, itong PUV Modernization Program ay hindi lang pagpapalit ng lumang sasakyan ng bagong sasakyan. It is a long process. It will take siguro mga five to eight years bago natin ma-implement 'yung the whole program bago natin mapalitan ng modernized equipment itong mga lumang sasakyan.

HOWIE: Mabuti nilinaw n'yo 'yan, sir, kasi 'pag iniisip 'yung modernization ng mga jeepney, iniisip kaagad 'yung mga bagong modelong jeepney. Pero balikan po natin itong sinasabing n'yong route rationalization o 'yung pagsasaayos po ng mga ruta dahil mahalagang component po 'yun ng PUV Modernization.

Bakit po inuna ang consolidation kaysa sa pagsaayos ng mga ruta? Of course, I have a layman's view of this pero in my mind, parang iniisip ko hindi kaya dapat inuuna 'yung pagsi-systematize ng mga ruta para 'yung mga operator, alam nila kung paano sila magko-consolidate around certain routes?

SEC. BAUTISTA: Sa totoo lang, more or less, dapat sabay 'yan. Sabay natin gagawin. Kaya lang 'yung consolidation nasimulan na natin 'yan since 2017 pa 'yan. Itong program na 'to sinimulan na since 2017. 'Yung route rationalization ay mayroon na rin. Marami na rin tayong mga ruta na na-identify. And ito nga 'yung sinasabi natin ngayon na bibili na tayo ng mga bagong sasakyan du'n sa mga ruta na nakita natin na talaga namang magiging profitable, magiging sustainable.

So ang naging position diyan ng LTFRB ay magandang mauna 'yung consolidation. Nakikita natin 'yung numero ng mga sasakyan na mag-o-operate. And ire-relate natin dito doon sa mga ruta na io-operate.

Kasi ibig sabihin, mas magiging sustainable para mapalitan natin ng mas magandang sasakyan 'yung ruta na 'yun. 'Yung mga lumang sasakyan na hindi na roadworthy ay palitan na ng bagong sasakyan. 'Yun naman ang isa sa mga reason na puwede na nating gawin 'yung route rationalization plan natin.

HOWIE: So, sir, itong sinasabi 'yung mas magandang mga sasakyan, pakilarawan sa amin 'yung ibig sabihin ng mas maganda. Ano ba 'yung na-envision ninyo ng mga sasakyan?

SEC. BAUTISTA: Ang ibig sabihin nito ay ito 'yung nagco-conform na tinatawag natin na Philippine National Standard. 'Yung roof niya ay mas mataas para puwedeng tumayo 'yung mga pasahero. Kasi kung titingnan mo 'yung iconic jeepney natin ay nakayuko ka 'pag papasok ka sa loob ng sasakyan. Ang pagpasok mo ay nandu'n sa likod. Ang pintuan ay nasa likod which is hindi ganu'n ka-safe.

'Yung pintuan ay nandu'n sa right side, hindi ru'n sa likod. 'Yung upuan niya ay mas comfortable. 'Yung engine ng sasakyan ay hindi naglalabas ng maruming usok.

So dapat 'yung engine ay either electric or Euro 4 or Euro 5 engine. 'Yun ang isa sa mga major requirement ng Philippine National Standard para naman mas comfortable 'yung sasakyan... 'yung experience ng ating mga mananakay. Mas malamig, may aircon, malambot 'yung upuan niya and very comfortable.

'Yun ang objective ng pagkakaroon ng tinatawag na Philippine National Standard. 'Yun ang ibig sabihin ng modern vehicles natin. Puwede siyang iconic type o puwede rin siya 'yung parang minibus type.

HOWIE: Well, sabi n'yo nga iconic type. Of course, 'yung jeepney hindi lang po iconic ng ating transportation system. Halos naging iconic na 'yan ang bansa natin, 'yung ating kultura. So sa paglalarawan n'yo, sabi n'yo nga, mas magiging komportable, it might be safer, more ecological, etcetera.

Pero parang mababago po 'yung parang lifestyle na nakabase po 'yun sa jeepney riding. Kasi kung nasa kanan na po 'yung pintuan imbes na sa likod, ibig sabihin, 'yung mga upuan ay nakaharap na sa driver lahat, 'no? Tama ba 'yun? At hindi harap-harapan 'yung mga pasahero?

SEC. BAUTISTA: Mayroong, mayroong ganu'ng upuan, 'no? Pero mayroon din 'yung pareho nu'ng luma na nasa gilid 'yung upuan. Ito makikita sa mga available modern jeepney na puwedeng pagpilian ng mga ating mga operator. Kaya kung titingnan mo 'to, medyo mataas 'yung roof niya. 'Yung upuan niya ay nandoon sa right side. 'Yung pintuan ay nasa right side, 'no? So isa to. Although, mayroon din 'yung minibus type. Isa 'yan sa mga approved ng Philippine National Standard.

HOWIE: Sir, na-approve din ba itong mga local manufacturer? Kasi siyempre, may traditional makers tayo ng mga jeepney 'yung Sarao itself is iconic, 'yung Francisco Motors versus nakakita na rin tayo ng mga ibang modelo na mga galing sa abroad na ibang-iba rito sa ating mga traditional na jeepney, ano? So sino hong gagawa nitong mga bagong jeepney, itong tinatawag 'yung modern jeepney?

SEC. BAUTISTA: Mayroon tayong mga local assembler dito sa Philippines, e, 'no. Nagpo-provide sila ng model ng bagong engines, Euro 4, Euro 5. Although 'yung mas marami yata ngayon 'yung parang minibus, 'no? Although 'yung minibus nga na tinatawag natin na nagko-comply sa Philippine National Standards ay marami nang nag-o-operate dito sa Philippines.

Pero itong sinasabi ko na iconic jeepney, puwedeng gawin 'yan ng Francisco Motors, ng Sarao, ng other bodybuilders dito sa Pilipinas. In fact, nakausap namin 'yung Francisco Motors and sinasabi nila na sila ay magkakaroon ng planta na gagawa ng iconic jeepney pero powered by electric motors or electric-powered.

And sabi nga nu'ng taga-Francisco Motors ay puwede daw nila itong i-offer ng mas mura kaysa roon sa mga imported, which we welcome naman.

HOWIE: Sir, namana n'yo lang itong jeepney modernization program. Nag-assume lang kayo sa kasulukuyang administrasyon dito sa inyong position, ano? Would you have done anything differently to prepare for it if you were already secretary of Transportation at the start of this program?

SEC. BAUTISTA: Walang batas na nagma-mandate nito, 'no? Ito ay ginawang program ng Department of Transportation during the previous administration. Nag-issue sila nu'ng tinatawag na franchising guidelines, official franchising guidelines or OFG. That was in 2017. Doon dinefine nila 'yung requirement para ma-implement itong PUV Modernization Program.

Sana kung ako personally, sana magkaroon ng batas that will implement it. Kasi wala, sabi ko nga sa'yo, hindi siya batas, but it was a program. And ini-implement lang namin what previous government has started. May kaunting variation, may kaunting pagbabago. And nakita namin na, ako personally, nakita ko na napakagandang programa ito para sa mga passenger, e, 'no?

I was really pushing for it also. And kung may pagkukulang itong nasimulan ay dapat pag-usapan. Kaya kami sa office namin, we are open to discussion with the stakeholders, the transport stakeholders para ma-implement natin ito nang maayos.

Kaya sabi ko nga roon sa mga hindi sumusuporta, "Pag-usapan natin. Kung mayroon kayong mga concern, sabihin n'yo sa amin and we will address it." Actually, ganoon ang ginawa namin, Howie. We've been talking to the different transport groups and sa dami nu'ng mga nakausap namin, mas marami rin 'yung sumusuporta. Although, mayroong dalawang grupo na against it. But ito ay mas hindi kasama doon sa nakararami.

HOWIE: So your main previous experience was in the aviation industry, as we know, ano? As a former president of Philippine Airlines. How have you tried to learn about land transportation? May similarities ba or is it vastly different? And then, ano po 'yung mga learning ninyo about land transportation since you became transport secretary?

SEC. BAUTISTA: Alam mo, tingin ko nga mas more complicated 'yung land transport. Kasi sa air, sa aviation, mayroon na tayong na-set na standard na we have to follow. We have an international association that polices the aviation industry.

Mayroon 'yung tinatawag na International Air Transport Association. Mayroon tinatawag na international association ng mga airlines.

Pinipilit na ipatupad lahat ito dahil safety is very important, comfort is very important. And pagsunod dito sa mga standard na 'to ay naging requirement ng association. In fact, we are audited by this IATA. Mayroon 'yung tinatawag na IATA Operating Operational Safety Audit na 'pag hindi ka pumasa riyan ay aalisin ka as a member of the association.

And ang maganda kasi sa aviation, talaga namang regulated, highly regulated. And we have to follow regulations of many different countries. Ito ang kulang pa sa road sector na sabi nga namin ay pagtulung-tulungan natin ma-implement natin 'yung tamang standard.

Sa airline, kailangan sumunod ka ru'n sa tamang schedule. Hindi basta-basta lilipad ka sa isang lugar na wala kang approved schedule. Dito sa road, dahil sa dami ng mga jeepney, dami ng mga operator, hindi masyadong nare-regulate ay nag-aagawan sa ruta, nag-aagawan ng pasahero.

Kung minsan, hindi nabibigyan ng tamang insurance 'yung mga pasahero, ano? So 'yan 'yung we try to implement what we do in the aviation sector. 'Yan naman 'yung pinipilit kong gawin sa tulong din ng mga different government agency.

HOWIE: So I wanted to ask you how you have tried to learn about itong PUV systems natin? Because you've probably heard the critique from others na itong mga decision-maker natin na tungkol sa public utility vehicles, you know, they make policies about jeepneys and other public transportation systems, hindi mismo gumagamit ng public transportation systems natin.

Cabinet members like yourself have private cars, have drivers, etcetera. Hindi n'yo naranasan 'yung karaniwang experience ng mga commuter, itong pinag-uusapan natin ngayon, ano? How do you overcome that disadvantage when it comes to knowing about what you're actually developing policies for?

SEC. BAUTISTA: Nu'ng ako'y bata, nu'ng ako'y nag-aaral ay I use sa public transport. Nu'ng ako ay elementary, nu'ng high school, nu'ng college, wala namang kaming sasakyan, e. So alam ko kung ano 'yung experience ng mga namamasahe.

Nasubukan kong tumayo sa bus, makipagsiksikan sa mga bus, makipag-agawan ng upuan sa jeepney. And 'yung experience ko na 'yun ay nakaka-relate naman doon sa tingin ko ay kailangan gawin dito sa improvement ng ating PUV Modernization Program.

And kasi ang importante rito ay magkaroon tayo ng mga policy to address ano ba talaga 'yung kailangan ng mga pasahero, which is very simple to me. Ito 'yung sinasabi ko na CASSA. Meaning comfortable, accessible, safe, secure, and affordable travel experience.

And sinasabi ko nga rito sa mga kasama ko rito sa Department of Transportation, "We should be guided by this CASSA value na dapat 'yun ang palaging nasa isip natin when we make decisions, when we make policies. Dapat isipin natin na dapat comfortable, affordable, secure, safe, and accessible 'yung travel experience, hindi lang sa aviation but sa road, sa maritime at sa real sectors.

HOWIE: Sir, I want to wind up by asking you, kasi, you know, you and I and millions of other Filipinos have been able to travel overseas, nakita natin 'yung public transportation system sa mga ibang bansa. Hindi naman lahat mayaman pero kahit 'yung mga sa ibang mahihirap na bansa, parang na-solve na nila 'yung traffic problem, 'yung public transportation problem.

Kahit maraming tao, parang maayos 'yung sistema nila. Para sa inyo, sir, based on, you know, what you've seen overseas, ano ba 'yung pag-asa sa atin? What's the ideal urban transport system para sa Pilipinas?

SEC. BAUTISTA: Kailangan magkaroon tayo ng more railway system. Dito sa Metro Manila alam naman natin na tatlo lang 'yung rail system na nag-ooperate - LRT1, LRT2, MRT3.

And 'pag tinignan mo, punong-punuan na 'yan. Kaya dapat magkaroon pa tayo ng more railway lines. And mangyayari next year, 2025, mayroon tayong tinatawag na MRT7. Ito ay from San Jose del Monte to EDSA. Ito ay malaking tulong.

We are now in the process of completing 'yung tinatawag natin na Metro Manila Subway. Iyan napakalaking tulong 'pag natapos 'yan. And we're doing our best para matapos 'yan by 2029.

Nagsimula na 'yung construction ng Metro Manila Subway. Mayroon tayong ginagawa ngayon, 'yung tinatawag natin ng North-South Commuter Railway from Clark to Calamba. 'Yan ay makakatulong para mag-improve 'yung travel experience ng ating mga pasahero, mabawasan 'yung traffic.

We are now in the process of finalizing another project, which is MRT-4. 'Yan, malaking tulong din 'yan. There are three unsolicited proposals na mga rail project. We're working on it.

Pero ang importante, alam mo, Howie, tingin ko ay 'yung long-term plan natin for rail dito sa Metro Manila. Kaya ang DOTR working closely with JICA to finalize 'yung tinatawag namin na 30-year master plan for rail sa Metro Manila.

Dapat many, many years ago, ginawa na natin 'yan. Actually, naiwan na tayo ng ating mga neighboring country. Nabanggit mo nga. For example, ang Indonesia, maganda na 'yung kanilang public transport system. Ang Thailand, ang Vietnam.

Even Laos, for one. Mas mahaba pa 'yung rail system ng Laos kaysa sa existing rail system natin. Kaya 'yan ang pinagtutuunan namin ng panahon. At ang ating presidente, talaga namang gusto niyang mag-improve 'yung railway system natin.

It will require a lot of money. Kailangan nating pondo nito pero ito sa tingin ko 'yung magiging solusyon dito sa problema natin ng transport. And habang nandito 'yung mga tumutulong sa atin, ang JICA, for one, ang government of Japan, ang Asian Development Bank, other countries na gustong tumulong sa atin ay let's take advantage of the opportunity.

Kaya kami working closely with Japan, JICA, with ADB para ma-implement natin itong mga program ng Department of Transportation. So tingin ko, ito ang makakatulong talaga. Railway system all over the country will solve the traffic problem of the Philippines.

HOWIE: Many things to look forward to. On that note, maraming salamat po sa inyo, Mr. Secretary, for your service and for this conversation. And good luck on the challenges ahead. Sec. Jaime Bautista of the Department of Transportation, mabuhay po kayo. Maraming-maraming salamat po.

SEC. BAUTISTA: Thank you. Thank you, Howie. Maraming salamat din.