Filtered By: Newstv
NewsTV

The best of Visayas' beaches and fiestas on 'Weekend Getaway'


WEEKEND GETAWAY Beaches, Fiestas and a whole of fun in Visayas Airing Date: January 11, 2013 Ngayong gabi, Visayas naman ang muling bibisitahin ni Drew Arellano sa pagbabalik-tanaw niya sa umaatikabong taon ng 2012 sa Weekend Getaway! World-class white sand beaches, magagandang tanawin at makukulay na fiesta -- ‘yan ang ipinagmamalaki ng Visayas. Binubuo ito ng anim na pangunahing isla:  ang Panay, Negros, Cebu, Bohol, Leyte at Samar—mga islang hindi pinalampas bisitahin ni Drew! Sa Cadiz, Negros Occidental, na-enjoy niya ang malaparaisong ganda ng Lakawon Island. Sa Guimaras at Capiz, nagtampisaw siya sa white sand beaches na paboritong destinasyon ng mga turista. At sa Guiuan, Estern Samar naman, nasilip niya ang mga naglalakihang clams ng Kantikan Island. Kasabay ng mga natural beauty ng karagatan, babalik-tanawin din ni Drew ang extreme activities na naranasan ng mga weekend warriors.  Sa Dumaguete, patiwarik na lumambitin ang warriors sa zipline.  Sa Antique naman, nagmala-Tarzan ang mga warriors sa makapigil-hiningang Tarzan Ride.  At sa Bago City, rapelling mula sa pinakamataas na tulay ang sinubukan nila. Pero hindi matatapos ang Visayas tour nang hindi nakikipiyesta ang warriors.  Sa Murcia, Negros Occidental, nabalot sa putik ang warriors mula ulo hanggang paa para sa Mud Pack Festival.  At sa Aklan, uling naman ang naging costume nila para sa Ati-atihan. Pasyalan, sayawan at tilian sa Visayas! Lahat ‘yan, inyong mapapanood sa Weekend Getaway, Biyernes, 10 PM sa GMA News TV-11.