Filtered By: Newstv
NewsTV
Love story ng isang babaeng may ketong, tampok sa 'Wagas.'
Tila pinag-adya ng tadhana na ipag-krus ang landas nina Glaiza at Topoy. Nauudlot ang kanilang pag-iibigan noong una dahil sa pareho silang may nobyo at nobya noon. Pero sa bandang huli, sila pa rin ang pinagtapo, hanggang sa sila ay ikasal.
Agad silang bumuo ng pamilya at biniyayaan ng anak. Pero isang matinding dagok sa buhay ang dumating sa mag-asawa. Dinapuan ng sakit na ketong si Glaiza. Sino nga ba ang magmamahal at yayakap sa isang taong may nakahahawa at pinandidirihang sakit? Mauudlot na naman kaya ang wagas na pag-ibig nina Glaiza at Topoy?
Para muling sariwain ang kuwento nina Glaiza at Topoy, makakasama sina Karel Marquez at Phytos Ramirez. Abangan ang Wagas: “Sa Kabila ng Lahat” ngayong Sabado, 7 PM sa GMA News TV.
Tags: wagas
More Videos
Most Popular