Filtered By: Newstv
NewsTV

Love story ng isang kuba, tampok sa 'Wagas!'


 


Dahil sa isang ‘di inaasahang aksidente noong siya ay sanggol pa, lumaking may diprensya sa katawan si Irene. “Kuba” kung s’ya ay tawagin ng mga nanunukso sa kanya. 
Pero sa kabila ng kanyang kapansanan, lumaking may malasakit  at pagmamahal si Irene sa kanyang pamilya at mga kaibigan.  May ‘di pangkaraniwang galing din si Irene sa pagmamasahe kung kaya’t sinuman ang lapatan n’ya ng kanyang haplos ay agad na nagiginhawaan.

May malaking puso rin si Irene kung kaya’t madali siyang mapa-ibig ng mga lalaking nakikilala n’ya.  Pero hindi naging madali para sa kanya  ang mga nagdaang relasyon.  May naging nobyo s’ya na maagang pumanaw at mayroon din naman na ipinagpalit s’ya sa iba.

Nang dumating sa buhay niya si Renz, natakot na si Irene na umibig muli.  Pero pinatunayan ng lalaki ang kanyang tunay na hangarin para sa dalaga.  Si Renz din ang nagtulak sa kanya para mas pagbutihin pa ang kanyang talento sa pagmamasahe para na rin makatulong sa kanyang pamilya.
 
Tunghayan ang kuwento ng wagas na pag-ibig nina Irene at Renz na bibigyang buhay nina Ayra Mariano at Hiro Peralta sa WAGAS ngayong  Sabado, 7 PM sa GMA News TV.
Tags: wagas