Kuwentong pag-ibig ng inang may 24 na anak, tampok sa 'Wagas'
Sa pagbubukas ng 2017, isang pasabog na kwento ang handog ng WAGAS tampok ang love story ng isang babaeng hindi lang isang dosena ang naging anak kundi DALAWANG DOSENA as in 24!
Tampok ang komedyanteng si CANDY PANGILINAN kasama sina ARCHIE ALEMANIA at PEKTO bibigyang buhay nila ang kwento nina Elena, Carlito at Arnold.
Unang naging pag-ibig ni Elena si Carlito--- ang lalaking nanligaw sa kanya noon sa telepono. Dahil sa pambubugbog ng kanyang amo, tumakas at tuluyang sumama si Elena kay Carlito. Simple lang ang naging buhay nila. Isang karpintero si Carlito pero napakasipag niya. At hindi lang sa trabaho masipag ang lalaki dahil mula sa isang anak..... dumami ang kanilang supling---- hanggang maging disi-sais! Umabot na nga raw sa puntong natuto na si Elena na paanakin ang sarili.
Pero hindi naging madali ang kanilang naging kapalaran. Napatay si Carlito habang inililigtas ang kanilang panganay. Halos bumagsak ang mundo ni Elena lalo na nang paghati-hatian ng kanilang mga kamag-anak ang mga anak nila dahil hindi na raw niya ito kayang alagaan.
Sa gitna ng kalbaryo ni Elena, sumaklolo si Arnold--- ang kumpare atkasama sa trabaho ni Carlito.Tinulungan niya si Elena na makabangon at mabawi ang mga anak. Hindinagtagal, naramdaman ni Arnold na hindi na lang awa ang nararamdaman niya parakay Elena, kundi mahal na rin niya ito.
Nagsama ang dalawa at nagkaroon pa ng walong anak kung nabuhay ang lahat ng mga ito. Sa ngayon ay masayang nagsasama sina Arnold at Elena kasama ang kanilang mga anak at mga apo sa San Jose Del Monte, Bulacan.
Pinagbibidahan nina CANDY PANGILINAN, PEKTO at ARCHIE ALEMANIA, isang kwentong magpapatawa at kukurot sa inyong mga puso ang unang pasabog ng WAGAS sa 2017 ngayong Sabado January 7, 7PM sa GMANEWSTV.