Filtered By: Newstv
NewsTV

'Wagas' na kuwento ng pag-ibig ni Rosanna Roces, ilalahad sa kauna-unahang pagkakataon


AIRING :  MAY 21, 2016

Kontrobersyal. Sexy. Pantasya ng mga Kalalakihan. Lalo pang uminit ang kanyang pangalan nang pagbidahan ang mga pelikulang “Ligaya ang Itawag Mo Sa Akin”, “Patikim ng Pinya”, At “Ang Lalaki sa Buhay ni Selya”.  Sino ang hindi nakakikilala sa alindog, karisma at husay sa pagganap ng nag-iisang si Rosanna Roces o “Osang”?

Makalipas ang maraming taon sa showbusiness at sa dami ng relasyong kanyang pinagdaanan---- sa kauna-unahang pagkakataon, ikukuwento ni Rosanna Roces ang WAGAS na Pag-ibig na sa wakas ay natagpuan niya na! Hindi sukat akalain ni Rosanna na sa dinami-dami ng lalaking dumaan sa buhay niya--- sa  high school bestfriend na si Blessy Arias niya mahahanap ang pupuno sa matagal nang kulang sa kanyang  buhay.

Isang malungkot na pangyayari noong nasa high school sila ang sumira para tuluyang kalimutan ni Rosanna ang kanyang kababatang si Blessy. Mula noon, nawalan na ng komunikasyon si Rosanna at tuluyan ng umangat ang kanyang karera. Nagkaroon ng ilang failed relationship na nagbunga pa ng dalawang supling.Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Makalipas ang 27 taon, muling magkukrus ang landas nina Rosanna at Blessy.


Sa muli nilang pagkikita, tila raw lahat ng mali noon ni Rosanna itinama ng pagmamahal ni Blessy para  sa kanya.  Mahahanap nila ang Pag-ibig na kahit kailan ay hindi nila natagpuan sa iba--- husgahan man sila ng lipunan o mali man ito sa paningin  ng ilan.

Si Rosanna mismo ang nagpropose kay Blessy kamakailan at ngayon ay naghahanda na sila sa nalalapit nilang kasal na dalawang beses pang gaganapin: isa sa Pilipinas  at isa sa Canada kung saan kinikilala ang  Same- Sex Marriage.

Abangan ang natatanging pagganap nina si Jackie Rice bilang Rosanna Roces at si Roxanne Barcelo ngayong Sabado May 21, 20114 sa WAGAS 7PM on GMANEWSTV !

Tags: pr