Filtered By: Newstv
NewsTV

May-December love affair nina Mystica at Troy, tampok sa 'Wagas'


"LOVE KNOWS NO AGE"
The MYSTICA- TROY Love Story

Starring Rufa Mae Quinto & Martin Del Rosario 

Airing Date: April 18, 2015


Tinaguriang “The Split Queen”---- naging maingay ang pangalan  ng seksing komedyanteng si Mystica! Sinong mag-aakalang mahahanap niya ang mailap na pag ibig sa isang lalaking halos kalahati ng kanyang edad?

Nagpapa-audition noon si Mystica para bumuo ng isang boy group nang makilala niya si Troy. Bukod sa pag-aartista, rumaraket din siya bilang talent manager. Nang mabuo ang grupo, naging malapit ang dalawa--- mula sa  simpleng manager at talent, nauwi sa isang matamis na pagtitinginan at kalaunan, umabot sa kasalan!


Pero hindi naging madali ang lahat para kina Mystica at Troy. Hindi maiiwasan ang panghuhusga at pangungutya ng iba dahil sa kanilang hindi pangkaraniwang relasyon. Nang lumaon, naging malamlam  ang karir ni Mystika. Isa-isa ring nawala ang mga raket niya. Namatay pati ang nanay niya at halos masira ang kanilang pamilya.

Sa gitna ng lahat ng pagsubok, hindi siya iniwan ni Troy.

Anuman daw  ang sabihin ng iba, alam niyang masuwerte siya sa lalaking pinakasalan niya—kahit pa napagkakamalan silang mag-ina paminsan-minsan!

Abangan ang nakaaaliw, makulay at kakaibang kwento ng "lablayp"  ni Mystica sa natatanging pagganap ni Rufa Mae Quinto kasama si Martin Del Rosario ngayong Sabado, 7PM, sa Wagas!

Para sa karagdangang impormasyon tungkol sa Wagas, silip na sa aming Facebook at Twitter account:
 

https://www.facebook.com/wagastv11
https://twitter.com/wagastv11