Filtered By: Newstv
NewsTV

Pag-iibigang Diego at Gabriela Silang, tampok sa 'Wagas'




“ANG PAG IIBIGANG DIEGO AT GABRIELA SILANG"
Tampok sina Glaiza de Castro at Marc Abaya


Sa kauna-unahang pagkakataon sa Wagas, ang kuwento ng pag-ibig ng dalawang mahalagang karakter sa ating kasaysayan ang itatampok--- sina Gabriela at Diego Silang.

Sa likod ng kanilang kabayanihan, may isang makulay na "love story."
 
 
 



Taong 1872. Parehong naging bilanggo sina Gabriela at Diego. Si Gabriela—naging bilanggo sa pag-aasawang walang pagmamahal. Si Diego- naging alipin at preso sa tabing dagat nang makaligtas sa lumubog na barko. Kaya nang makatagpo ang biyuda at ang bagong laya, para silang napakawalan.
 
 
 



Unang nagkakilala sa simbahan sina Diego at Gabriela. Isang sulyap sa babaeng nakabelong itim, “love at first sight” ang naganap. Limang taong sinuyo at niligawan ni Diego si Gabriela bago nakuha ang matamis niyang oo.

Sa kanila ng pananakop ng mga Kastila noon, malaya silang nagmahalan. Subalit naging mainit ang mga panahon, tumindi ang pang-aapi ng mga Espanyol. Sapilitang pinagtrabaho at inabuso ang ilang malapit kina Diego at Gabriela. Lalong umigting ang alab sa puso ng dalawa.

Magkasamang lumaban at sumulong sina Diego at Gabriela para ipagtanggol ang kanilang mga kababayan sa Ilocos, pero ang kanilang pag iibigan hindi lamang sinubukan sa labanan.
 
 


 
Pinagbibidahan nina Glaiza de Castro bilang Gabriela at Marc Abaya bilang Diego Silang. Abangan ang unang bahagi ng kauna unahang historical love story ng Wagas ngayong Sabado 7 PM sa GMA News TV!
 

 
 

Tags: prstory, wagas, plug