ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
'Sumpa Ko,' The Romano Vasquez Love Story sa Wagas


Written and Directed by Paul Sta Ana
Starring: Martin Del Rosario and LJ Reyes
"Ang buhay ko bago ko makilala si Alma ay maihahambing sa isang kotseng pundido ang headlights. Gustong tumakbo, gustong umandar, umaandar naman pero hindi alam kung saan pupunta dahil madilim iyong dadaanan." - Romano Vasquez
Dating miyembro ng youth-oriented variety show na “That's Entertainment” at boy band na Quamo si Romano Vasquez.
Naging maikli lang ang buhay ng kanyang showbiz career kaya pinasok niya ang pagnenegosyo. Subalit kasabay ng pagkalugi nito ay nalulong siya sa masamang bisyo.
‘Di nawalan ng tiwala sa Diyos, humingi si Romano ng himalang magbibigay ng panibagong simula at pag-asa para sa kanya at dumating ito sa katauhan ni Alma, isang single mother at modelo sa club.
Sa panahong gipit na gipit si Romano, tinulungan siya si Alma. At para na rin makatayo sa sarili niyang mga paa si Romano, hinikayat siya ni Alma na magtrabaho sa isang gay bar bilang singer.
Praktikal ang dalawa pagdating sa buhay at pag-ibig. Kaya nang magkaroon sila ng oportunidad na magtrabaho sa Japan, sinunggaban nila ito. Sa panahong namang naiwan si Romano sa Pilipinas, siya ang naging tagapag-alaga sa anak ni Alma. Naging sandigan nila ang isa't isa. At kahit pansamantala man silang nagkakahiwalay, napanatili nilang buo ang pamilya at matibay ang kanilang wagas na pag-ibig.
Abangan ang totoong kwento ng pag-ibig na ngayong Sabado, September 27, 7PM sa GMA NewsTV!




Para sa karagdangang impormasyon tungkol sa Wagas, silip na sa aming Facebook at Twitter account:
https://www.facebook.com/wagastv11
https://twitter.com/wagastv11
Tags: prstory
More Videos
Most Popular