Filtered By: Newstv
NewsTV

Jopay Paguia and Joshua Zamora love story on 'Wagas'


AIRING DATE: July 12, 2014
AIRING TIME: 7 p.m.



Parehas na miyembro ng mga sikat na dance group sina Jopay Paguia at Joshua Zamora. Si Jopay, kabilang sa Sexbomb Dancers at si Joshua naman, kasali sa 90’s all-male dance group ni Gary V na The Maneuvers.
 
Nagkakilala sila nang maitambal sa isa’t isa sa dating TV show na Daisy Syete. Dito nagsimula ang kanilang pagkakaibigan, at hindi nagtagal, nauwi sa pagiging magkasintahan. Kinailangang tanggapin ni Jopay ang ilang mga bagay sa buhay ni Joshua— labingdalawang taon ang agwat ng kanilang edad, dati nang nagkaron ng asawa at may dalawang anak.  Tinanggap ito lahat ni Jopay at tumagal nang pitong taon ang relasyon nila hangga’t sa maging engaged sila at nag-live in.


 
Hindi niya inaaasahan na isang buwan bago ang itinakdang kasal nila, hihiwalayan siya ni Joshua at kinailangan lumipas ang dalawang taon, bago muling manaig ang kanilang wagas na pag-ibig.
 
Tampok si Diva Montelaba at Joseph Bitangcol, abangan ang kwentong ito sa Sabado, July 12, 2014.
Tags: plug, jopaypaguia