Filtered By: Newstv
NewsTV
Pag-ibig habang may buhay: Gloria and Nathaniel 'Mang Tani' Cruz love story sa 'Wagas'
Nathaniel "Mang Tani" Cruz and his wife Gloria.
Na-“love at first sight” daw si Mang Tani kay Gloria, pero dahil may nobyo na noon si Gloria kaya’t balewala rin ang nararamdaman ni Mang Tani.
Subalit ginawa ni Tani ang lahat para makuha ang loob ng babaeng sinisinta kaya naman kanya rin itong naging girlfriend matapos ang matagal na panliligaw, pagti-tiyaga at paghihintay.
Sa loob ng maraming taon naman nilang pagsasama bilang mag-asawa, isang matinding pagsubok ang hinding-hindi nila malilimutan.
Isa itong pangyayaring muntik nang nagwalay sa kanila…subalit dahil sa milagro ay naging susi pa para simulan ang mas maraming taon ng matamis na pagmamahalan.
Abangan ang totoong kuwento ng pag-ibig ng GMA News resident meteorologist na si Mang Tani Cruz ngayong Sabado sa "Wagas," 7 pm sa GMA News TV.
More Videos
Most Popular