Filtered By: Newstv
NewsTV

The Regine Tolentino and Lander Vera Perez Love Story sa 'Wagas'




Ang pagtitinginang nagsimula sa shooting ng kasal, nauwi sa pag-iibigang wagas at totoong kasalan.

Love at first sight ang naramdaman ng baguhan pa lang sa showbiz noon na si Regine Tolentino para sa gwapong kapareha niya sa shooting na si Lander Vera-Perez. Hindi sukat akalain ni Regine na ang napaka-romantikong eksenang ‘yun ay magiging totoo sa buhay nilang dalawa ni Lander pagdating ng araw.

Sa darating na Sabado, ilalahad na ng celebrity couple na hinahangaan dahil sa tatag ng kanilang relasyon ang buong kuwento kung paano sila na-inlove at nananatiling inlove sa isa’t-isa sa loob ng napakahabang panahon.

Starring Bela Padilla and Rodjun Cruz, tampok ngayong Sabado, August 24, ang exciting at nakakakilig na love story nina Regine Tolentino at Lander Vera Perez sa Wagas!

Hindi naging madali para kina Regine at Lander na mabigyan ng sapat na atensyon ang espesyal nilang damdamin sa simula ng kanilang relasyon.

Pareho papa-usbong ang kanilang showbiz career noon at ipinagbabawal ng mga talent manager sa mga baguhang artista gaya nila ang pagkakaroon ng love life na tinuturing na balakid sa ganap na pagsikat at tagumpay.

Tunghayan sa episode na ito kung paano ipinaglaban nina Regine at Lander ang kanilang pag-ibig sa kabila ng mga tsismis at pagkontra ng napakaraming tao sa kanilang paligid at alamin kung paano nila napapanatiling matatag ang kanilang relasyon sa makulay na mundong siyang nagbuklod sa kanila at siya ring muntikang magwakas sa kanilang pag-ibig.