Filtered by: Newstv
NewsTV

'Ang Tunay na Buhay' ni Shalala









Siya ang tinaguriang reyna ng mga blind item. Ang dating checker sa sinehan, na naging staff din ng Viva Films, ngayo’y isa nang showbiz reporter sa radyo at telebisyon. Siya si Carmelito Reyes, na mas kilala natin sa kanyang palayaw na Shalala.

Pero wala nga bang pinipili na patamaan si Shalala, at maski si German Moreno na siyang nakadiskubre sa kaniya, tinira rin niya sa kanyang mga blind item? Ito nga ba ang naging dahilan ng paglipat niya sa ibang istasyon?

Ngayong Martes, abangan ang kuwento ni Shalala dito sa Tunay na Buhay, kasama si Rhea Santos.




Tags: prstory