Filtered By: Newstv
NewsTV
Mga celebrity transmen at transwomen, kilalanin ngayong Miyerkules sa 'TWAC'
JUNE 10, 2015
WEDNESDAY, 10:15-11PM, GMA NEWS TV
“TRANSGENDERS”
Dahil kinikilala sa buong mundo ang Hunyo bilang LGBT o Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender Pride Month, tampok sa Tonight with Arnold Clavio ang ilang pinagpipitagang miyembro ng LGBT community dito sa ating bansa --- Ang Miss Gay Manila 2015 first runner-up na si Marianne Arguelles, at Miss Gay Manila 2015 second runner-up na si Francine Garcia, kasama ang mga kung tawagin ay “transmen” na sina Popoy Seneres at Nil Nodalo.
Noong Mayo lamang, pasok sa Top 3 sa kauna-unahang Ms. Gay Manila Pageant sina Marianne at Francine. Bukod sa grand winner ng patimpalak, silang dalawa ay mga kinatawan na ngayon ng LGBT community sa lungsod ng Maynila. Pero ano ang masasabi nila sa paniwala ng iba na hanggang beauty pageant lang ang mga transwomen gaya nila? Sasagutin din nina Marianne at Francine ang ilang mainit na tanong tungkol sa mga isyung kinahaharap ng LGBT community.
Ang transman naman na si Popoy Seneres, panalo rin ng grand prize sa isang transman pageant! Siya ang kauna-unahang “King of Trans” dito sa Pilipinas. Kasama niya si Nil Nodalo na ngayo'y tagapagsalita ng grupo ng mga kahanga-hangang transmen. Walang pagaalinlangan nilang ikukuwento ang hirap sa kanilang transpormasyon mula babae noong isinilang hanggang sa maging lalaki sa itsura, puso at diwa sa panahong kasalukuyan. May mga nais din silang ibahagi sa madla tungkol sa pagkakaiba umano ng transmen sa mga lesbyana at ng mga transwomen sa gay at bisexual.
Makabuluhan at makulay na kuwentuhan ang inyong matutunghayan sa darating na Miyerkules ng gabi kasama si Igan Arnold Clavio. Kaya't tutok na sa TWAC, mga igan!
Makilahok sa masayang kwentuhan! I-follow ang TWAC sa twitter: @TWACofficial at gamitin ang hashtag na #TWAC! At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio.
More Videos
Most Popular