Filtered by: Newstv
NewsTV

The Triplets: Manilyn Reynes, Tina Paner at Sheryl Cruz, magre-reunion sa 'TWAC'!






“THE TRIPLETS”  ON TWAC!
JUNE 11, 2014


#WayBackWednesday na naman kaya tara at maki-trip down memory lane sa "Tonight with Arnold Clavio!"
 
Tatlong babaeng oozing with charm, talent at beauty ang magre-reunion sa TWAC, eksklusibo! Iyan sina Manilyn Reynes, Tina Paner at Sheryl Cruz ng grupong Triplets,  isa sa mga girl group na sumikat noong dekada otsenta.
 
Naaalala niyo pa ba kung gaano sila kinagiliwan ng kanilang mga tagahanga kasama ang kanilang mga ka-love team?!  
Sino nga ba ang hindi kinilig sa tambalang Sheryl-Romnick, Manilyn-Keempee at Tina-Monching? Bilang bonus sa kanilang mga fans, mapapanood ngayong Miyerkules ang sorpresang may kaugnayan sa mga tambalang ito!
 
Maki sing-along din sa classic hits ng tatlo, dahil ihahandog nila ang mga awiting“Tamis ng Unang Halik,” “Mr. Dreamboy” at “Sayang na Sayang!”
 
Kakamustahin din ni igan Arnold Clavio ang kanilang buhay ngayong lahat sila ay may kanya-kanyang pamilya na.

Sali na sa masayang kuwentuhan! I-follow ang TWAC sa twitter: @TWACofficial at gamitin ang hashtag na #TWAC!
 
I-follow din ang aming instagram page! @TWACofficial
 
At para malaman ang mga pangyayari behind the scenes, i-like ang aming facebook: www.facebook.com/tonightwitharnoldclavio