Filtered By: Newstv
NewsTV

Tonight with Arnold Clavio: Ang Kuwento ng Tagumpay Leo Consul


ANG KUWENTO NG TAGUMPAY NI LEO CONSUL TONIGHT WITH ARNOLD CLAVIO Airing date: January 9, 2013   Mula Batanes hanggang Jolo… tatlumpu’t tatlong taon na tayong pinapasaya ng ating mga dabarkads sa noontime show na Eat Bulaga. At para sa mga hindi pa nakakaalam, umabot na ang hatid nilang tuwa’t saya maging sa bansang Indonesia! Ito ang kauna-unahang pagkakataon na na-franchise sa ibang bansa ang isang proudly pinoy-made na noontime variety show... At naging number one sa buong Indonesia ang Eat Bulaga Indonesia sa unang tatlong buwan pa lang!   Pero alam n’yo bang may nag-iisang Pinoy na Dabarkads sa Eat Bulaga Indonesia? Walang iba kung hindi si Leo Consul, na nagmula sa pamilya ng mga magbobote sa Bolinao, Pangasinan. Elementarya pa lang, nagsimula nang magtrabaho si Leo bilang tagalinis ng bus, tagapulot ng basura, at tagalako ng puto at ice candy.   Sa kauna-unahang pagkakataon, ikukuwento ni Leo Consul kay Igan Arnold Clavio ang kanyang mga masasaya at mapapait na karanasan habang lumalaki sa gitna ng kahirapan, at kung paano siya nagpursigi para unti-unti ngayong makamit ang kanyang mga pangarap.   Kilalanin kung sino nga ba si Leo Consul, at alamin ang kanyang kuwento ng tagumpay ngayong 10:30 ng gabi sa Tonight with Arnold Clavio, dito lang sa GMA News TV.